Walang Kuryente!

Mula nung Biyernes pa

Wala nang kuryente sa opisina

Matatagalan pa bago ito lubusang gumana

May huhukayin pa raw sa ilalim ng building

At ang pampalit sa nasirang gamit

Iyon pa ay aangkatin

Tanong ng empleyado, bakasyon grande ba tayo?

Ganito pala ang walang kuryente sa opisina

Telepono ay di tumutunog

Kaya ang aking tenga, nakapahinga

Ang computer ay di gumagana

Kaya ang aking mga daliri, nakapahinga

Ang mga elevator, nakatigil

Kaya ang aking mga tuhod, nagdurusa

Ang tubig ay di umaakyat sa tubo

Kaya ang mga janitors, pagod sa pag-iigib

Ang airconditioning units walng silbi

Kaya't mano-mano ang pagpapaypay

Upang di lubos na mainitan

Walang ilaw sa cafeteria

Kaya't ang mga ulam, inaaninag na mainam

Ang mga blinds at bintana, todo ang bukas

Magandang tanawin sa Veteran's Memorial golf course

Libreng libreng napapanood

Kaya't ang aking isip, maligayang lubos