Mommy Asperilla sent food so we had a sumptuous lunch at home.
I went to UP after my nap. P6 ang senior citizen fare ko sa jeepney. What a letdown. Hindi nagalit ang jeepney driver, naniwala at face value!
I went to the home of Mang Meliton sa Pook Ricarte sa likod ng International House to buy his CD. Celebrity siya dun, kasi the previous day ay pinuntahan ng "Wish ko Lang". Sinamahan ako ng napagtanungan ko hanggang sa kanilang bahay. Naks! Bago ang sala set saka dining set at inalok pa akong kumain, marami daw silang pagkain, bigay lahat ng "Wish ko Lang". Panoorin ninyo bukas, January 17, ang episode niya sa "Wish ko Lang". Sayang, nagmamadali ako dahil sa UPAA meeting na late na nga ako. I would have wanted the full chismis. I promised to come back soon. Inihatid nila akong mag-ama pabalik sa bukana, maliligaw ako kung mag-isa dahil pasikut-sikot ang daan. Si Kit, yung na anak na na-text ko ay graduate ng Food Technology sa UP. Sabi ko ambisyunan niya yung gaya ng Filipino chef sa White House.
Nag-attend na ako ng UPAA meeting. Binili na ni Maripaz yung isang CD. Bakit daw di ko siya isinama sa bahay ni Mang Mel? Gusto rin niya pumunta. Sabi ko balik kami.
Ini-blow-out kami ni Maripaz sa Chocolate Kiss. Of kors, nagamit ang aming senior citizen cards ni Diego para sa discount, ayos!
Inihatid ako ni Maripaz hanggang bahay, special treatment daw dapat dahil birthday ko. May gifts pa nga sila ni Diego sa akin, kakatuwa.
Huuu, ang ginaw! I put on a jacket to walk to Red Ribbon near Heart Center. Gusto ng sister ko ng dessert. Got a Jr chocolate mousse cake, 20% ang senior citizen discount, kaya P58 off. Ayos na ayos!
Yesterday I applied for membership to the senior citizen club of my barangay (Barangay Central of Quezon City). Binigyan na ako ng notice of meeting for Sunday, Jan 18.