Dear Ataboy,

Nakiusap lang ako sa Federation na idagdag kami sa trip to Banaue, so may caution agad na baka sa jump seat( folding seat sa aisle ng bus) lang uupo dahil puno na ang slots. Sige Ma'am, sabi ko, hindi na ako delikado ngayon unlike last year. Kaya na iyan! Nagbayad na kami agad ng P2,000 per head na fee!

        April 27, half day na lang pumasok sa offfice. I was home at 1:30 pm. Matutulog pa sana dapat at nang may reserve energy for the overnight trip, kaso excited, hindi rin nakatulog! Napagod pa nga kasi nagsaing, at nagluto ng baon na isang kilong Cabanatuan longganisa, saka boiled eggs. Nagligpit ng pinaglutuan.

        Kumain ng early dinner at 5:30 pm.  Bitbit ang mga balutan (may folding stool, blanket, pillows, one backpack of food and drinks) we went out the door at 6:30 pm.

        Ayaw ng mga taxi na maghatid sa Makati! So we took a cab to the MRT station in Kamuning, took the elevator up, rode the MRT to Buendia, went down the elevator, took a jeepney ride to Comfoods in Pasong Tamo.  Pasahe ng apat ang ibinayad namin sa jeepney driver. Wala pang 8 pm. nasa Federation office na kami.

        Ayos, dalawa na pala ang bus, hindi na kami sa jumpseat, salamat!
Na-issue-han na kami ng kits containing our ID's(suot dapat at all times), breakfast chits, room assignment (Room 203 sa People's Lodge, share kami ni Ojie), bus assignment (Bus #2), map of Banaue tourist spots, Imbayah festival schedule, and one roll of film. Hihintayin na lang ang bus na darating at 9 pm, at 10:00 pm ang departure time.

Masaya ang assembly. Magkakakilala kasi. Marami yung sumama rin sa Vigan last year. Kuwentuhan. Kodakan.  Marami na ang bumibili ng extra rolls of film sa Federation girls (cheap at P150 for 36 shots of ASA 400 Mitsubishi film including developing and contact printing).

Aba, alas diyes na ay wala pa ang Dangwa buses! . (Sulit na agad ang aming folding stool, na inupuan ko habang naghihintay ng bus.)

Alas otso pa umalis sa Cubao, sabi ng dispatcher na kinausap ni Mrs. Huang
He, he, he! Naligaw si Manong Driver, hindi sanay sa Makati. Sa Fire Department pa nagtanong.

Dumating ang bus at 10:15 pm. Siempre, nakakuha agad ng upuan si Ojie sa 4th row. Naka-reserve ang first three rows sa senior citizens (60 years old and over or kaya delicate health, hindi na ako qualified). We departed at 10:45 pm.

Wops! May jump seat sa 4th row aisle! Ayos! With the armrest out of the way, the pillows on the jump seat and the blanket as mattress, I had a bed!

Siempre, with blindfold and bonnet and my feet on Ojie's lap, tulog agad ako till the first stop at the North Expressway gasoline station. Almost midnight na iyon.

Nueva Ecija na ang sumunod na stop. Kinalampag ang isang tindahan sa roadside para makapag-kape ang karamihan. Pinagtiyagaan din ng mga babae ang primitive CR (mabuti at may dala akong flashlight!) na plastic na sako ng bigas lang ang tabing sa pintuan.

Nueva Vizcaya na ang next stop. Nag-arroz caldo kami.

May isa pang stop. Tapos umaga na. Maliwanag na. Ang ganda na nga ng view ng mountains, nanghingi pa ng video ang mga sakay, para daw may mapanood.

Masyadong exciting yata ang palabas, maya-maya ay pinatigil ang bus, at ang isang senior citizen ay nag-vomit. Itinigil ang video. Ipina-turn off na rin ang air-con, binuksan ang mga bintana. Mas malamig pa pala ang natural na simoy ng hangin!
May hindi nakatiis, nag-smoke! Offended ang mga babae, nangakasimangot.

Malapit na kami sa Banaue. Festive na ang atmosphere, kasi may mga costumed Ifugaos na kaming nakikita, either naglalakad or nakasakay papunta sa Imbayah festival. The parade is set at 8 am.

Kita na ang roof ng Banaue Hotel. May traffic na. Naka-porma na ang parade contingents. Wow, very colorful costumes! Trigger happy na ang mga diehard photographers. Kumpleto pati ng mga sibat and elaborate headgear ang mga naka-G string na Ifugaos.

Una raw bababa ang mga naka-assign sa Banaue Youth Hostel boys and girls dorms.
Asus, pumarada na ang bus. Doon na lang daw, di na puedeng mag-drive to the town proper.
Baba na kaming lahat. Yung mga assigned sa Fairview Lodge (malapit lang sa Banaue Hotel)  ay nangaglakad na.
Kami ay sumakay sa tricycle (P5 each) to reach People's Lodge. Ganda ng location. It is just a few meters away from the town plaza.
Kuha ng susi sa proprietress. Room 203 is just one flight of stairs down to the first basement. Ayos! Room for two kami ni Ojie. Hardly 5 star accommodation, but very comfortable. The sheets and pillowcases are made of katsa flour sacks. May blanket, pero wala nang bedspread. Walang cabinet. May isang table, and two monobloc chairs. The curtains are in bright pink. May common T/B per floor, isang with hot shower at isang walang hot shower. No problem, may dala kaming water heater.

Freshen up and change clothes lang, akyat na for breakfast sa ground level. Ready na raw sila since 6 am, sabi ng proprietress, pero almost 8 am na kami dumating.

Sa may terrace kami pumuesto for breakfast. Wow, may view ng terraces , tapos may brook sa ibaba na madidinig mo ang sound ng running water. Ganda! They served coffee, rice, two farm fresh eggs sunny side up. Halos kulay orange ang eggyolk. May hotdogs, saka one banana.

While we were eating breakfast, nakita na namin ang parade contingents dun sa winding road that is part of the balcony view. High na high kami!

Mabilis kumain si Ojie, kaya nagpaiwan na ako, at pumunta na siya sa plaza,
dahil padating na doon ang parade.

Paglabas ko sa People's Lodge, ayun na nga ang lahat ng tao, nanonood. May
bakery cum refreshment parlor sa kanto, at nakatayo na sa stools ang owners.
Kapal mukha akong nakitayo din sa stool. Shaded area na, panoramic view pa!
May contingent na ang suot ay made of banana leaves. Meron naman yung jute
sacks yata.  Dala din nila ang kanilang work implements. Tulo laway ako sa
magagandang baskets!
Panay nangaka-bahag ang mga Ifugao males. Sexy muscles! Exotic headgear. May
mga bungo ng monkey, tuka ng malalaking ibon, and all the beautiful plumage
of different birds! Dala-dala ang mga sibat at kalasag at tabak.
Ang mga babae, topless ang iba. May boobsie, at may size AA, nag-shrink na.
Nangaka-porma silang lahat! With all their beads and colorful woven costumes.

Hindi ako nagkuha ng pictures with the camera. Ginamit ko ang mata ko (the
most powerful camera)  para walang ma-miss na sight.

Nagkita kami ni Ojie after the parade. Na-miss daw namin yung kinatay na
kalabaw dun sa plaza. Dugo na lang ang nandoon sa grounds.

Nandoon na kaming lahat, siksikan, nakatayo, sa plaza. Mainit. Hindi ka
naman dapat magpayong, at hindi makakakita ang nasa likod mo. (Umitim nga
ako, nasunog ang mukha!)

May program sa stage. Si Mayor, naka-bahag din, nag-speech. Formal wear daw
nila yung mga suot nila. Binati niya sa Ingles yung mga friends from
different countries. Pero mostly ay Ifugao ang salita nila.

Ang Imbayah ay festival nila. It is NOT a show for tourists. They are
enjoying themselves, and we are welcome to observe, pero hindi sila hosts,
at hindi kami guests. Pantay-pantay lang ang lahat.

Dahil hindi ko maintindihan lahat ng sinasabi sa program, inusyoso ko na
lang at close-up range yung mga katabi kong Ifugao. Very friendly naman
sila, mag-smile ka lang, they will smile back. Pati sa mga bata,
nakikipag-dilaan ako.

Natapos ang program. Break na. Nagkalat ang mga tao, nag-me-merienda sa mga
tindahan. Maraming halo-halo stands. Maraming vendors ng frozen delights.
Uminom ako ng Magnolia chocolait dun sa bakery.

Nagtingin ako sa mga shops. May gusto akong ipa-weave para sa friend kong
ikakasal. Nakilala ko si Francisca,  who owns one shop. Bumili ako ng isang
colorful vest, isinuot ko na. Hindi siya sure sa weaving, kasi, nanonood rin
ng festivities yung weavers. But she took the order. Bumalik daw ako at 2 pm.

Balik ako sa People's Lodge. Kain ng lunch-- yung baon namin. Tulog. 1 pm pa
naman ang resume ng festivities.

Alas tres ako nagising! Sarado ang shop ni Francisca! Punta ako sa plaza.
Mainit ang araw. Doon ako tumayo sa gilid ng stage. Medyo naka-blend ako sa
mga Ifugao, dahil naka-colorful vest ako. Hinahawakan pa nga nung isang
batang kilik ng Nanay niya  yung vest ko.

Ethnic dance competition yung dinatnan ko. Mga schoolchildren ang contestants.
Naalala ko si Girlie.

Courtship dance: a line of dancing girls being watched by a guy and a
matchmaker.
Matchmaker signals one girl, she leaves the line, takes a look at the guy,
shakes her head, goes back to the line. Repeat with another girl. Third girl
nods her head.
Guy offers her betel nut. Pareho silang nagnganga. Tapos pumunta sila dun sa
tabi ng miniature hut, ulog siguro.
Yung mga katabi kong older Ifugaos, kinikilig. Marami silang comments, saka
hagikgik! I wish I could understand the Ifugao dialect! Palagay ko lang,
naalala nila nung kabataan nila when they went through that process of
courtship.

Harvest dance. Sa entrance pa lang, aliw na ang mga tao. Paano, may mga
props silang limang maliliit na mga bata, lumampas sa dapat puwestuhan,
inayos pa ng coach nila. Okay na.  May nagtatahip sa bilao, may nagbabayo sa
lusong. May umakyat na may dalang pagkain. Ayun! Role pala nung maliliit na
bata ang kumain, and they did it with gusto!  Ayaw tumigil sa pagkain, e
dapat nang mag-exit! Sinundo na naman sila ng coach. Sumugod ang maraming
photographers to capture the humor moment.

Hinagpis yung isang coach sa tabi ko. Parang nag-exceed sila sa time limit,
na-disqualify!

Magaganda rin siguro yung iba pang entries na na-miss ko dahil tulog ako.

Sumunod na ang ethnic games competition. Kapal muks uli, umakyat ako sa
stage at doon nanood. Nakita ko kasi na may mga old Ifugao women na
nakatalungko na doon.
Walking on stilts ( Ak-kad) relay for men ang first game. Grabe! Ang bibilis
nila, at iba-iba ang style. May patakbo, merong palundag, at may parang
gumagapang! Siempre, pinagtatawanan yung mga nahuhulog at nadadapa.
Lalong kahanga-hanga yung Ak-kad for boys! Talagang literally tumatakbo sila!
Hirap ang photographers, kasi ang bibilis ng aksiyon!
Sa Tagalog, tiyakad ang tawag sa stilts. Malapit na rin ang word na ak-kad.

Carrying the sack race ang sumunod. Relay din. Pasan ang isang kabang bigas,
lalakad, iikot sa poste at babalik sa group ang contestant. Ipapasa ang sako
ng bigas sa kasunod na contestant, etc. Ang lalakas ng mga katawan nila!
Na-disqualify ang isang group, kasi nabagsak ang sako, at sumabog ang lamang
bigas. The winning group got all the 5 sacks of NFA rice.

Tapos na ang afternoon festivities. Disperse na ang crowd. Nakita ko na si
Ojie.
Nalakad na niya ang mga streets.

Lumibot kami dun sa may munisipyo. Niluluto na ang kalabaw dun sa unfinished
building beside city hall. Talya-talyasi ang sinaing.

Nagtanong kami sa tourist information center kung nasaan ang museum. Sa
Banaue View Inn daw. Dun sa ituktok iyon, sabi ni Ojie.

Nagtanong kami sa pulis kung saan ang masarap na pinapaitan. Sa Mother's
Cafe dun sa palengke daw. We ate an early dinner there.

Tapos, umakyat sa museum. Sarado na, kasi past 5 pm na. Babalikan na lang
kinabukasan.

Balik na sa People's Lodge. Uy, may Internet connection pala. P80 for 30
minutes, kasi long distance call pa raw sa Manila to connect to the ISP.

Tulog nang maaga. Nag-set ng alarm clock at 5:45 am, at may balak manood ng
kasalan sa Tam-an Village dun sa ibaba ng Banaue Hotel.

Wala kaming namalayan dun sa variety show na na-stage that night. Masarap
ang tulog. Hindi maginaw. I did not even use the blanket.
 

Himala! Maagang nagising. Nauna pa sa alarm clock. Walang kumpetensiya sa
bathroom, kaya ready na for breakfast at 6:00 am. Daing na bangus, farm
fresh eggs sunny side up, banana, rice  and coffee.

Paglabas namin sa People's Lodge, sumisirena ang police car. Padating na ang
marathon winners. ( Nakasulat sa police car, DEDICATED, HONEST, COURTEOUS)

Puwesto sa finish line. Eto na ang mga babae. Tumakbo sila nang nakatapak
(barefoot) at naka-costume na tapis. Pinaypayan ko yung isa na humihingal pa.

Breakaway winner daw yung isang lalaking dumating. Glistening sa pawis ang
katawan. Siempre, naka-bahag.

Lumakad na kami papunta sa Banaue Hotel. Nadaanan namin yung mga tao na
naka-abang sa mga marathon contestants. Siempre, ang mga photographers ay
naka puesto sa mga bends.

May mga naka-tsinelas at naka-sapatos din pala sa mga kasali sa marathon!
May drop-outs din.

Nang matapos ang marathon,allowed na uli ang biyahe mga tricycles. Nakasakay
puntang Bananue Hotel.

May mga nauna na sa amin na bumaba sa Tam-an Village. Nangkupo! 240 steps
down. Hindi pa ako naka-50 steps, ngalog na ang tuhod.  Si Ojie na lang ang
tumuloy. Bumalik na ako sa swimming pool area ng hotel. Nanguha ng pictures
of flowers. Buto-butonisan, paborito iyon ng Impo ko. Angel's Trumpet pa.
Eto na uli si Ojie. 9 am pa raw ang kasal, at sabi raw ng mga iba ay di
sulit dahil modern na rin ang  gagawing ceremonies.

Nag-tricycle na lang kami to the Museum. Ayos! Walang hingal na akyat!

I found it funny na ang tawag dun sa basket na parang handbag ay 'kupit'.
Siempre, tulo laway na naman sa lalo pang magagandang baskets na nasa museum!
Magaganda ang pictures on display doon. From the Berkeley Museum.

Sumisirena na naman ang police car. Another marathon, coming from the other
side!
Napilitan akong bumaba dun sa shortcut na steep na hagdan! Aray, ang mga
tuhod ko!

Ibang klaseng marathon ito! May pingga silang 8 bundles of palay while
running. Imagine ninyo yung nagtitinda ng taho na tumatakbo!

Later, nakabunton dun sa stage yung pingga nilang bundles of palay. I asked
Ojie to take my picture, kunyari nag-marathon, kaso di ko mai-angat yung
kahoy! Dinampot ko na lang yung isang bundle of palay, at naupo na lang ako
dun sa kahoy, kalinya nung iba pang bundles of palay.

Nasa stage na kami for the ethnic games competition.

Tug of war. Well matched ang teams, kaya talagang hanip ang suspense! Nginig
ang mga muscles ng contestants bago magkatalunan.

Wood chopping. Each contestant is given a log. The first one to split it
into 8 pieces wins. Well cordoned off ang audience. Mahirap na. Palakol ang
gamit, baka may matamaan.

By the way, ang rules pala nila ay everybody should wear G-string without
underwear (no briefs showing!) including the game masters and emcees.

Ab-ab-ba. Human Burden. Relay din ito. May tao na nakasakay (nakababa) sa
likod niya, lakad/takbo ang contestant na iikot sa poste, babalik sa pila.
Yung sumakay na tao sa kanya ang susunod. Same process. Ang unang matapos na
group ang winners. Again, ang bibilis at ang lalakas nila!

Yung Ab-ab-ba ng mga young boys, para silang mga palaka! Lalong ang bibilis!
Palundag pa sila kung sumakay dun sa tatakbo!

In-announce ang start ng woodcarving competition, sa unfinished building
beside the city hall daw ang venue. Iniwan na namin ang trumpo (spinning
tops) competition, sugod sa woodcarving.

Yikes! Two planks of wood (walang gabay) ang dadaanan to cross over to the
building. Gingerly, nakatawid rin.

They have issued logs to the contestants.  Hinihintay ang announcement ng
rules, to include the subject. Kinausap namin yung ibang contestants. Hindi
sila nakapili ng kahoy. Kung ano ang ibigay, iyon ang gagawin nila.

Nag-announce ng rules in the Ifugao dialect. But I could understand na yung
Rice God (Bulul) ang subject.  They have 4 hours to do their thing.

Start na. Sus! Pinalakol ang mga logs. Tumitilapon ang mga wood chips.
Umuuga ang cement floor. Matagal pa bago magkaka-shape ang ginagawa.

Balik kami sa plaza. Bili ng gulay sa Mother's Cafe. Bili ng 'kupit' sa
palengke. Uwi sa People's Lodge for lunch. Hindi namin naubos ang P20 worth
of delicious pinakbet.

Tulog uli, sandali.

Balik sa plaza. Nag-recede na ang stage sa isang sulok, at naiwan yung
kalahati sa gitna, parang boxing ring. Ang init!  Bumili ako ng boiled peanuts.
Wrestling ang gagawin, kaya pala predominantly male ang crowd.
Pumunta muna ako sa woodcarving. Uy, may mga tapos na. Si Francisca, nandoon
din, nanonood. Kung ikaw ang judge, alin diyan ang panalo, tanong ko sa
kanya. Itinuro yung isa, na may hikaw pang palay. Iyon daw ang traditional
design. Bakit may hukay sa ulo, tanong ko. Doon daw ibinubuhos ang rice wine
habang nagdadasal ang priest. Hiniram ko yung woodcarving na iyon,
ipinuwesto ko sa isang corner, at kinunan ko ng picture.
Bumaba na ako. Hindi ako makatawid dun sa wood plank. May isang bata na
lumulundag doon! Hinintay ko siyang magsawa muna.

Bunung-braso ang inabutan kong event sa plaza. Men, tapos boys. Malalakas
talaga sila. Nginig pa rin ang mga muscles.

Ano yung Bangngunan, tanong ko sa katabi kong Ifugao. Hihiga kayo, tapos magkakawitan ng paa, at kung sino ang maibangon, talo.
Doon ka sa malapit, para makita mo, sabi sa akin. Hinawi ang mga bata sa unahan ko at binigyan ako ng lugar. Sus, panay puwet ang view, kasi doon pala sa tapat ko uupo ang contestants. Hinawi din pati contestants.
Napaka-exciting ng game. Higa sila side by side, 69 position. nakahawak sa shoulder ng kalaban. Parang papatirin mo ang kalaban para mabangon siya. Kabaligtaran nung nakatayo kayo, at papatirin mo ang kalaban para masubsob siya. (I better scan my ID, which has a picture of the Bangngunan)

May comedy pa ito, kasi may isang pair na hindi nila mapagkawit ang paa nila!
(Sinubukan kong i-assume ang position ng contestant sa bed sa bahay, aba,
ang hirap pala talagang maabot ang kakawiting paa! Kailangan siguro ballet
dancer ka!

Kak-kait (rooster fight) ang kasunod. Sa ground gagawin. Akyat ako sa stage!
Pinababa kami, at aakyat daw doon ang contest. Bumaba ako. Naka! Inilipat
ang cordoned off area, pero sa ground pa rin. Nasiksik ako nang husto! At
one point nga,
may nakahawak na sa balikat ko. Isang matandang Ifugao! Akala siguro, ako
yung kinakapitan niyang anak niya.

Hawak ng left hand ang left foot para ang right foot lang ang nakatuntong sa
lupa. Tapos magbubungguan ang dalawang contestants while balancing on their
one foot. Ang madapa or mapa-step outside the circle ang talo.
Sinubukan ko rin ito, at hindi ko ma-balance ang weight ko on one leg. Try
it, ang hirap!

Bumalik na ako sa People's Lodge, uminom ng Sprite! Kailangang magpahinga at
maligo, at may dinner kami with the mayor.

May isa pa palang game, na-miss ko. Parang bunung braso daw, pero nakahiga,
at mga binti ang nagbubuno! Sayang, must have been quite a sight, too.

Takang-taka ako na with all the movement, hindi nahuhubo ang mga bahag nila!
Mahusay ang design. I should find out how they secure it in place.
Maka-review nga tuloy ng knot tying sa scouting!

Ini-present din daw ang mga entries sa wood carving competition dun sa stage.

Kinatok ni Mrs Huang lahat ng mga kuwarto namin  at 5:30 pm. May jeepney na
raw sa labas, kung may gustong sumama papunta sa Banaue Hostel where we will
have the dinner with Mayor John Wesley Dulawan at 7 pm.

Pati yung kuwartong katabi namin, kinatok ng proprietress. Ay, hindi natin
kasama iyan, exclaimed Mrs Huang, nadinig ko. He, he, he, ang lakas ng BLAG
ng pagsara ng pinto. Nagalit yung foreigner! Natutulog siguro nang maistorbo.

Ikinukuwento ni Mrs Huang ang istorya ni Mayor nang dumating kami sa hostel.

Country doctor si Mayor Dulawan, kaya Doc ang tawag sa kanya.
Sa photo contest ng Honda a few years ago, (P100,000 and one Honda
motorcycle ang prizes), si Ka Lito Beltran of the Federation ang nanalo. Ang
entry niya ay si Doc Dulawan riding a Honda motorcycle as he attends to his
patients!

It was a modest dinner that they served. Fried chicken, adobo and chopsuey
with rice. Take as little as you can, sabi ni Mrs Huang dun sa mga pinaunang
ladies.
Aba, several took two pieces of the fried chicken, kaya naubusan na ang
ibang guys. Dalawang tao ang guilty sa table namin. Nagmakaawa sila na
tanggapin na ng binibigyan nila yung chicken, para daw makatulog naman sila
that night!

Tapos na kaming mag-dinner nang dumating si Mayor Dulawan. Hindi rin siya
nagtagal. Hindi daw siya politician, but he would like to do his best for
Banaue to move forward and yet retain its culture.

Nag-meeting ang group for the activities the next day. Nag-form ng groups
for the jeepney distribution. Gumawa ng itinerary. Kaming anim na
magkakatabi sa dinner, one group na. Isama ninyo sina Atty and Mrs Javier sa
group ninyo, sabi ni Mrs Huang. Eight na kami. Bukas na lang daragdagan. We
should bring all our things when we go to the hostel for breakfast the
following day.

We went to the hotel for the supposed cultural show na wala naman pala. Uwi
sa People's para mag-pack. Some photographers still went to the school to
cover the Miss Imbayah contest.

Napuyat ako sa tumatahol na aso!
 

Maaga akong bumangon kaya wala na namang kumpetensiya sa bathroom.
Nag-breakfast na rin ako ng baon namin, meron pa!
Inihatid kami ng jeepney sa hostel at 6:30 am. Lahat ng gamit ay sa Boys
Dorm #1 inilagak. Na-delay ang breakfast, kasi pinalitan pa raw ng tuyo yung
tinapang salinas na nakulob at ni-reject na ni Mrs Huang.
Nag-coffee muna kami. I sat with Natalie, a Chinese senior citizen who told
me about their 7 hour walk sa Batad the day before. Inabutan sila ng ulan sa
hike! Hindi nga nila narating yung village. I told her that based on
experience, pag sinabi ng mountain resident na one hour hike, multiply it at
least by two for us lowlanders.

Issue rin ang walk out ng photographers sa Miss Imbayah Beauty Pageant of
the night before. Aba e pinaalis daw sila sa front at pinapunta sa likod!
Ano'ng klaseng coverage nga naman iyon?

Naging packed brunch na lang yung breakfast!

Sa Dayanara viewpoint muna kami. Bakit ganoon ang pangalan? He, he, he! Kasi
doon nag-shooting si Aga Muhlach at Dayanara Torres. Kinuha namin yung mga
elder Ifugao models at nag-shoot, shoot and shoot pa. Ganda ng terraces,
kaya lang against the light ang shots!

On our way to the old viewpoint, biglang na-realize ni Roberta na naiwan
niya ang camera bag niya sa Dayanara viewpoint! Balik kami, buti malapit pa.
The bag was untouched where she left it.

Disappointed ako sa old viewpoint. Nakulong na ng shops. Di na nga makita
ang terraces as you alight from the vehicle.

Ang terraces, may damage ng Belgian worms.

Ang Ifugao models, parang mga pulubi.

At saka may cemented stairway and pilapil na, sira ang view!

But still, awesome pa rin. After taking pictures, nilargabista ko ang view.

May mga tao doon sa cemented stairway. Si Ojie na pala ang isa. Nakalipat na
doon sa kabilang bundok! Ang bilis! Akala ko bumaba lang ng isang level for
a better shot, nag-hike na pala.

Hinintay namin sila Ojie. Nakipag-kuwentuhan ako kina Atty and Mrs Javier.
They got married in 1970 and honeymooned in Banaue. And they stayed in the
very same room at the Banaue Hotel for this trip. Ang sweet nga nila. Panay
ang posing for shots. Biniro ko pa nga, sabi ko parang ibig ko na ring mag-asawa. Kilig sila lalo!

The others shopped at the numerous stalls.

We used the pay CR, really clean, fee for a pee is  P3.

Hungduan ang next destination. Malayo. May natulog, may nagkuwentuhan.

Nagkapag-bonding ang group , at nag-decide na mag-reunion pag available na
ang pictures. I volunteered to do the directory and got everybody's e-mail
address.

Maraming magandang view na nadaanan, pero di kami huminto kundi nang
marating na ang viewpoint ng spider web terraces sa Hungduan.
Disappointed ang photographers, kasi masyadong panoramic ang view, no way na
makukuha mo sa camera. So, tiningnan ng mata, at thru the largabista.
Nag-quick lunch doon, bumili ng mga orchids, nakipag-socialize sa mga bata,
at nag-decide na bumalik at mag-stop sa lahat ng natipuhang views.

Si Ojie, maglalakad daw siya, damputin na lang namin sa kalsada. Sige.

Si Razel, kailangang  makalakad sa pilapil. So, we stopped at a house and
asked permission na lakaran at kuhanan ng pictures yung likod-bahay nila na
may terraces. Ako ay nagtampisaw dun sa kanal, ang linaw ng tubig!

Naka-ilang stops pa kami to take pictures of terraces. Dun sa maganda ang
light, dun daw sa nose ng terraces, dun sa magandang lagaslas ng tubig, at
doon sa close up ng sumasapaw na palay. Ibang kulay daw pala ang uhay,
parang may tinge of violet.

We picked up Ojie after 5 kilometers.

Just when I thought tuloy-tuloy na ang takbo namin, stop! sabi ni Flor.
Nakakita siya ng puno ng bunga (betel nut). Hinintay pa niyang mag-steady
ang hangin bago nag-shoot.

Palagay ko napahirapan namin ang driver, si Roland. Bigla-bigla lahat yung
mga stops, e ang dami!

We were back at the hotel by 2 pm. May gusto pa silang puntahan. Ako
nagpaiwan na sa hostel, nag-lunch nung baon pa naming longanisa, at natulog
sa boys dorm where our things are!

Umingay na nang magdatingan ang karamihan.  Mga koboy naman ang mga
photographers, at sabi ko ay malabo naman ang mata ko, kaya okay lang na
nakahiga ako doon at sila ay nagbibihis and all.

I got up nung malapit na kaming aalis.

Naaga ang biyahe, kasi umulan kaya maagang nagsibalik ang mga jeepneys.

We were all ready by 4:30 pm, and so by 5:00 p.m. ay departure na.

Same bus, same seats, same bed.

We had dinner in Solano, Nueva Vizcaya.

We got home at 3 am.

Si Ojie, masakit ang hita, tuhod at binti. Iba daw ang taas ng steps dun sa
terraces. Parang dalawang steps ng normal  stairs.

I was not really tired, just sleepy, kasi putol-putol ang tulog.

The next Imbayah will be in the year 2002.

Postscript:

The people here at the office were very happy with my pasalubong na
pangkamot ng likod.

Last Wednesday, nag-buhawi yata dito sa may office namin, nag-brown out at
ang hirap sumakay, so I walked. Nakaabot ako hanggang Kamuning Church nang
hindi pagod (pero naubos ko ang isang pizza). I think the Banaue trip made
me stronger.

- - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hi Ana Bee,
I really enjoyed reading your detailed and enjoyable notes about your Banaue
experience.  If I am not mistaken, the Bangngunan is the same Indian
Wrestling(?) na nilaro natin sa PE nuong 1st yr tayo.   Di ba sa UP Diliman
gym pa tayo nag-PE nuon?  Tanungin mo sina Rose and Delay, baka natatandaan
pa nila ito.   Nakahiga ang 2 students (tuwang-tuwa kami nina Rose and Delay,
kaya natatandaan ko), tapos mag-kakawitin kami ng mga legs sa aere at the
count of 3 and kung sino ang maiangat mo sa pagkakahiga, talunan.

Best regards,
ressie
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

I really enjoyed your account of Banaue. parang nandoon na rin ako! Thanks!
Love, Delay

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ana, do you keep a record of all the places you have gone to? Maybe, you can
put them together in a sort of travelogue and have them published in a
magazine. I think your accounts of your trips are written in a very personl
way that the reader feels she is taking part in the trip.The reaction I get
everytime I read your stories is one of nostalgia and adventure, parang I am
transported to the time when we were in high school when I had the best
memories of growing up.
                                                                Ling
 

- - - - - - - - - - - -
Salamat sa ibinigay mong web page. Nakompleto ko rin yung kwento mo tungkol
sa Banaue. Isa yan sa maraming lugar na hindi ko napuntahan sa atin. I hope
someday I'll have the chance to see these places first hand. Right now I am
enjoying it vicariously - through your story.

Inday
 
 
 << back to homepage   << back to top   << Banaue Revisited  >> Travelogue