Ingkong Logio
In this episode, Ingkong Logio tells us how wartime
is like.
Sa kinabukasan alas 4 ng hapon ay
ipinagpatuloy namin ang paglakad nang walang hinto sa buong magdamag hanggang
sa umagahin kami sa lugar ng Sapang Ipol, sakop na ng Pantabangan.
Palibhasa kami ay mga pagod at puyat
na puyat pa ay nagpahinga kami hanggang tanghali. Nang kakain kami ng tanghalian ay nabalita namin sa mga taong nagsisipagdaan na ang mga Hapon patungo na sa bayan ng Rizal. Dalidali kaming nagayos ng aming daladalahan at nagpatuloy sa paglakad ngunit sa kahinaan ng aming mga kalabaw na humihila ng kareton ay hindi rin kami nakarating sa Pantabangan, nakatulog pa rin kami sa bundok nang gabing yaon.
Kinabukasan ng umaga ay dumating sa
amin ang pinsan kong Valentin, nabalita raw niya sa kanyang kasama na kami
ay nakita sa daan kaya siya ay dalidaling lumakad upang kami ay salubungin.
Matapaos kaming mag-agahan at halos
hindi pa kami nasisiyahan sa pagbabalitaan ng aking pinsang Valentin B.
Reyes ay sa dadaan ang apat na kataong nagsisipangabayo na nagbalita sa
aming ang mga hapon ay nasa Rizal na.
Sa balitang ito ay nagmadali na kami
ng paglululan sa mga kareton ng aming mga daladalahan at nagpatuloy kami
ng paglakad. Ang pinsan ko na rin. Sinabi ko na lamang na saka na kami mag-usap.
Si Placing man ay pinauna ko na rin
sapagkat ayaw kong abutin siya ng Hapon sakaling kami sa daan. Binigyan
lamang siya ng kanyang ina ng dalawang itlog at ilang tinapay o biskotso
at nagpatakbo na siya ng bisikleta.
Hindi na kami nagdaan sa bayan sapagkat
ang mga tao ay nagtatakbuhan na rin., kaya nagtuloy na kami sa lugar ng
Sampalok sa Kadaklan. Makaraan ang isang linggo ay lumipat kami sa barrio
ng Naponnapon. Makaraan ang isang buwan ay umuwi kami sa bayan at ilang
araw lamang ang nakalipas ay nagpunta na kami sa bundok na kung tawagin
ay Ganna.
Kami ay nagtira sa bundok na ito na
ang layo sa bayan ay may limang kilometro humigit kumulang.
Nang buwan ng Abril 1942 ay nagsiuwi
kami sa bayan dahilan sa na-malaria kaming lahat matangi lamang si Placing
sa aming sampung magkakasama.
Nang kami ay gumaling ay nagbalik
kaming muli sa bundok na ang layo sa bayan ay may dalawang kilometro lamang
na ang tawag ay Pungkalan.
Nang buwan ng Julio ng taon ding yaon
ay lumipat kami sa lugar ng Bukaw ngunit kapag may balitang dadating ang
Hapon ay sa bundok din ng Ganna kami nagpupunta.
Nang buwan ng Marzo ng taong 1943
ay nagsimulang sumakit ang apendicitis ni Placing at lumala nang lumala
kaya nang buwan ng Mayong taon ding yaon 1943 ay napilitan siyang nagpunta
sa Cabanatuan upang pagpaopera sa kanyang apendicitis.
This page created with Netscape Navigator Gold