In this episode, Ingkong Logio joins the Katipunan ng
mga Anak ng Bayan.
Mula sa kinabukasan ng gabing yaoy hindi na ako nakita ninoman sa bayan ng Pantabangan.
Ika dalawang put isa ng buan ng Octubre ng taon ding yaon (1892) ay nasa Maynila na ako sa bahay ng aking kaibigang si Hermogenes Plata, sa Tundo.
Isang araw ay naipagtapat ko kay Mogeng (Hermogenes) ang naging buhay ko sa Pantabangan at ang malungkot na paalaman naming mag ina.
Si Mogeng ay sa ahlip na makiramay sa aking kalungkutay , lalo pa manding kinamalasan ko ng malaking kagalakan, at walang sinabi kundi "Magpapasial tayo mamayang gabi upang mabawasan ang iyong damdamin kung hindi man lubusang mapawi."
Pagdating nga naman ng gabi at ng makatapos kaming maghapunan, ay inakit na ako ni Mogeng na mag pasial. Nagpunta kami sa Barraka, lugal na sakop ng Tundo, pumasok kami sa isang malaking Kamalig o Bodega. Sa loob ng kamalig na yaon ay inabot namin ang may humigit kumulang sa tatlung pu katao na ang karamihan sa kanila ay mga kabataan, ang ilan sa mga itoy kakilala ko, binati ko sila sa pamag-itan ng pagtataas ng kamay at sinasagot naman ako sa gayon ding ayos: hindi ako nangahas mag buka ng bibig sa sinoman upang komustahin sapagkat sa mga sandaling yaoy naghahari ang isang banal na katahimikan. Ang kilos ng mga taoy totoong mahinhin at ang mga salitaay halos anasan lamang.
Sa loob ng kamalig na yaoy walang mga upuan, maliban sa nakapaligid sa dalawang maliliit ng hapag (lamesa) na linilikmuan ng ilang ginoo. Ang ilaw ay hindi pa halos makaliwanag sa loob ng kamalig.
Sa isa sa mga hapag ay nagaganap ang panunumpa sa harap ng isang ginoo, at sa isang hapag naman na hindi kalayuan sa una ay nagaganap naman ang paglagda sa isang kasulatan na ang ginagamit na tinta ay dugo ng lumalagda na kinukuha sa kaliwang kamao.
Anopat ang lahat ng pangitaing yaong nababalot ng isang hiwaga, ay natambad na lahat sa aking paningin sa loob lamang ng panahong wala pa halos sampung minuto.
Walang ano anoy kinawit ako ni Mogeng at sinabing ngayoy ipakikilala kita sa Supremo ng Katipunan ng mga anak ng bayan, pagka sabi nitoy lumapit na kami sa isa sa mga hapag at sa isa sa mga ginoong narorooy ipinakilala ako sa pagsasabing "Sila po ay si G. Eulogio Villa at Urbina, isa rin po sa mga anak ng bayang pinag lulupitan ng mga frayle, at sinabi naman sa akin na sabay ang pagtuturo "Ang kagalang galang Andres Bonifacio". Ako ay yumukod at nagsabing "Ang kahulihulihan po ninyong kawal".
Maraming salamat sabi ng supremo at tinanong ako: "Nakalagda na po ba kayo?" Ang sagot koy hindi pa po. Kung gayon anyay magpunta na kayo roon sa isang hapag upang magawa ang nararapat, sa gayoy yumukod kaming muli ni Mogeng sa Supremo at kamiy nagpunta sa isang hapag na pinangangasiwaan ni G. Teodoro Plata, na kapatid ni Mogeng: at ginanap ko ang paglagda ng dugo na kung tawagin ay "Pacto de Sangre" sa paraang sinabi ko na sa itaas nito, at pagkatapus na mapakinggan ko ang ilang tagubilin ni G. Teodoro Plata ay nagpaalam na kami ni Mogeng at omui na kami sa bahay.
Nang kamiy nasa bahay nay tinanong
ako ni Mogeng: Nasiyahan ka ba? anya. Ang sagot koy , may katuiran ka.
Napasasalamat ako sa iyo.
Next episode, Ingkong Logio falls in love.