ano'ng lakas naman
ng buhos ng ulan
dahil baha ay dagli
lahat di makauwi
nakulong sa gusali
naranasan gutom
napilitang buksan
pagkain sa kahon
na dapat ay ukol
sa biktima ng baha noon
kahapo'y maaraw
maaliwalas ang kalangitan
ngayo'y malamlam, maulap
nakapundo ang ulan
sa umaga, pagkagising
mahirap wariin
magiging panahon natin
kaya't ugaliin
panaggalang sa ulan at lamig
lagi nang dalhin
umuulan na naman
ang panahon ngayon
di ko talaga maintindihan
Paskong tag-ulan
mukhang siyang aasahan
ubod siguro nang ginaw
simbang-gabi sa madaling-araw
puto bumbong at bibingka sa pondahan
at mainit na tsaang kakambal
totoong bagay na almusal
<< back to homepage | << back to poems archive | << October 1999 poems | >> December 1999 poems |