Sinimulan ko ito na may pamagat na 'Tulang hindi tapos'.Nang
dagdagan ito ng mga akmang saknong ng aking kaibigang si Evie, pinalitan
ko ang pamagat ng 'Tulang Dugtungan'.
Ana:
saan pa nga
ba
lubusang magpapaka-Pinoy
kundi dito
lamang sa Pilipinas?
kakain ng manggang
hilaw
na isasawsaw
sa bagoong
nang nagkakamay
at nakataas
pa ang isang paa
sa bangkitong
inuupuan
habang nakikipag-tsismisan
nang walang
katapusan
sa humahagalpak
na kaibigan
at kung mapagod
naman
may pahinga
bang hihigit pa
sa pagbabasa
ng komiks
habang nakahiga
sa kandungan
ng nagbubunot
ng iyong uban?
Evie:
Ating lusubin
ang mga palengke
lanzones,
atis, sampalok, duhat at rambutan,
gayun din
ang kayomito, suhang Davao
pati pakwan
ay pakyawin
Sugpo at hipon,
talangka at
alimango,
huwag din
kalimutan ang tahong at talaba,
lalo pa ang
isda na inihaw sa buho.
Kalimutan muna
ang cholesterol,
ating kainin
ang balut at penoy
Sa dagat ng
Palawan ating sagapin ang hanging sariwa
maglakad,
tumakbo sa buhanging pino
Mamulot ng
suso, at sa alon ay makipaglaro.
At hinahamon ko ang lahat na magdagdag ng kanilang mga akmang saknong!