parang nakikinita ko na
reunion natin sa Canada
luluwa ang ating mata
sa pagtitig nang walang sawa
sa Talon ng Niagara
higit na maganda kayang talaga
ang tanaw sa gawi ng Canada?
dapat yata tingnan rin natin
sa gawi ng Amerika
upang sa gayon
patas ang ating maging husga
tiyak,sa muling pagkikita
nakabibinging tilian
malulutong na tawanan
daldalang walang katapusan
mahahabang libot, lakad
puwedeng-puwede
pagka't kung dumilim
alas-nuwebe na nang gabi
ganoon doon
sa North Pole
malapit na kasi
paki-dugtungan ito
upang ang ibang walang kibo
lalo pang ma-inganyo
mas masaya tayo
kung lahat ay dadalo
magsabi na
ngayon na
nang si Mila'y di malito
sa dami ng aayusin, kakausapin
at planong bubuuin
napakaraming tanong
kulit, sa kanya'y dumarating
kaya't tuwing e-mail
nag-iiba ang balakin
sige na, punta na
sali na kayo
kahit pa singkuwenta
dolyar sa piso
Niagara
tanyag na
honeymoon sitio
kaya nga
asawa isama
muling pulut-gata kayo
kaya pa, hindi ba?
aamin bang 'di na?
magbaon Viagra
upang sigurado na
huwag bitin
honeymoon sa Niagara
kung ako nga lang ba
ang may asawa
baka pa manganak
kahit operada na
sana ay makuha
oo ni'yo dito sa tula
ewan ba kung bakit
ako ay may tiyaga
kayo ay kulitin
nang walang sawa
sana ay huwag nawa
kayong masuya
kung ating mai-inganyo
na sa Niagara baliktipon ay dumalo
mga magdiriwang ng kaarawan
sa buwan ng Mayo
darami lalo tayo
maging sa bus
magsi-siksikan pa tayo
ano'ng saya! ano'ng gulo!
kaya sali na kayo!
tingnan ni'yo website na ito
maidofthemist.com sa browser ninyo
para sa kaalaman ninyo
tayo ay sasakay dito
bababa ng elevator
sa burol na pangalan ay Clifton
magsusuot kapoteng asul
upang 'di mabasa ng saboy
paglapit sa tubig ng talon
ang talon maliwanag sa gabi
may ilaw alas nuwebe ang sindi
kaya si Elmer 'yan ang mungkahi
na sa Skylon tayo mag-unang gabi
tulad ba o mas higit pa
sa rangya ng EPCOT o Vegas kaya
ipikit man ang mga mata
malinaw na nakikita
sa balintataw
marikit na eksena
created by nature
enhanced by man
Niagara Falls, illuminated
I imagine
would be a wonder
like no other!
Sensory Overload!
visualizing
our first night
of the reunion
delightful company
heady with the Skylon dinner
mesmerized by the illumination
dazzled by the fireworks display
enchanted by the deafening
roar of the falls
sleep tonight?
impossible!
Oh June
I wish you will come soon.
huwag mag-alala
basta inyong isama
ang mga ka-pamilya
garantisado
hindi sila ituturing na iba
at matutuwa silang makita
ang ating pagsasamahan
na tila isang angkan
kung may kaklase tayo
na magdadala ng apo
ay apat na generasyon
ang dadalo sa reunion
Gng. Esther Sangalang
pinaka-matanda
Serena de Vera
pinakabata
at tayong prep '65
na hindi tumatanda
bagkus lalong bumabata
sa pagbabalik-tipon
na walang kasawa-sawa
Skylon Dinner on June 15
sa umiikot na lugar
ng Skylon restawran
doon tayo maghahapunan
ito ang napag-kasunduan
ni Mila at Elmer
na mga punong-abala natin
ang isuot daw ay baro
na angkop sa tag-araw
ngunit magdala rin
ng manipis na pangginaw
ang halaga ng hapunan
apat na pu't apat na dolyar
hindi US, kundi Canadian
kaya huwag sanang tataas
ang inyong mga kilay
nagtatanong ang caterer
ano'ng ating gustong kanin
dapat magkasundo tayo
sa iisang salad at sabaw
at sa dessert na rin
pero ang main course
mapipili natin
ang tanong na dapat sagutin
gusto ba natin na sa Linggo, June 17
sa Skylon ay umulit nang kain?
<< back to homepage | << back to top |