Kahit Kailan
South Border
Nagtatanong ang isip
Di raw maintindihan
Kung anong nararamdaman
Dapat mong malaman
Sa puso ko'y ikaw lamang
Ang nag-iisa
(Nangangamba)
Dapat bang isiping walang hanggan
Asahan mo na
Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan, kahit kailan
Bulong ng 'yong damdamin
Pag-ibig na walang hanggan
Ang siyang nais kong makamtan
Ngayon ay narito ako
Handang umibig sa iyo
Na walang katapusan
(Nangangamba)
Dapat bang isiping walang hanggan
Asahan mo na
Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan, kahit kailan
Kung ikaw ay nawala sa piling ko
Di na alam kung kakayanin pa kayang umibig pang muli
Kahit ano pa man ang mangyari
Di maaring ipagpalit
Sasamahan pa kita hanggang sa huli
Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan
Di magbabago
Kahit kailan, kahit kailan