Abakada ng SPPPC  (2003)

Year 9

Babala:  Ola amigos y amigas!  Hello sa inyong  mga tagasubaybay ng ABAKADA. Dapat sana wala nang babala dahil alam naman naming sanay na kayo at inaabangan niyo na yearly ang babasahin ito. Pero para sa mga first timers…….. eto na ang WARNING: Ang babasahing ito ay idea ng malikot at advance na pag-iisip ng dalawang nilalang na tambay dyan sa kanto. Kung nasundot namin ang iyong damdamin isa lang ang aming masasabi “BATO BATO SA LANGIT ANG MAG-REACT AY…………GUILTY!!!!!

 

A- ALIPORES- naku nagkalat kayo diyan in full support kay Feeling Guwapo. At kung makatingin kayo para kayong laging kakain ng Spaghetti pataas pababa. Bakit kasi wishing niyong maki-issue sa amin? Sa totoo lang deadma naman kayo sa amin. Manpraktis kila maung ni, mikontes kayo amod sayaw? AMY- Fresh from Cambridge, England pa ang beauty mo! Ano ginawa mo sexy ang figure mo ngayon?  Disyembre na naman, alam mo na malapit na ang Christmas Party kaya naalala ka uli namin. ARCHBISHOP CRUZ  - sigurado po ba kayo sa desisyon ninyong ipa-ulit ang kantang THE PRAYER sa harap na maraming tao? O nilawan kayo labat?  Pero on one hand, kung talagang na-appreciate nyo wala kaming magagawa kundi ibubuka ang bibig, kantahin ng double fortissisimo, ang kanta. O di ba talagang ang lakas, kaya po ba kayo napaluha dahil nabasag ang ear drum nyo? Humihingi kami ng paumanhin, dahil na-carried away po kami, tatlong video cam ba naman ang nakatutok sa amin. Talagang to the max so panta mi…….. ADVENT SONGS- anto ‘y gabay yon ibaga ed saya? SLOW, slower, slowerest???  AWAT- talagang- talaga na ito, hindi na kami matri-trickan, magtatagey na talaga kami ng AWAT starting next year. Plus 55 pesos na sa dating rate namin, plus times 93.256 % ng total. Eto ang computation ha EVERYBODY please get you calculators:

             Formula:  Date of wedding  x no. of  SPPCC singers

                            2P R  ( 93.256 % - 16 years ) x 3.5 int.rate 

O malinaw na malinaw yan ha. Ngayon, kung lower IQ ka tulad namin, lumapit ka na lang sa any SPPPC member ta …..one thousand labat itan!!! OK, take it or leave yan. Usapang business yan, walang kama-kamag-anak, walang kai-kaibigan….. understand? Pero, kung isasama mo kami sa reception baka puwedeng libre na rin, kung close ka namin. Hindi feeling close ha.

 

B- BRAVO- yan ang nabanggit ni Bishop after naming kantahin ang The Prayer. Bakit kaya samantalang kulang pa sa lakas yun! Lalo na siguro pag apat na ffff pa ang pinagkanta namin. Baka lalo silang BUMILIB. BESTFRIEND- banned ba talaga kami sa iyong music store? Nanganak ka na ba? Palagi ka na lang buntis, pero napapansin mo lagi kami. Di ka namin inaano dyan. At may listahan ka pa raw, naku sigurado si BUBUYOG ang nagbigay sa iyo ng aming mga names. Well, di naman talaga kami interesado sa iyong music, bukod sa malabo na ay di pa sigurado ang basa sa nota. BRASS MORRIS PRODUCTS- sila ang tagagawa na aming trophies sa Paligsahan for the past ten years…. Ay sandali mukhang mali ata…. Punta na lang kayo sa letrang M 

 C-CLAVINOVA- sa wakas after two years, ikaw ay napasa-amin din. Sulit na sulit ang iyong presyo sa pagka-grande ng iyong tunog. Hayan nga at pati si Bishop Cruz ay napahanga sa iyong tunog, kaya naman may I request sya ulit ng THE PRAYER noong ordination. Maraming salamat kay Madam Salome, sa kanyang pagpupursige ay nakamtan namin ang matagal nang inaasam asam na CLAVINOVA. Salamat na rin sa ANONYMOUS donor, pagpalain nawa kayo ng maykapal sa inyong kabutihan. Ano kaya ang susunod na ilalagay natin sa wishlist ng SPPPC? Symphony Orchestra kaya?  CHRISM MASS 2003-   pang-limang taon na ang pag-awit namin sa okasyong ito. Next year kaya. FR. Rojohn kami pa rin ba? Yes…… na yes daw siya……. Nagtext sya habang sinusulat ay tina-type pala ang item na ito.  CHEKE- uuy SENTI ka na dyan, kala mo nakalimutan ka na namin ???? HINDEEEE!!!!!!!!!! Sa ginawa mo sa amin, alangan naman na ma forgive and forget ka namin? Hall of famer ka na dito, kasama mo ang mga mahilig magpirata. Pagagawan namin kayo ng plaque kay ATE TROPHY. (Pasensya, pero sa tagal na ating pinagsamahan, at tawaran ng presyo, di pa rin namin alam  ang pangalan nyo. Next year cguro maglalakas loob na kaming tanungin kay ANCING. ) CONDUCTOR & TRAINOR- Salamat Sir Allan dahil for the past three years, pinagtiyagaan mo kami i-refine. Kaya lang konting tutok pa sa ALTO at TENORS, ay isama mo na rin ang SOPRANO at BASS, kasi pag nandyan lang kayo saka sila gumagaling pag wala na kayo mankokolkol kami la, ta amin ira lanti maka-conduct. Anusan yo kami anggad 25 years mi, promise nag-improve na kami nyan.  

D- DD’s NET CENTRE-  abangan ang mas bumilis na Pentium 5.4 na computers next year promise. Kami lang ang meron nito. We also offer other services such as ENCODING, DESKTOP PRINTING, LAY-OUTS at marami pang iba DESIREE- RBCP- teller ; DYNA- DZRH-reporter; DEN-DEN- LN University-student Nagbago na sila kasi naman mga professionals na sila, kaya wala na ang sagat image nila. DONOR- sa inyo na nagDONATE ng Type O, O  short for organ (clavinova) maraming salamat po. Ayaw niyo naman kasing  “pai-panta” ang pangalan nyo. Sabagay OK na rin yun, kasi baka makidnap kayo ng mga pirata, mag request ng ransom, higit pa sa binigay nyong DONATION sa amin. At kung  sino ka man na nakasabay,nakachismaks at nilibre ni  Madam  ng pamasahe sa jeep papuntang Binmaley na may initials na JVC, maraming salamat sa iyo. Isa ka palang big time dyan sa Maddison Square Garden. 

E- EVERYBODY Please stand… magic word mo ata ito dahil lahat kami ay nagiging listo sa makatawag pansin mong command. Former commandant ka ba ng ROTC??? Next time, baka puwede nang alisin mo na yung EVERYBODY, palitan mo kaya ng …… Tumayo po tayo EVERYBODY. Kasi feel naming di mo rin papapansinin ang aming suggestion. Pero cge salamat na rin, dahil sa iyo hindi na EWAN ang letrang ito. Kumpleto na ang abakada for the first time. EWAN- hindi ka naman talaga namin nalimutan, dahil ikaw ang sagot namin sa mga detractors, dead ma at makukulit na contestants sa sayaw. Pag may tanong EWAN ang sagot! ESPARKOS –hi Madam Analie!!! 

F- FEELING GUWAPO- ikaw naman bago ka manghusga tignan mo muna ang sarili mo kung karapat-dapat kang patulan. Tapos kung tumingin ka pataas-pababa, bakit favorite mo ba ang Spaghetti? Sana buko pandan na lang dahil bagay sa luntian mong isip. O kaya next time pag tumingin ka pataas pababa sabayan mo na rin ng OTSO OTSO ng G- (reen) Girls! FILIPINAS PRESS- isa pa kayo na mahilig sa rush work, pero salamat na rin sa pag-print ng aming programs for the past 13 years. Salamat sa pag-oovertime at walang katapusan tawaran. Mabuhay kayo, kahit wala na sa FILIPINAS si KUYA Orlan. Dapat USA PRESS na ang pangalan nyo.  

G- GARY-  ang sabi ni Madam Salome, Balong kamukha mo daw si GARY…. At na curious naman kami kung sinong GARY????? Naku yung pala GARY-GARRR!!!! Akala pa naman namin GARY as in GARY V. yun pala wala lang….. pakasalitaan to labat nen Madam. GOAL-  kung ang GOAL nyo ay magpabagsak, magpalagpak, o mahigitan ang isang GRUPO, sorry na lang kayo dahil hanggang dyan na lang kayo. Puwera lang kung may masakyan kayong jeep papuntang baley. Kahit na mag-import pa kayo ng mga trainors from other countries, sa bandang huli, you will be measured and be rewarded based on the purity of your intentions. Kaya kung ako sa inyo, review-hin niyo muna ang mission (reason for  existence) ng GRUPO nyo, tsaka niyo gawin ang nararapat.  

H- HANGAD ACAPELLA- wag mo na i-display sa amin ang libro mo, dahil meron na kami nyan 2 years ago pa. Eh di nga namin maatim na i-practice dahil ACAPELLA eh, tapos ipinangangalandakan mo dyan. AS IF………. HAY NAKU , pero cge para makanta nyo na rin, I-TTH namin siyang ipraktis next year para gayahin nyo uli. O di agni apirde tay 275 pesos mo. HAPPY TOGETHER FOREVER – na itong grupo namin, hanggang 2005 lang dahil sa 2006 iba na ang tema naming. TOGETHER HAPPY NA- kasi si Desiree mapapansin na niya si Reniel, Si Analiza kay Reniel, at si Dyna kay RENIEL din. O di ba, Together HAPPY talaga sila, ni ANALIE ES. Anto anggapo apili to ed sikayo lan lamang. !  

I-INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS- pa-copyright kaya namin lahat ng na-re-release na CD’s namin? Kaya nga di na kami naglalabas ng original CD’s ng kanta namin, by order na lang, kung…….. type ka naming     re-leasan. IQ- humina na yata ang INTELLIGENCE QUOTIENT nyo mga SPPPC, at mistulang Day Care Center ang practice nyo last week. I’m sure di nyo alam kung anong week ito. Well basta ito yung week na nag- bangayan at nagsigawan at walang pasensya lahat ang mga nakipraktis. Pati si CLAVI nainis, lalo na sa mga SOPRANO na ZERO ata ang IQ noong araw na iyon. Agkayo makatombok na nota, winning piece nga ba natin iyon. SIR ALLAN nasan kayo kasi, ayan tuloy muntik ng “abuyak” ang choir. Buti na lang may chocolate na pasalubong si Amy fresh from DUTY FREE PHIL. hayun nagkabati-bati kami. Panon to ta apagan na chocolates, M&M’s kwanmo pa. Salamat AMY! 

J- JOVEN, JUNJUN, JUNSEN, JOEL- angkakabaleg la so ogues yun amin. Sinmawa la ray mamas yo ya mangreet na I LOVE YOU! Ipawil nyo ni ray datin figures yo ta sikamin mamas yo well maintained. J_ _ _- cguro alam mo na kung sino ka na tinutukoy namin at wala naman kaming ibang “pinapangelan” kundi ikaw. Amin mo pala, sika’y nankarga man o andi? Walay evidence kinen Madam Salome…. ag yo la iyayamutan  ta naksawan lan untotombok ed sikayo. Anto ey asabat mo, maung guardia civil ya…. Ag mo ya nalusutan.

K- KASAL- Weng balita ko pakakasalan mo na ang rapist sa bahay nyo? Nakakainggit naman, nakatuluyan mo siya. Kelan ba date ng kasal?  Puwede ba i-move  mo na lang ang kasal kasi kakatapos lang  ng New Year, naksel kami ni. Suggestion lang naman ito, dahil gawa na invites niyo. Uto uto ka sirin no i-move mo, nanpirdi ka na bayar. KEL- KONGRATS! – sa pagkapasa mo three years ago sa board exam ng architecture. Di ka kasi naming na-greet. Kala mo sa KASAL mo ha….. 

L- LINDA- sino ba talaga ang babaeng ito Dyna? Bakit ganun na lang ang pag-hanga mo sa kaniya? Siya ba si LINDA Carter ng Wonderwoman o si ANITA LINDA ng Philippine movies? Ayan tuloy pati mga boys natin naiintriga, gusto na nilang makilala si LINDA. 

M- MIKE MAGAT- kaw naman palagi ka na lang nasa shooting di mo na maharap ang iyong singing career. Dito ka naman talaga nag-umpisa bago ka naging isang bold star, tapos ngayon extra na lang kami sa yo. Pag kailangan ng extra sa iyong pelikula kinokontak mo ang SPPPC, ayan tuloy ultimo si Sayong di mo makuhang extra. Kaya eto ang tanong namin sa yo “Ano ang pipiliin mo ang pagiging bold star o kundirana? MADRIGAL SINGERS- ang galing nyo talaga, lalo na pag forte na ang mga kanta niyo, talagang dumadagundong at halos magiba ang People’s Astrodome sa inyong mga boses. Kaya naman, dahil sa kagustuhan naming maka-level kayo, pumirma na kami ng kontrata bilang            (JAMBY) MADRIGAL SINGERS, sa haharaping kampanya para sa May 2004 Elections. Abangan ang aming recording, malapit ng lumabas.  MORRIS BRASS PRODUCTS-  hello ate, hello kuya, ano ba talagang pangalan nyo? Ten years na tayong nagsasama sa tawaran at paspasan na trabaho, pero di pa rin tayo makapagtawagan ng first name basis. Sisihin niyo si ANCING dahil ayaw niyang sabihin ang pangalan niyo. MAMAYEDO BAP-BAREBBA-  echapuwera ka na dahil na-pirate ka na. Buti na lang dumating si THANKS to the LORD, ni RC, cgurado mahihirapan sila sa polyphonic na Alleluia part nun, unless I-TH ulit. Nasa sa kanila yan.  

N- NANA SOLING- pasensya na napalitan ka na ni NENENG sa pagluluto ng aming almusal. NA- APPRECIATE talaga namin ang pagpapa-utang ninyo kaya lang kasi kay NENENG walang bayad. Masarap din siyang magluto katulad ninyo, kayang kaya niyang iluto ang hotdog with egg, the best awa?  NEGOTIATE- pag magpapakanta kayo sa amin na kayo maki-negotiate  para ma-book kayong ng maaga. Alam nyo naman hanggang Manila, may racket na kami not to mention TV appearances ( sa USATV at SKY CABLE nga lang, depende sa matapatan naming subscriber).   

O- ORDINATION- hay naku yearly na lang may ordination. Next year may nakabook na naman, may practice na naman sigurado. Kelan kaya titigil ang practice? Aay naku wala na kaming oras para sa aming  mga sarili, naku cge ha baboo na kasi may practice na naman kami….. OPTICAL VIVENCIO MAYNIGO- pasensya na dyan ka nalagay kasi wala ka nang place sa letrang V, at tsaka kawawa naman si ORDINATION, wala siyang kasama. O di ba mas kapansin-pansin ka naman dito. Kesa sa “kupon” ka lang “isulat”.. o dito ka na lang sa letrang O. 

P-PYESA- ay naku kahit na available lahat ang mga pyesa dyan sa TOYOTA, kaya nyo bang ipatakbo yan? Cgurado puro garalgal ang lalabas na tunog. Suggestion  magpa-overhaul muna kayong lahat. Or palitan na lang kaya kayong lahat? Parang mas maganda ata ang suggestion na ito. PHIL. POPS ORCHESTRA- ang galing nyo talaga, nakaka-inlove yung tinugtog nyo. Ay teka, napansin pala kita, di ba BASS part so “betang” mo? Trained ka pala sa CCNHS Drum and Bugle Corps??? Ikaw ba ang may hawak nung BASSoon? The best kasi ang performance mo nung concert, kahit natakpan ka pa ng speaker nakilala kita agad dahil BASS ang nagdala sa orchestra. Congrats, kahit na tinubuan mo pa ako sa tickets. 3 for one hundred lang sa iba, charge mo ng 100 pesos each. K lang, nadiscover ko naman ang talent mong paghipan ng trumpeta. PILIPINAS FRESS- Kuya Orland nasaan ka na, tanggapin kaya ni Kuya Nards ang rush na programa natin. Ay naku…. Talagang hindi tatanggapin ni Kuya Nards ito dahil wrong spelling…. Bobo ka talaga computer ka!!!! Punta kayo sa letrang F… 

Q-QUARESMA- napagpalitan nyo ata ang ADVENT season sa season ng QUARESMA. Malungkot ang PASKO sa aming nayon dahil, na miss kita ngayong CHRISTMAS. Request naman dyan oh puwede bang kantahin nyo ang JINGLE BELLS, favorite ko kasi yun lalo na yung part na….. tignan mo!…….JINGLE bells Jingle bells … Jingle all the waist….. o wat pan t is to write in a one hers opens play… hey….  (Everybody please repeat) Favorite ko talaga ito, promise next year kantahin nyo ito para naman sulit ang paggising ko sa madaling araw.  

R- RECORDER- totoo nga pala ang chika na producer kayo ng mga pirated CDs ng SPPPC. Wag niyo nang ipagkaila dahil may insider kami na nagreport ng inyong gawain. Everytime na may bagong kanta, make na kayo diyan ng kopya, di nga lang clear dahil kami ang original. Kung gusto niyo bilhin niyo na lang original, P25 pesos lang….. per note, di pa kasama ang mga rests! Hoy mura na yan, good bargain na yan, pang-divisoria presyo. RIGHT TO PRIVACY-talaga naman may right kami na i-protect ang aming mga possession kasi priceless ang mga iyan. Nalingat lang kami, nakakopya na kaagad ng imitation, at dinistribute na nationwide. Mag-ingat sa peke, tignan kung may original seal ng SPPPC. RESPETO-  gustong gusto talaga ka namin tulungan Balong sa oras na iyon, mukha ka talagang basang sisiw, pero wala kaming nagawa. Ta talaga met ya kasalanan mo, akin et agmo impawil tay promise mo ed sikato, wala kang palabra de honor. Disente ka pa namang tignan, yun pala balak mo na siyang lokohin! Anong napala mo, aga nabauag ya tami nen MR. Suave. Agmo la inggalang ta sakey ya SUPREMO na katipunan diman ed wild, wild west. Ano nakita mo taalga, nagpakawild siya. RF PEST CONTROL SERVICES-  wow ka talaga dahil makukuha mo na ang WOWOW Channel, ay ay este (nabuko ako nanood ako dyan sa totoo lang) WOW Philippines Tourism. Hindi ka lang Pangasinan wide, nationwide ka na! Sulit ang binayad namin sa USATV. Congratulations sa yo RF! For inquiries on termites and pesticide services, please inquire at their office located at Poblacion East Calasiao, Pangasinan.  RENIEL – kung dati isa kang tsinelas na laging maaasahan, ngayon wala ng tibay na maaasahan sa iyo. Banda ka lan banda, agka la mipra-praktis. Maung ni REINDEER- ta naasahan ed praktis. Madam nii…..  

S- SOSYAL- Dalawa lang ang SOSYAL sa SPPPC,     si SISTER Leng-Leng na mahilig magpa-wax at magpa-derma, at mga SILVERIO SISTERS, na mahilig maki-party (mapa-debut ng kaibigan ni Dyna, wedding anniversary ng auntie ng barkada ni Den Den, at binyag ng kapitbahay ng office mate ni Desiree) Pag wala sila sa evening praktis, tiyak nasa party na naman sila. No maminsan ibalkutan yo kami met ah!  SANA’ Y WALA NANG WAKAS-  natiktikan mo lang na ito ang aming aawitin, nagpirata ka na naman. Nauna ka pang narinig kesa sa original. Pero di bale, alingo ka met, ta nan-jump amo so CD, eh kasi pirated what do you expect. SPAGETTI- Congrats sa inyo mga SexBomb Dancers dahil tinalo nyo naman ang OTSO OTSO ng mga G Girls. Parang SPPPC at  SIYAM SIYAM! Sayang ROCHELLE di ka na available sa Grand Finals ng Paligsahan sa Sayaw, dahil may boyfriend ka na di at baka di ka niya payagan, dahil gabi at malayo ang Pangasinan. SUPORTA- tinatanong lang ni Desiree kung nasaan ang ipinangako mong suporta sa kanya noong election. Man-lapse la so term to, agto ka kuno apinabangan. SINUNGALING ka daw, lanang ka ed SHOOTING mo anggapo lay oras mo ed SPPPC.  SING A CHRISTMAS CAROL-  talagang ikaw na ang aming favorite dahil muntik na kaming mag-away at “mabuyak” dahil sa praktis ng SIMBANG GABI-  at ikaw naman ten years ka rin naman na nasa top one, pasingitin mo na si CHRISTMAS CAROL. Hindi pa siya nanalo sa contest eh, pero promise ipapanalo na naming siya. Yan ay kung may contest, SPONSORED by CSI, kasi dun lang kami nananalo.   

T- THE PRAYER- Sa wakas nahanap ka rin namin, sobra ka kasing itinago sa baul kinailangan pa naming mag-novena prayer para lang makuha ka. Tapos… bigla na lang may lilitaw na imitation, cgurado pirated na naman ito. Ayan tuloy di nyo matapos tapos, mahirap I-pronounce may “Italiani” awa? Baka naman unreachable talaga ang sogna kasi nakasabit na lahat ang nota ng mga SOPRANO at TENORS. Kung ako sa inyo mag pray muna kayo, nang ano ba talaga, ma-ipronounce yung Italiani o maabot ang sogna?  T-SHIRT – pulang-pula ka ngayon, kasi according kay Manang Bola (yung may ari ng perlas na bilog na TUTULOG-TULOG) suwerte daw ang kulay na ito. Si Balong kaya suwertehin na rin sa taong ito? Abangan ang susunod na kabanata. TIE- kahit anong gawin nyo di nyo ma-bre-break ang TIE! Eh kasi TIE nga eh. The decision of Maan and Didith in this ABAKADA is final and irrevocable. Di kami nag-e-entertain ng complaints, comments and suggestions. Pero pag sinabi mo na maganda at flawless kami, walang mga pimples at ketket na ageyet, aaay the best, baka mabago agad ang decision.  

U- UNDER-NEGOTIATION- na ang kumpanyang pinapasukan mo, kung isasara ba o mag-ooperate pa this year. Isang taon na lang ang taning mo at bakasyonista ka uli. O di ba , HAPPY 16th , No Trabaho Year Anniversary sa yo. TH ka kasing magwork eh ayaw naman talaga ng work sa iyo. Mukhang wa –epek ang red shirt sa iyo. Di bale happy ka naman sa group natin, nakakain ka 3 meals a day, with matching merienda pa. San ka nakakita ng ganyan “legpet” ka ng choir.  UNDERDOG- according to Webster ‘s Dictionary, this an adjective for a dog who is under the table. Kaya kung gusto nyo sumikat, magpa-UNDER talaga kayo sa dog. Ganyan kami noon, inapi, inalipusta, nilait at hinusgahan. Kaya, ngayon si SPORTY at si POSH, (mga beloved aso namin ito) nasa over the table na. Ang advice namin, magpa-api lang kayo, at cgurado at the end, you will be rewarded…… if….. you deserve to be rewarded.  

V-  VIBRATO- ito na lang ang kulang sa inyo mga Soprano, ka-level nyo na ang MARDIGALS ( JAMBY nga lang). Kaya next year ito ang io-overtime natin. Instead na 9:30 – 12:00 PM ang praktis, gawin nating siyang 9:30 – 12:05 and 45 seconds. Yan ha dapat matuto na kayo sa 5 min and 45 seconds additional. Malaking oras na yan para mapag-aralan ang VIBRATO. VENERACION- ikaw pala ang secret ng success ng mga MADRIGAL SINGERS. Versatile ka pala, dahil maganda ka naman  at sexy in your own right. Hindi mo nalalaman, pero favorite ka ng mga SPPPC boys. Lahat ata ng CD mo ay may collection sila, at pinipilahan, pinag-agawan pa ang tickets mo mapanood ka lang. Mabuhay ka YNEZ VENERACION, sana maturuan mo rin kami one of these days. Kelan uli ang next concert ng Madrigal?  VRIBE- dito ka na lang kasi marami na sa letrang B. Magkalapit lang naman pronunciation nyo. Wag mo na kaming suhulan dahil di ka na namin papatulan. Nagkamali na kami minsan, di na mauulit yan. Pero no M&M’s komun so manlapud pusom, narel mo lan tampol so kiliti mi. Mababaw lang naman ang kaligayahan namin, madali lang i-please isang chocolate lang ok na (isang balkot balet a!)        

W-  WHITE LADY- ikaw ba yung WHITE LADY sa Balete Drive o ang Fairy sa FITA? Iisa na nga lang yung biscuit na iyon nakihati ka pa, eh alam mo naman kulang pa sa kaniya yun. Tapos red na sports car ang binigay mo, eh  obvious naman na yellow  gold ang gusto niya, mahilig kasi siya sa alahas. Ayan tuloy hindi natuwa sa iyo ang kanyang mga ancestors, at inexorcise ka at  pinabalik na sa Balete Drive.  Dun ka na kasi humingi ng Fita, rich ang mga tao doon baka isang latang biscuit pa ang ibigay sa iyo.  WINNIE A. Salamat sa padala mong pang-Christmas party direct from California, USA. www.oocities.org/spppc_calasiao- o di ba may webpage na kami. Visit it, kahit di pa tapos, at mukhang mga batang yagit pa ang mga pictures dun. Pagtiyagaan mo na kasi, binuksan mo na at nagbayad ka na ng internet fee mo. Visit it from time to time, make your suggestions and comments, kahit ano, ok lang kahit balaw, pasnok, lait. Pero write at your own risk, dahil cgurado matre-trace din naming kung sino ka, based on your IP address. Baka makasuhan ka ng libel. Cgurado naman, ma-eedit din ng web master ang comments nyo lalo na ang mga bad comments. Kaya kung ako sa inyo, wag nyo na lang buksan pag may galit kayo sa amin. Sayang naman ang internet fee ninyo na 25 Pesos. Pero sa aming mga  detractors, puwede kayo mag-ACCESS sa DDS net, libre, pero tignan me lang kung makalusot kayo sa aming guardia. Kasi unang bukas mo palang ng browser, may nakabantay na sa inyo. WOWOW Channel- bakit nawala ka na sa gabi, miss ka na nina Kakel, Lexter, at yours truly. Saan ka na nalipat? Na  scan ko la from channel 01 to 181, wala ka. Ibalik nyo please, hindi  kami makatulog na WOWOW fans sa gabi.       

X-  EXPIRED ID- talaga naman may point si Mr. Suave, kasi sabi employed ka pero bakit expired naman ID mo. Pero cge, nagtiwala siya sa iyo, kasi disente ka daw tignan, yan ang pagkakamali niya. Dahil si MR. Disente ay isa palang, sinungaling. Nagdeposito ng P72  eh di ka na sana napagalitan. Next time Balong, I-update mo yang ID mo. XTRA SCHEDULE- bihira na kaming tumanggap ng schedule pero sana maintindinhan ninyo dahil palagi kaming busy … saan naman kaya?  But if the price is right, marunong kang magcompute. Napag-aralan mo agad ang formula sa letrang A. X-RATED NA PAG-IISIP- masama pala ang influenza virus na nakukuha sa luto ni Neneng. Every Sunday, after breakfast hot na hot ang topic, at pag pinutol mo ang usapan magagalit sila dahil bitin daw. Alam ba ito ng mga magulang ninyo? Madam niiiii ……..

 Y- YELLOW SHIRT- kala namin ito na ang magdadala ng suwerte sa buhay mo dahil bigay ni SABEL at bagay na bagay sa iyo, dahil napagkamalan kang disente. Ay naku, mukhang malas ka parin sa SHIRT na ito dahil sinabon ka ni Mr. Suave. Sana binanlawan mo siya ng EBAT, kaya lang di mo nagamit ang pagka-taray mo, natameme ka na lang puro pasencia at pag-papakumbaba ang lumabas sa bibig mo. Pero alam naman namin na kaplastikan lahat iyon, nagtitimpi ka lang.  YOU-  YOU can never put a GOOD GROUP with a GOOD intention down, period! Unless we stoop down to YOUR  level. YEAR 16 – 16 YEARS na ang SPPPC, magse-seventeen by May next year, and still going and growing stronger. Talagang THANKS TO THE LORD, dahil sa hirap at ginhawa, nandito pa rin kami.

Z- ZENZA PIU VIOLENZA- isa ka bang virus, kasi katunog mo si influenza virus eh. Pero cguro hindi naman dahil ang kadugtong mo UN MONDO DI GIUSTIZIA E D ESPERANZA. Ah basta  cguraduhin mo lang na  hindi ka isang sakit, dahil gustong-gusto ka naming kantahin. Baka naman isa kang droga dahil nakakaddict ka. Pati si bishop, humirit ng isa pa nga!!!

ZZZZZZZZZZZ- unugip kami la gud nyt la sirin. Z u next year again!

 

Merry Christmas

and a Prosperous New Year!