Okatokat!

hoy mga pare ko
anong nangyari dito?
bakit biglang namutla ang mukha ko?
nanginginig, tumindig ang balahibo
gusto kong sumigaw
gusto kong tumakbo palayo!

hoy! meron akong nakita
isang babae na nagpapakita sa kusina
tuwing gabe... nye!? white lady and dating
okatokat! nakakapraning!
ako'y kinabahan, dahan-dahang nilapitan
mula sa likod bigla ko siyang sinunggaban
ako'y napahiya nung nakilala ko kung sino
si nanay lang naman pala
akala ko multo!

tatay kong masungit... okatokat!
kaning mainit... okatokat!
syota kong ma-gimick... okatokat!
punong-puno ng sabit!

mag-isa sa kwarto
ang ba naman ito?
sa gitna ng dilim, kabado na naman ako!
sa 'king paligid, merong nakatitig...
okatokat! ako ay nanginginig!
so ako ay tumahimik at ako'y kinabahan
bumaba mula sa kama ko dahan-dahan...
sabay takbo sa ilaw at bigla kong binuksan
salamin lang pala... buti na lang!

masamang panaginip... okatokat!
asong makulit... okatokat!
titser kong nakakabuwiset... okatokat!
na ubod nang pangit!... okatokat!

lahat sa ating paligid
ay kinakatakutan: multo, engkanto
at dayuhan
mga pangyayaring hindi maintindihan
kapag hindi maunawaan
okatokat diyan
okatokat diyan
okatokat diyan
sana naman ako'y tantanan
ayoko ng ganyan
okatokat diyan
okatokat diyan
ayoko ng ganyan
okatokat diyan
okatokat diyan

 

Back