Bakit kaya pag nakikita ka
Araw ko'y gumaganda at laging masaya
Ganyan ang damdamin kong nadarama mula noon
Hindi nagbabago hanggang ngayon
Bakit kaya pag nakausap ka
Di nakakasawa ang iyong pagsalita
Katulad ng isang awitin kay gandang pakinggan
Mula sa simula hanggang wakas
Sadyang ganyan ang damdamin ko sa `yo
Mahirap maintindihan subali't totoo
Kahit kailan sa buhay kong ito
Di ka lilimutin mula noon hanggang ngayon
Bakit kaya pag nakausap ka
Di nakakasawa ang iyong pagsalita
Katulad ng isang awitin kay gandang pakinggan
Mula sa simula hanggang wakas
Sadyang ganyan ang damdamin ko sa `yo
Mahirap maintindihan subali't totoo
Kahit kailan sa buhay kong ito
Di ka lilimutin mula noon hanggang ngayon
Bakit kaya puso'y nagtatanong
Mahirap maintindihan subali't totoo
Ewan ko ba sa damdamin kong ito
Hindi pa rin nagbabago
Mula noon hanggang ngayon