|  | Kung bakit nakakatamad magturo Aminado ako. Teaching is a very fulfilling job. Ilang beses ko na iyang 
        naisulat sa mga essays ko. Well, hindi naman always-and-forever ay ganyan 
        ang damdamin ko hinggil sa pagtuturo. Minsan, nakakabadtrip din. Katulad 
        ngayon, isang araw matapos magdeklara ni FPJ na tatakbo raw siya sa pagkapangulo, 
        parang gusto kong i-cancel lahat ng tutorials ngayong araw na ito para 
        lang pag-isipan: may silbi pa ba ang pagtuturo? Bilang isang tutor, mas direkta kong nakakasalamuha ang mga bata. At 
        kahit pa isang oras lamang iyon, mas nakakausap at mas tutok ako sa kanila, 
        kumpara sa ilang oras nilang ipinapamalagi sa paaralan. Mas naririnig 
        ko ang mga hinaing at reklamo nila hinggil sa pag-aaral. Up close and 
        personal, 'ika nga. Kesyo hindi raw marunong magturo ang guro nila (oo 
        minsan may mga teacher din ang mga tutee ko na gusto ko nang sugurin... 
        grr!), kesyo hindi raw talaga nila maintindihan, kesyo sobrang dami ng 
        pinapagawa sa paaralan at ang pinakagasgas nang, "I haaaaaaate math." 
        Lahat iyan ay inaadliban ko ng kung anu-anong words of wisdom: Kailangan 
        mong mag-aral nang mabuti; C'mon, you can do it; Kaya mo yan; at ang pang-grade 
        one na, "Hey, listen. What do you want to be when you grow up? ... 
        Do you think you can be like that if you don't study now?" Kahit papaano naman ay napipilit ko sila, nakukumbinsi kong may katuturan 
        ang pag-aaral nila. Siguro naman kahit sa loob ng isang oras na session 
        na iyon, naiinspire silang magpursigi, mag-aral, tapusin ang assignment, 
        mag-review para sa test. Pero paano kung ako mismo, ang tutor at taga-adlib, 
        ang siyang nawawalan ng pag-asa sa edukasyon? High school dropout si FPJ. Okay, sige. Given na dala lang ng matinding 
        pangangailangan kaya siya tumigil, tama pa rin bang tumakbo siya sa pagkapangulo? 
        Kung talagang hindi istrikta ang konstitusyon hinggil sa kakayahan at 
        kwalipikasyon ng mga kumakandidato, ano pang silbi ng edukasyon? Bakit 
        hindi na lang magdrama lesson ang mga bata, sumali sa star circle, magpakasikat 
        sa showbiz at bumaling sa pulitika upang makuha ang pinakamakapangyarihang 
        posisyon sa Pilipinas? Bakit kailangan pang mag-aral? Anong silbi ng UPCAT? 
        Bakit kailangan pang kumuha ng mga board exams para matawag na propesyonal? 
        O sige, exagg na ako. Pero paano ko kukumbinsihing mag-aral ang grade 
        one tutee ko kung ang susunod na pangulo ng Pilipinas ay hindi nakapagtapos 
        ng pag-aaral?  
      
 |