back
next
 
TALAMBUHAY NG ISANG TINAPA (T.N.T.) 

Kung kayo man ay parang isang tahong 
Na nasa tubig ngunit puno ng tanong 
O kaya'y isang malaking pagong 
Na may bahay na parang mabigat na payong 
Sumama kayo sa akin at aandar tayo 

Malawag ang tubig sa paligid 
Kay sarap sumisid 
Maraming mararating 
Pang-aliw sa ating damdamin 
Sa pagpasyal inyong matatanaw 
Mga tanawin na wala sa atin 

Lumipad ka d'yan sa tubig 
Lumipad ka d'yan sa tubig 

Inyong tuklasin ang ginhawa 
Sa labas ng iyong diwa 

CHICHARON 

Gusto kitang kagatin 
Ang sarap mong nguyain 
Lahat ay napapasubo sa iyo 
Para kang sinawsaw sa suka 
Ang asim ng amoy mo 
Minsan ang lutong mo 
Minsan nama'y ang kunat mo 
'sing liit ka ng biik 
'sing ingay ng baboy 
kolesterol mo'y nakaka-highblood 

Ang laki ng ilong mo 
Ika'y nakakahilo 
Gusto kitang katayin 

Mukha kang chicharon 
Chicharong balbon 
Mukha kang chicharon 
Chicharong balbon 
Lumang chicharon 
(Ang asim ng mukha mo) 

Pare paabot nga ng suka 
Thank you