back
next
 
TUGTUGAN NA 

Tugtugan na! 

Damputin mo na ang gitara mo 
Ang tambol mo'y hatawin na 
Kumanta ka at sumigaw 
Oras na para madinig 

Ito na ang ating musika 
Musika ng ating panahon 
Patalbugan ay itigal na 
Ba't di tayo magkaisa 

Ang Kapitbahay ay gisingin na 
Pati na rin ang buong barangay 
Lakasan pa natin ng todo 
Hanggang ang kisame'y magiba 

Ang baho mo ay paugungin na 
Lakasan mo pa ang iyong tipa 
Kaskasin mo na ang gitara mo 
Hanggang ang kwerdas ay maputol mo 

Magkaisa!

GALIT SA MUNDO 

Bakit ba may mga taong 
Mayroong sariling mundo 
Lahat ng tama'y laging mali sa inyo 
Lahat ng uso'y baduy sa iyo 

'di nakuntento 
Nangdamay pa kayo 
Katahimikan ko'y ginugulo ninyo 
Anak ng tokwa ano ba'ng gusto mo 
Oy! Maghanap ka na lang ng ibang mundo 

Ganyan ang buhay sa mundo 
May taong 'di kuntento 
Yan ang taong walang kwenta 
Puro kwentong walang istorya 
Sawa ka na ba sa buhay mo  
(pare/'tol/tsong) Galit ka ba sa mundo 

Pati gobyerno'y tinitira n'yo 
Sa susunod na halalan ikaw ang tumakbo 
Mali ng iba'y pinupuna ninyo 
Humarap sa salamin tingnan ang sarili mo