"I love Kim, not because she's pretty, but because she has this thing inside her na gustong-gusto ko at hindi puwedeng palitan! (Ano ba 'yung dahilan at nagustuhan niya si Kim?)
"Ipinadarama ko sa kanya, sa lahat ng paraan, ang pagmamahal ko. Pinadadalhan ko siya ng fruits, roses, chocolates. Iginagawa ko rin siya ng poem!" (Sa hanggang langit niyang love kay Kim...)
"Wala pa kaming formal relationship ni Kim pero may mutual understanding na kami" (Hahataw nang husto ang loveteam nila ni Kim ngayong 1999)
"One thing I'm sure of, liligawan ko pa rin si Kim kahit wala na ako sa showbiz!" ( Ang tambalang hindi showbiz)
"Gagawin ko ang lahat nang gusto ni Kim, sagutin niya lang ako!"
"Eight months ko na siyang nililigawan...Siguro naman tama na 'yon!" (naiinip sa matamis na oo ni Kim...)
"Mas naiintindihan ko na ngayon kung bakit ayaw pa rin ni Kim ng commitment. Priority niya ang kanyang career kaya hindi na talaga ako nakuklulit sa kanya" (Kung may nabago ba sa relasyon nila ni Kim mula nang halos araw-araw silang nagsasama.)
"Panindigan ko 'yung binitiwan kong pangako sa Daddy ni Kim na aalagaan, mamahalin at hindi sasaktan ang kanyang anak" (Tiwalang-tiwala sa kanya ang daddy ni Kim)
"Grabe naman ang balitang 'yan. I admit na nagpupunta ako sa Pad ni Kim pero hindi ako nakikitulog do'n"(Minsan daw ay nakikitulog siya sa pad ni Kim)
"Nagising ako na kung sa kanya, career muna, bakit sa akin, ganito? So, sige...career. Now, I'm just doing my job!" (OPLAN: IWAS- Kim na muna?)
"Deserving si Kim sa launching movie na ito. She has been in the business for so long at siguro ito na ang right time for her. Mapalad nga ako dahil nadamay pa ako sa suwerte niya" (Sa launching movie nila ni Kim...)
"Sana sa birthday ni Kim ay sasagutin na niya ako para masabi kong kompleto na ang buhay ko" (Mahigit isang taon na siyang pinahihirapan ni Kim...)
"Very understanding ang daddy ni Kim at malaki ang tiwala niya sa akin kaya naman nangako ako na hindi ko pababayaan ang anak niya"
"Hihintayin ko na lang kung kailang niya ako sasagutin. Mahirap talaga kung may commitment kayo sa isa't isa!"
"Mahal ko talaga si Kim at sapat na sa aking malamang may pag-asa ako sa kanya. Hindi ko siya minamadaling sagutin niya ako"
"Habang tumatagal, lalo akong nai-in love kayt Kim!"
"Ipakikita ko kay Kim na ako lang ang lalaking dapat niyang mamahalin!"
So, there you guys, kayo na lang ang bahalang maghusga kung totoo ba itong lahat na sinasabi ni Dino tungkol sa kanyang pag-ibig kay Kim. |
|