Send your comments to Pastor MB but if you don’t have an email sign here.
Part 1, Part 2
"BATHALA"
"For while I was passing through and examining the objects of your worship,
I also found an altar with this inscription,
‘TO AN UNKNOWN GOD.’ Therefore what you worship in ignorance,
this I proclaim to you" (Acts 17:25 NSAV).
Bathala, an Idol
Hindi maikakaila ng sinumang nagbabalik-tanaw sa katutubong kulturang pangrelihiyon ng ating bansa na ang ating mga ninuno ay polytheist:
Anyone who reads old accounts about the Philippines during the arrival of the Spaniards will certainly note that our forefathers believed in many divinities. These deities inhabited the sorrounding world of our ancestors and maintaned continued social interaction with them.
Aside from this social relationship, these supernatural beings controlled all phenomena basic to man’s survival––weather diseases, success of crops, and so forth––such that every places of daily activity had to follow the wishes of these controlling power.1
Isa sa mga diyus-diyosan ay ang sinasabing si Bathala o Captan. Si Bathala ay isa sa pinakamataas na kinikilalang diyos ng ating mga ninuno bago pa dumating ang mga Kastila (pre-Magellanic period). Naniniwala ang mga naninirahan sa Pilipinas, lalo na ang mga nasa katagalugan, na si Bathala ang may responsibilidad sa lahat ng nagaganap sa buhay ng mga tao.
Sa primitibong relihiyon, si Bathala ay may mga sugong ispiritu na kung tawagin ay mga anitos. Sila ay nasa paligid-ligid lamang nananahan––sa mga ilog, bukirin, bundok, bato, dagat, bahay.
Bahala Na!": From Bathala na!"?
Kung mayroon mang nagsasabing ang katagang "Bahala na ," ay nagmula sa "Bathala na," na ang ibig sabihin ay "Diyos na ang bahala", mas marami pa rin sa mga estudyante ng kaugaliang Pilipino na nagdududa sa ganitong etimolohikal na interpretasyon.2
Bahala Na Kung Sinong Bathala?
Kahit na "Bathala na" ang kahulugan ng "Bahala na", hindi pa rin masasabi na ang ating mga ninuno ay nasa pananampalataya at ispiritwalidad.
Ang pananampalatayang tinuturo ng Bibliya ay may object, hindi "to whom it may concern". May pangalan ang Diyos ng biblikal na Kristiyanismo. Pangalang lubos na pinapahalagahan mismo ng Diyos. Si Yahweh ay pinapakilala ng mga propeta hindi lamang sa sambayanan ng Israel. Ang Panginoon Hesus Kristo ay pinangaral ng mga apostol, sapagkat sa pangalan Niya lamang natatamo ang kaligtasan (Gawa 4:10-12; Roma 10:9-13). Masasabi lamang na may personal na relasyon sa Diyos ang isang tao kung nananampalataya siya sa hinayag na pangalan ng Diyos.
Bahala na! A Brand of Faith?
Ang bahala na ay isang kaugaliang fatalistik, hindi ekspresiyon ng pagtitiwala sa Diyos. Ito ay stoic resignation! Ito ay isang negatibong kaugalian ng katutubong Pilipinong kultura na sumasalamin hanggang sa kontemporaryong lipunan. Ito ang sigaw ng isang walang katiyakan sa kanyang gagawin, ng isang hindi pinaghahandaan ang kanyang kinabukasan, ng isang hindi pinagbulay-bulayan ang kanyang buhay, ng isang nagtatangkang magpakamatay. Ito rin ang sinasambit ng mga naniniwala sa malas at suwerte. Sa kaisipan ding ito nakahilig ang Gang ni Baby Ama.
_____________________________________
1. F. Landa Jocano, Philippine Mythology and General Education in Zamora-Lawlers, 144.
2. Singson, Jose, Philippine Ethical Values, Intergrated Reasearch Center, De La Salle University, 196.
_____________________________________
Part 1, Part 2
Send your comments to Pastor MB but if you don’t have an email sign here.