Back ] Home ] Next ]

"Mabuti" at Masamang Aral ng "Iglesia Ni Cristo" (1914)

Send your comments to Johndaine but if you don’t have an email sign here.

_________________________________________

Ang mababasa ninyong artikulo ay isang kasagutan sa isinulat ng isang Overseas Contract Worker na miyembro ng Iglesia ni Cristo (1914). Itinago ko siya sa pangalang “Johnny” upang maingatan ang kaniyang pribadong pamumuhay. Nawa ay kapulutan ninyo ito ng magagandang bagay patungkol sa pagpapaliwanag ng Kristiyanong pananampalataya.  

Ang Sulat Ni “Johnny”:

sa iyo kaibigan,

huwag mo rin sanang masamain ang sulat ko sa iyo na ayon sa iyon pagsasaliksik, pero hindi mo matatwaran ang mga pananampalataya ng INC dahil may magandang aral silang tinutukoy at maari mong iyan sa mga miyenbro. Kung hindi a Amang Diyos ang aral ng INC magpapaloko ba ang mga taong umanib dito na sa kasalaukuyan ay may mga  pinag aralan na rin pang umanib dito. itatanong ko sa iyo kaibigan may masama ba sa itinuturo ang INC lalo sa kabutihan ng mga kaanib nito na matutong sumapalataya sa magagawa ng Diyos lalo sa panahong ito na puno ng paghihirap kung makikita mo lang ang lalim na pakay ng Ka Erano Manalo ay mapabuti ang bawat tao lalo na sa buhay espritwal siguro mauunawaan mo. Ako mula sa pagkabata nakita ko ang kabutihan at kagandahan ng loob ng Panginoon Diyos at pagsama ng ispiritu santo tuwing sumasamba ako sa loob ng kapilya masasabi mo bang hindi ito ang sampalatayanan ko? at hangggang ngayon kasama ko ang kapayapaan sa puso ko dumanas ako ng maraming pagsubok kasama ko ang pamilya ko ngunit dito sa loob ng INC naranasan ko ang pagkasi ng Ama sa akin at hanggang ngayon dala ko kalinga Niya. Tandaan mo ang pinaguusapan natin dito ay ang pagpapatunay ng Diyos sa loob ng INC na sinasampalatayanan ko na narito ang GABAY NIYA alam mo masasabi ko sa iyo kung maninindigan ka sa kaalaman mo iyan ang magbibigay daan sa iyo sa kapahamakan marami na ang kumutya at kumalaban sa Iglesia ngunit pawa silang nanga-pumanaw ngunit hanggang ngayon naka tiindig dala ang pangako ng Panginoong Diyos Purihin siya magpakailanman.  

From an OFW in the United Arab Emirates (Note: This letter is un-edited)

_________________________________________

Ang Kasagutan:

Nagpapasalamat ako at binigyan mo ng panahon na bisitahin ang aming website. Ang layunin ng aming ministeryo ay hindi upang insultuhin ang mga tao sa bawat kulto ng Kristiyanismo katulad ng Iglesia ni Cristo (1914) na pinangungunahan sa panahong ito ni Eraño G. Manalo. Hindi maiiwasan na magkaroon ng kontrobersiya tungkol sa mga gawain at katuruan ng mga indibiduwal na pawang tumutuligsa sa katuruan ng Kristiyanismo simula pa noong kapanahunan ng mga apostol, mga maaagang Kristiyano, mga maaagang ama ng iglesya, mga reformers, hanggang sa makarating ito sa ating kapanahunan. Nais kong linawin na hindi Kristiyanismo ang tumuligsa kay Felix Y. Manalo bagkus ay si Felix Y. Manalo sampu ng kanyang mga ministro ang tumuligsa sa mga tamang katuruan ng Kristiyanismo simula nang ipangalat niya ang kaniyang mga hidwang aral. Ang dapat na gawin ng mga tunay na Kristiyano ay depensahan ang katotohanan at maging opensiba kung kinakailangan (sg. 1 Ped. 3:15; Jud. 3).

Halos lahat ng mga kulto sa ating bansa na sinimulan nina Charles T. Russell ng Mga Saksi ni Jehovah; Arsenio Ferriol ng P.M.C.C. (4th Watch); Eliseo Soriano ng Ang Dating Daan; Witness Lee ng Church of Recovery; Kip McKean ng International Churches of Christ; Louie Santos ng Friends Again; Felix Y. Manalo ng I.N.C. (1914); at marami pang mga kulto ay pawang mga nagtuturo ng kabutihang asal at moralidad sa mga miyembro nito. Hindi maaaring pasubalian na sila man ay nagtuturo kung paanong maging isang mabuting tao, asawa at anak sa mundong ating kinagagalawan. Ngunit ang bawat mangangaral ng mga grupong ito ay magsasabi din namang hindi sapat ang pagbabagong buhay lamang upang malaman mong ikaw ay nasa tamang pananampalataya. Ayun din naman sa unang sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo, “Magingat ka sa iyong sarili [buhay] at sa iyong turo [doktrina]” (4:16).[i] Kung gayon pala ay hindi sapat ang mabago lamang ang iyong buhay bagkus ay kinakailangang din namang nasa tama kang pananampalataya. Naniniwala ako na ang tunay na pagbabagong buhay ay matatamo lamang kung ikaw ay nasa tunay na Kristiyanismo. Mayroong pagliliwanag na masasabi si Robert M. Bowman, Jr. tungkol dito sa kaniyang librong Orthodoxy and Heresy,

Some of the claims to “good fruit” made by groups following bad doctrine must themselves be subject to discernment. For example, most if not all religious groups claim that its followers experienced increased in love, happiness, and self-fulfillment. The difficulty here is that these claims are largely subjective. No doubt for many unhappy people any sort of structured community of people committed to a common cause would provide such an experience. Please understand that I am not denying that true Christianity offers something unique in this regard. My point is that love, happiness, and self-fulfillment can be experienced by non-Christians [like Iglesia ni Cristo (1914) members] on a natural, human level, and this experience should not be confused with the eternal benefits of knowing the true Jesus Christ.”[ii] 

Tunay ang kaniyang paliwanag, sapagkat inaangkin din naman ng halos lahat ng mga taong nasa maling pananampalataya na nagkaroon diumano sila ng “pagbabago” simula nang umanib o maging miyembro sila ng kani-kanilang mga “iglesia,” “samahan,” o “organisasyon.” Kung inyo lamang bibigyan ng panahon na pag-aralan ang mga patotoo ng mga nakumberte sa pagiging I.N.C. (1914) ay malalaman ninyo na ang itinataas ng husto ay hindi si Jesus bagkus ay ang kanilang kanilang “tunay na iglesia.” At isa pa, ang mga “kabutihang” ipinakikita ng mga miyembro sa mga kulto ng Kristiyanismo ay pawang makikita din naman sa mga taong kabilang sa mga cause oriented groups at non-government organizations katulad ng kanilang pagtulong sa mga mamamayan. Sa kabila ng lahat, ang tunay na kabutihan at pagbabago ay lalabas lamang kung ang isang tao ay magkakaroon ng tamang pananampalataya at relasyon kay Jesu-Cristo. Ang isang taong nanampalataya kay Cristo at nakasumpong na ng kaligtasan sa pamamagitan Niya ay magiging isang mabuti at bagong tao. Upang mapatunayan ay basahin natin ang isinulat ni Pablo sa Efeso 2:8-10 at 2 Corinto 5:17:

“Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas [pangnagdaan o past tense, ligtas na] sa pamamagitan ng pananampalataya [kay Jesus]; at ito’y hindi sa inyong sarili [sa anumang magagawa mo], ito’y kaloob [o regalo] ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa [o anumang kabutihan], upang ang sinuman ay hindi magmapuri [o makapagmalaki sa harapan ng Diyos]. Sapagka’t tayo’y gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda [pangnagdaan] ng Dios nang una upang siya nating lakaran.”

“Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.”  

Yaman din lamang na nabanggit mo din ang tungkol sa “pakay” ni Eraño G. Manalo ay hayaan mong bigyan kita ng isang halimbawa kung papaanong pinutol ang pagsipi ng isang manunulat na I.N.C. (1914) ang katotohanan tungkol kay Eraño ayon sa pananaliksik na isinagawa ni Ma. Angeles C. Guanzon. Upang pagandahin ang katauhan ng nakababatang Manalo ay minabuting putulin ni Isabelo T. Crisostomo ang kaniyang pagsipi sa isinulat ni Guanzon sa artikulong, “Brother Felix’s 111th birthday; Brother Eraño’s 50th year as a minister”:

“In a book entitled Filipino Religious Psychology edited by Leonardo N. Mercado [written by Ma. Angeles C. Guanzon], it is stated:

‘This type of power he [sic] passed on to Eraño, who, in order to maintain the society would have to be as strong and competent as the man before him. From the very start Eraño was being trained for a high position… The Iglesia ni Kristto (sic) has been gaining more and more adherents everyday through the exceptional administrative abilities of Manalo. He has been described as an efficient leader, possessing mastery in organization (Sta Romana, 1955 and Asia Magazine, 1965).”[iii] 

Ngunit pagpupuri nga ba talaga ang gustong iparating ni Guanzon sa artikulong ito ukol kay Eraño o pagpapahayag ng isang negatibong aspeto ng tunay nitong pagkatao?[iv] Upang malaman ay basahin natin ang mga nakapaikot na konteksto sa pareho at sumunod na pahina kung saan kinuha ni Crisostomo ang kaniyang pagsipi:

“Manalo is considered to be a leader of singular powers (Sta. Romana, 1955; Quijano de Manila, 1963; Asis, 1963; and Trinidad, 1970) that even in the absence of written laws, the Church is guided by the pronouncements of the Supreme Brother. Casual comments made by members of the INK depend on the Executive Minister for guidance and have to wait for his orders, especially in all important matters. His powers have been described as short of dictatorial, where he controls not only the mind but the soul as well (Modesto, 1958; Navarro, 1969; Polotan, 1965; Asia Magazine, 1965; and This Week, 1965). He is the only one who exercises authority with biblical interpretation.

This type of power he passed on to Erano, who, in order to maintain the society would have to be as strong and competent as the man before him. From the very start Erano was being trained for a high position, where he had to devote full concentration on both ministrerial and administrative duties. He saw how effective this type of exercise of power was on the INK members. Erano therefore has not made any dramatic changes in the structure of the INK to date.

The Iglesia ni Kristo has been gaining more and more adherents everyday through exceptional administrative abilities of Manalo. He has been described as an efficient leader, possessing mastery in organization (Sta. Romana, 1955 and Asia Magazine, 1965).  

Personality development is influenced to a great extent by the cultural and social milieu in which the individual is situated. The Filipino people have been observed to have ‘a very high regard for a leaders in whom they can repose their confidence and to whom they can give respect’ (Polotan, 1965). Perhaps, because they have been a colonized people, they have learned over the centuries to become submissive to those in authority. This is particularly true of the people in rural areas and those who have no advantages in education. History indicates that particular honor and trust is given to one who claims to be a religious leader. Especially if he shows an interest in the people he maintains that he is gifted and maintains that he is gifted with knowledge of God’s trust (Asia Magazine, 1965 and Trinidad, 1970).  

The followers of the Iglesia ni Kristo love Manalo so much that they are willing to make sacrifices for him (Quijano de Manila, 1963; Polotan, 1965; and Almario, 1967). As he was described by Mrs. Sta Romana, ‘he looks more like a ruler of a small kingdom: beloved, always sought after, adored and respected by his followers,’ It is interesting to note that the members, who are mostly poor, do not resent the fact that their leader has so many cars and that the residence he built is fabulously expensive. In fact, they take pride in the fact that they have a leader who has literally risen from the ranks. Again, the process of identification is at work in this perticular situation.”[v] 

(Note: Ang pagdiriin ay mula sa may-akda upang ipakita kung saan sinipi ni Cristobal ang mga isinulat niya tungkol kay Eraño G. Manalo.)

Masasabi nating ang isinulat ni Guanzon na pinamatnugutan ni Mercado ay hindi upang ipakita ang positibong aspeto ni Eraño, bagkus ay upang mabigyan ng babala ang publiko tungkol sa kapangyarihan na ipinasa ni Felix Y. Manalo sa kaniyang anak na si Eraño G. Manalo. Kung ating babalikan muli ang sinipi ni Cristobal, “This type of power he [sic] passed on to Eraño…” ay maitatanong natin kung bakit hindi niya sinipi ang pangungusap bago nito sapagkat ang kapangyarihan pala ni Eraño ayon kay Guanzon, [Felix Y. Manalo’s] powers have been described as short of dictatorial, where he controls not only the mind but the soul as well.” At ang kapangyarihang ito ang patuloy na ginagamit ni Eraño sa lahat ng miyembro ng Iglesia ni Cristo (1914) sa buong mundo.        

Sa pagkakataong ito ay masasabi nating hindi lamang ang Iglesia ni Cristo (1914) ang ibinubunyag ng mga Ebanghelikong Kristiyano[vi] bilang isang hidwang pananampalataya bagkus ay pati na rin ang Mga Saksi ni Jehovah (Russell), Ang Dating Daan (Soriano), Mormonismo (Smith), Church of Recovery (Lee), Oneness Pentecostalism (Almeda, Quiboloy, Santos, Lahi), PMCC 4th Watch (Ferriol), Metro Manila Christian Church (McKean), Unification Church (Moon), at marami pang iba. Malimit gawing sukatan ng katotohanan ng ilan sa mga grupong ito ang paglago at pagtanyag ng kani-kanilang organisasyon sa gitna ng mga diumanong “pagtutuligsa” sa kanila sapagkat ang Islam ni Mohammed na ilang milyong tao ang kabilang at mas tanyag at kilala kaysa sa kanilang lahat ay hindi natin masasabing tunay na relihiyon.                 

Marami sa mga miyembro ng I.N.C. (1914) ang nakakaranas diumano ng “kapayapaan” ngunit naitanong na ba nila kung anong klaseng “kapayapaan” ang ibinibigay ng administrasyong I.N.C. (1914). Ang katotohanan ay kinakailangang nasa loob ka ng “kawan” ng I.N.C. (1914) upang makaranas ka ng tinatawag nitong “kapayapaan.” Sino nga ba ang nagbibigay ng tunay na kapayaan, ang iglesia o ang Panginoong Jesu-Cristo? Maaaring sabihin nila na hindi ito totoo ngunit wala ni isang opisyal ng I.N.C. (1914) ang makapagsasabing ang isang tao ay maaaring makasumpong ng tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng Panginoong Jesus lamang (sg. Juan 14:27) nang hindi na kinakailangang magpatalá sa Iglesia ni Cristo (1914) ni Manalo at paniwalang siya ang huling “Sugo” sa panahong ito.  

Hindi masama na magkaroon ng kaunting kaalaman sapagkat nagsilbing isang halimbawa na sa atin ang mga Israelita kung saan itinala sa Oseas 4:6, “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman…” Pinapa-alalahanan din tayo ng Apostol Pablo sa kaniyang unang sulat sa mga taga-Tesalonica, “Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay…” (5:21) Ang salitang “subukin” na ginamit ng Ang Bibliya ay nanggaling sa salitang Griyego na dokimazo[vii] na ang ibig ipakahulugan sa literal ay to test o pag-aralan. Isinalin naman ng Magandang Balita Biblia[viii] ang dokimazo bilang “suriin” sapagkat ipinahihiwatig din nito ay to examine o imbestigahan. Kung gayun nararapat lamang na subukin, suriin, at imbestigahan ang lahat ng mga bagay lalong-lalo na pagdating sa ating pananampalataya. Oo nga’t may mga mabubuting aral na itinuturo ang I.N.C. (1914) ngunit hindi ito nangangahulugan na tama din ang kanilang pagtuturo tungkol sa Panginoong Jesus at kaligtasan na Kaniyang inaalay sa mga tao. Maliban na si Eraño G. Manalo sampu ng kaniyang mga ministro at miyembro ay kumilala kay Jesus bilang Diyos na nagkatawang-tao ayon sa ipinahayag ni Apostol Juan, na ang kaligtasan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniya ay patuloy na ibibilang siya at ang kaniyang grupo bilang tumutuligsa sa tunay na Kristiyanismo. At kung magkagayon man ay patuloy din namang ibubunyag at itatama ng mga Ebanghelikong katulad namin ang kaniyang hidwang pananampalataya.

Send your comments to Johndaine but if you don’t have an email sign here.

Back to the top

__________________________

Footnotes:

[i] Ang bawat talata sa artikulong ito ay hinango sa Ang Biblia, (Manila: Philippine Bible Society, 1982).

[ii] Bowman, Robert Jr., M., “Orthodoxy and Heresy,” (Grand Rapids: Baker Book House, 1992), 38-39.

[iii] EGM Golden Years in the Ministry, Pasugo Special Issue, July 1997, 12-13.

[iv] Hindi layunin ng The Bereans: A.R.M. na siraan ang pagkatao ni Erano G. Manalo bagkus ay ipinapakita lamang dito kung papaanong sinisipi ng mali ng kaniyang mga ministro ang mga librong ginagamit nila bilang reprerensiya.

[v] Guanzon, Angeles C., “An Analysis of Religious Leadership in the Iglesia ni Kristo,”  edited by Leonardo N. Mercado,  “Filipino Religious Psychology,”  (Tacloban: Divine Word University Publications, 1977), 135-136.  

[vi] Tumutukoy sa lahat ng tunay na Kristiyanong nananampalataya sa tunay na katuruan ng Bibliya tungkol sa Banal na Trinidad, kaligtasan sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus lamang, pagka-Diyos at personalidad ng Banal na Espiritu at iba pa

[vii] Strong, James, “The New Strong’s Exhaustive Concordance of the Bible,”  (Nashville: Thomas Nelson Publisher, 1996).

[viii] Magandang Balita Biblia, (Manila: Philippine Bible Society, 1987)

Back to the top