On academics:
bakit last priority lagi engg sa enlistment?
bakit ang hihirap ng exam sa ES?
bakit lagi na lang akong umaabot ng late reg?
bakit kelangan pa ng mga taga-engg ang GE?
bakit si miranda ang hilig magbigay ng kwatro?
para saan ba yung mga MP?
bakit naputol yung string ng gitara ko nung speech ko sa comm3?
bakit kelangang pahirapan ang mga taong makakakuha ng subject?
pano ko nakuha lahat ng subjects ko this sem?
On commuting:
ano pagkakaiba ng SM North sa SM West?
bakit kung kelan umuulan sobrang init naman?
bakit nagca-cause ng traffic ang ulan?
bakit nagjejaywalk pa rin mga tao maski may pedestrian overpass sa bunbunan nila?
bakit maluwag pa rin sa bus ayon sa conduktor maski naaamoy mo na yung anghit ng katabi mong nakatayo?
bakit kung kelan wala kang dalang payong, tsaka ka uulanin?
bakit kung kelan tinanghali ka ng gising, tsaka ka uulanin?
pano bumabaha sa espaņa maski umaambon lang?
bakit parepareho tayo ng script sa jeep gaya ng "para", "sa tabi lang", "bayad oh"?
bakit pinupunit yung tiket sa bus pag nagbayad ka?
bakit abnormal yung weather sa pilipinas?
bakit yung pasahero pa ang nagagalit pag hindi sila nakababa kasi bawal sa gusto nilang babaan?
bakit ang hinuhuli ng MMDA yung mga driver maski ang cause ng violation eh yung mga lintek na pasahero na yan na kung saan saan pumapara?
bakit tinotolerate ng mga MMDA yung mga jeep na kung saan saan nagsasakay, maski sa No Loading/Unloading Zone?
bakit tinotolerate ng mga MMDA yung mga pedestrians na tumatawid na maski red light yung pang-taong traffic light?
bakit ang daming mandurukot dito?
bakit ang kukulit ng mga jeepney barkers sa boulevard?
bakit sinisiksik ng mga barkers na to ang mga puwet ng pasahero sa jeep maski hindi na talaga kasya?
bakit ka pinapara ng mga jeep maski hindi mo naman sila pinapara?
at bakit ka hindi pinapara ng mga jeep pag pinapara mo sila?
On religion:
san napunta yung mga kaluluwa nung mga taong nabuhay pa before christianity was founded?
san napupunta yung mga kaluluwa ng mga taong di pa nakakarating sa civilization nila yung christianity?
in the first place, totoo ba ang mga kaluluwa?
san nakatira si god?
kasama ba sa salvation yung mga muslim at mga hindu?
di ba tao rin ang nagsulat ng bible?
pano nakakasiguro na accurate pa rin ang bible after thousands of years and after lots of translations?
di ba language ng tao yung bible?
On life:
bakit nagpapabango pa rin ang tao maski alam niyang yung pabangong yun kumukupas in 10 seconds?
bakit ang inet inet dito sa pilipinas?
bakit ang lakas kong pagpawisan?
bakit lagi nalang akong naiinjured sa basketball eh lagi naman akong gwardiya?
bakit ang tatangkad ng mga kabarkada ko tapos ako lang ang pandak?
bakit ako lang inuubo sa mga tao?
bakit ang sakit ng ulo ko?
bakit walang nananalong psychic sa lotto?
On entertainment:
bakit puro gameshow yung mga palabas sa tv?
bakit yung mga artistang babae laging may blush?
bakit naggagayahan yung cahnnel 2 at channel 7, and both claim they're orig and number one?
bakit nagshoplift si winona ryder, rich naman sya?
On relationships:
bakit kelangang pahirapan ng girls mga guys?
para saan ang pagpapakipot ng mga girls?
bakit pag nagtatanong ang mga lalaki ng boolean questions, nirereturn ng girls string?
bakit ang torpe-torpe ko?
bakit hindi ako nagsalita?
ganun ba ko kabagal?
o pinalaki lang talaga ng tao yung issue?
o pinalaki ko lang?
bakit sadyang malabo ang buhay?
On sports:
bakit gustong dakdakan ni Asi Taulava si Yao Ming nang harapan?
pano madadakdakan ni Asi Taulava si Yao Ming nang harapan??
bakit ayaw ni Abbarientos sumali sa RPTeam?
bakit hindi MVP si jason kidd last year?
bakit si Tim Duncan ang MVP for two straight seasons?
pano naging MVP si Tim Duncan for two straight seasons?
bakit nasweep ang Pistons ng Nets?
asan na si bata?
ano ginagawa ni bata kay fpj?
bakit hindi kaya ni willie miller na buhatin ang red bull?
|