Ted Hannah
Parokya ni Edgar
Bigotilyo

Para kang kape... di ka nagpapatulog
Parang kagabi, gising ako hanggang tanghali
Di ko nga man lang alam kung sino ka talaga!
Kailan kaya kita makikilala?
Paano kung nasulat na sa notebook ng tadhana
ang kwento ng pag-ibig tungkol sa ating dalawa?
Di kaya sayang naman kung hindi natin susundin
ang nais na mangyari ng tadhana para sa atin?

Para akong tanga, di ko man lang naisip
na ang pangarap ay mananatiling panaginip.
Kung wala akong gawin upang makamtan ka,
paano ka tatama kung di ka tataya?
At pano kung may pa-contest na sinet-up ang tadhana?
At ang unang papremyo ay ang makasama ka.
Di kaya sayang naman kung di ko man lang susubukan
manalo sa pa-raffle na tadhana?

Hahayaan bang mapunta ka na lamang sa iba?
Nakwento ko na yata sa ibang kanta!
At paano kung hindi ako naakit ng tadhana?
Eh di sana ay hindi ako ang iyong sinisinta!
Di kaya sayang naman kung di ko man lang susulitin...
Ang alay na babae ng tadhana para sa akin!!