:: Site History ::   Websites ::  Webtools :: 
Siguro tinatanong niyo kung para saan tong site na to... dalawa lang ang sagot. una, kase noong gumagawa pa kami ng MP sa CS160 kina paski, one time wala akong dalang diskette. so problema ko nun kung pano ko matetake-home yung nagawa namin nung araw na yun. buti na lang nakita ko na may site si aldous, tapos sabi nya gawa din daw ako site tapos upload ko dun yung files. e di yun! lahat kami sa group nakinabang sa site namin ni dous. that's the first, para sa MP. pangalawa, WALA LANG. para kung gusto nyo akong kumustahin or wala kayong magawa, punta lang kayo dito either para kamustahin ako or para may magawa na kayo. kase wala rin akong magawa.
yung unang itsura ng site na to as in first ever eh ganito. so malamang wala pa kong masyadong alam sa html nun, puro basic lang. Version 1.0
Version 2.0 tapos sunod na nawalan ako ng ginagawa ay napagtripan ko yung notepad ng site tapos eto yung naging itsura. natuto na kong magtables dito.
tapos nung nagkandalecheleche na buhay ko kasi santambak na exam at MP nararanasan ko, nadamay ng aking emotions itong site kaya... Version 3.0
Version 4.0 nung nalaman kong pumasa akong EEE, e d ang sayasaya! kaya may nagawa na naman ako. dito ko unang nilagyan ng entry page itong site, yung una yung natutulog. natuto na kong magdisplay ng APPLET sa browser.
nung sembreak kung kelan we were supposed to relax.... eto na itsura nya... natuto na kong magscripting dito, at namaster ko na ang kilite ng tables. gumamit na rin ako dito ng css. tsaka tumutunog yung link pag mouseover. Version 5.0
nilagyan ko rin yung site ng embedded media. yung navigating page sa left tumutunog pag yung mouse eh nasa taas ng isang link, pero tinanggal ko na kasi di sya ganun kaganda pagon-line, kasi bumabagal yung client (that's you my frend). pag sa localhost lang matino. di lang yun nagexceed pa ko sa limit ng size of data transfer, tsaka nadadagdagan yung download time nyo dahil sa unwanted and unnecessary files. ang lalaki pa naman ng *.wav files. tsaka na lang may sarili na kong SERVER!
Version 6.0 nilagay ko pa dito yung picture ni Priestess of the Moon kaso pangit tingnan pag 800 x 600 resolution nung monitor. dito ako nagsimulang maglagay ng frames.
nagbago splash page ko dito, kaso binalik ko yung dati kasi corny. may pagkavariety itong version na ito kasi iba-iba hitsura ng bawat page (na hindi dapat). so dapat talaga consistent ang design. Version 7.0
Version 8.0 pinakaastig sa lahat... ginawa ko to nung christmas bakasyon, kaya walang ibang ginagawa. nung naturingan akong "webmaster", eto hitsura nung website ko. ganda layout, simple pero astig. kaso nga lang wala talaga akong panahong magupdate nun.
pero ito pa rin mas astig sa pinakaastig. holy week ko to ginawa kaya walang ibang ginagawa at napagtuunan ko to ng pansin. eto paborito kong version. desoLator 0.0
<< ^ >>