enter the graveyard shift
version_2.5_nocturnal
(* random quote from random poster, thanks.)
all rights reserved | copyright 2003
thegshift@yahoo.com

enter the graveyard shift
version 2.5 nocturnal -
what the day forbids, the night gives...*

navigation ... main ... nightfall ... daybreak ... dusk ... please tag my blog.

minsan

hanggang tingin na lang
dalawang-daang pulgada't kalahati
di ko alam kung paano ko natantsa
minsan

iiling tapos
ibababa ang mga mata
sa konkreto sa ilalim
ng aking mga paa
masakit
di ko alam kung papano ko natitiis
minsan

pero alam ko
hawak mo siya't
ika'y kanya
wala akong laban dun
di ko alam kung bakit
sumasagi pa sa isip kong
umasa
minsan

kamay sa aking balikat
iyo
kaibigan

at aangat ang tingin
mula sa konkreto sa ilalim
ng aking mga paa
at susubok
ngumiti
di ko alam kung papano ko kinakaya
di lang minsan

kundi
palagi
sa bawat pagkakataong
ganito ang sitwasyon

sa bawat saglit
na ang kamay sa balikat ko
alam kong
hindi ko naman
pwedeng angkinin

kahit minsan.