Yeba!Remembers... Second Sem AY 2001-2002

Introduction

Looking Back…

Akala ko hindi na ako makakalabas ng second sem nang buhay. Actually, di pa rin ako makapaniwala – what? Andito ako ngayon, practically simply looking back at second sem!? Unbelievable.

Major transition period ang second sem. And I hated transitions. I was never good at them. I must admit na kung nagkataong wala akong kaibigan sa UP eh malamang lang baliw na ako ngayon. As in yung type ng baliw na hindi na nagsasalita. Ganun.

Maraming firsts ngayong second sem, feel ko nga mas marami pa kaysa sa mga firsts nung first sem. Come to think of it, tama rin lang dahil first year pa lang rin naman natin yun di ba? (teka parang ang gulo… but anyway…)

Wow. Feel ko talaga parang 2 taon na ako sa UP. Pano, feel ko may hang over pa rin ako sa high school, yung tipong sampung buwan mong pagtitiisan yung lecheng subject na yun (example: Chem, Math, etc…) not to mention yung mga most-of-the-time-Hayup na mga teacher na yun. Kayo, namimiss niyo (pa) ba ang high school? Kapag uma-attend ba kayo ng mga debut concerning the high school crowd eh may nostalgic feeling pa ba? Ako… well, hindi na, wala na, tapos na. Bakit? Basahin niyo na lang ito – :: why I never really looked back at high school ::

Anyways… as I was saying, maraming firsts nung second sem. Hindi ko talaga makalilimutan ang madugo mahaba masalimuot at kung anupamang M-word ang pwedeng gamitin to describe… REGISTRATION! Hay naku, naranasan natin ang biyaya (at lupit) ng CRS, nadaanan ang hirap at hinagpis ng PILA, at nadama ang ultimate feeling of fulfillment sa unang glimpse natin sa *sniff!* first EVER form 5 na pinaghirapan natin nang todo-todo, yung tipong pawis at dugo – ganun.

Ngayong June, masasaksihan natin muli ang UP REG for the second time around (or para sa mga nag-summer, third na nga ba?) – at this time, WALA NA TAYONG KARAPATANG MAGING TANGA! Bakit?! Dahil… second year na tayo! OH. MY. GULAY. Is this tunay? Oh yes! Second year na tayo!

So, para sa mga gustong magbalik-tanaw sa Reg, UP style, bago tuluyang mawalan ng karapatang maging mangmang (ouch, I’ll miss that!) – :: madugo, mahaba, masalimuot, and other M-words ::

Aside from the UP style Reg, shempre, naranasan rin natin ang Pasko – UP style! Hayyy.. nakakaaliw ang Paskong UP, and I deeply regret not staying for the Lantern Parade, thereby missing the Miss Eng’g Beauty Pageant ng mga cross-dressers… (Raaaaab!!) kaya malamang, di naman ako makakapagsulat ng anything about that… grabe, naaalala ko nun, nasa bahay na ako nung mapanood ko sa TV ang live coverage ng Lantern Parade… super, nainggit talaga ako.

Pero if there’s one thing I remember about December 2001 in UP, it has to be… [drum roll please] Oblation Run! La lang, naalala ko raw ba bigla si Yen! Hehehehe… kakaaliw pa yung mga flyers ng APO – tipong walang ku-corrupt, who bought, who bad… alala ko si almi may collection nun eh hehehe… anyway, read more about this in :: takbo Oble takbo ::

At shempre, kung naranasan natin ang Paskong UP, naranasan din natin ang Valentyms – UP style… of course, sino ba naman ang makakalimot sa first ever nilang experience sa UP Fair!? Pebrero 2002 naman yun. Naalala ko minsan, tinanong ko kung bakit pa kasi nagkaroon ng Pebrero ang kalendaryo (haha, hirit ng date-less…)… pero matapos ang UP Fair, alam ko na kung bakit… hehe. Read it right here – :: make love not war: UP Fair 2002 ::

Being 1984 babies (hehe sorry na lang sa mga 1983 at 1985 diyan…) 2002 is, as expected, a DEBUT year for the ladies of the block… at para sa mga.. eherm… nakatatanda nang kaunti… nasaksihan ng second sem ang kanilang mga debut: Wenz, Almi, Julie, Mhel, Cat, at Jaycee. At Yen pa pala, sige na nga. Medyo nagdalawang-isip kasi ako kung debutante ba talaga si Yen eh… hehe, joke! Anyway, sarap talaga maging girl noh!? Heheheh…

Kung pwede lang sana na puro parties na lang at gimmick ang bumuo sa second sem… pero hindi naman makukumpleto ang second sem experience kung wala ang mga kawindangan di ba? At sino ba ang hindi nawindang ng unang major subject natin – Journ100! Hayy… kung saan-saan tayo dinala ng lintek na subject na yan! Group Reports – windang. Individual Papers – windang. Class project – windang din. Kung saang-saang opisina, kung kani-kaninong tao, kung anu-anong gimik at palusot – come to think of it, sort of relief na isipin na tapos na yun! Hehe, PERO… nakakatakot rin namang isipin na umpisa pa lang pala yun ng lahat! WHAaAaATt?! Eeeep… nakakapraning! Hayy… sa mga gustong mag-trip down memory lane – :: Journ 100 horrors ::

Pero shempre, for me, ang pinakamalaking pagkakaiba ng second sem sa first sem – mas kaiba pa sa Reg experience, sa UP Christmas experience, sa UP Fair, kahit sa Journ100 – eh shempre, yung hiwa-hiwalay na ng subjects, walang block. Of course, we were always there, so to speak. But we weren’t together. Dito talaga ako nahirapang mag-adjust, pwera kacharingan. Ang hirap talaga, lalo na yung first few weeks, ang hirap umattend ng klase na wala kang kakilala, tipong solo flight ka at wala kang choice. Ito ang mahirap about second sem – :: surviving second sem without the block ::

Well, siguro for some subjects, tulad ng J100, nagkikita pa rin most of us… pero nakakamiss talaga yung mga subject na tulad ng SocSci I nung first sem, yung sama-sama lahat… ni hindi nga tayo kumpleto nung J100 eh, hati pa sa dalawang section. Pero, suwerte pa rin kahit papano, having subjects such as Kas 1 kung saan walo ang yeba! dun, at medyo may pinagdaanan rin kami, what with the group presentations, and stuff. Para sa inyong mga kaklase ko ng Kas 1 – :: I love Kas 1!: remembering mhv2 :: Pero shempre, Kas 2 pa rin under Santillan - shempre, ika nga, first love, first loove never dies… *repeat. Heheheheh… deee, shempre di ba mas marami tayo nun eh…

About the other subjects… well, pinalad yung iba na magkasama-sama sa Philo, minalas nga lang nang konti kay Fronda. Windang na nga ang subject, windang pa ang prof. Hiwa-hiwalay rin ang SocSci 2, pero mas windang ata yung Pol Sci 14 para sa mga hindi nabigyan ng Soc Sci 2. As for Comm 2… tingin ko, depende talaga sa prof yan eh. Depende kung pumapasok sha o hindi…

P.S.  Gusto ko lang isingit, nga pala, who can forget the tantalizing performance (whatta description) of the street dance people nung Indakan… wahahahahah… nakakaaliw! Wala lang, naalala ko lang…


Ang Yeba after Second Sem

Maaari ngang some things never change talaga – si Cat at Fernando, going strong pa rin. Magaganda pa rin ang magaganda, although loveless pa rin ang mga loveless, ika nga ni Jaycee. Si Almi, pink pa rin. Si Jeng, mahinhin pa rin. Si Lawrence, nakangiti pa rin as always. Si Wenz, magaling pa rin magdrawing. Masarap pa rin ang ensaymada ng Fortune. Sina Kat, Aimee at Jobert, uno people pa rin. Si Hannah naman, soul sister pa rin. Si Yen, bakla pa rin. Si Stephen at Tin nasa Kalay pa rin. (I guess, next sem na magbabago toh) Kami nina Julie, Melay at Mamoo jowa pa rin. Ako, tagagawa pa rin ng site. Bangag pa rin.

Si ano, mahal pa rin si ano. Hindi na yata magbabago yun eh. Si kwan naman, jinojowa pa rin si kwan, at matapos ang ilang buwan, wala pa ring nangyayari sa sobrang bagal. And on top of it all.. wala pa ring nangyayari kina… you know. So basically, parang wala ring pinagbago… =)

Pero kung tutuusin, marami rin namang nagbago nung second sem.

    May mga nag-join ng org. Kami ni Melay, UJP na. Si Almi, na-induct na rin sa wakas, pero kasi dati nang sort-of member yun eh hehe. Sina Cy naman at Ice, JC na. (Talagang hindi naghiwalay eh no?) Si Dadu rin, kaso proby ata sha. Ganun din pala si Tet sa UJP, kasi raw priority niya ang UP Ame.

    May mga naging single. (Bakit may mga naging single, pero walang nagkasyota?!) Pero, may mga na-inlove rin naman…

    Si Ice nga pala, writer na ng Kule. Andun nga sha sa Valentines Day Edition ng Kule eh. (Oh the mush hahahahah…) at dun din nga pala niya nakilala ang kinakarir niya ngayon. Hehe. I’m saying too much. Anyway…

    Si Cy rin, over ‘him’ na raw. Pano, may bagong karir. Taga-Baguio. Tsk, tsk, hilig talaga yun sa… Igorot. Heheheh.. peace.

    Si Mhel may spark na sana sa love life, pinakawalan pa.

    Si John, aspiring model na pala, patambay-tambay na lang sa mga rampa. Palibhasa, pumapayat. (Argh! Bakit sha pumapayat ha?! Bakit!?) Nga pala, si Jay pumayat din. But that was because of an operation. Hindi sha nag-a-aspire maging model tulad ni John. Or that is, as far as I know.

    Si Limee, may bago na atang Doooodong. How true? ?

    Si Venus at Therese, lumabas ang kadaldalan sa logbook.

    Si Jawod, and the rest of the DMS clan (Desididong Mag-Shift) mukhang pangangatawanan na talaga ang direksyong gusto nilang tahakin sa buhay.

    May mga nag-let go na. May mga nag-give up na. May mga matatag, holding on pa rin until it ends.

    May mga nagtry magQuit. (ahem) Wala pa atang nagtatagumpay.

    Wala nang nalasing. Nadala na rin sa wakas. Pwera na lang sa mga sumisingit ng inom sa mga debut, pa-SanMig-SanMig Lite na lang. Wala nang gin. Sawa na. Or rather, dala na. (Pero I have this feeling na si Julie, tuloy pa rin… eh propesyonal yun eh.)

    Si Teejay naman, nakakamiss dahil dumalang ang dalaw sa Diliman.

    Namatay si Prue at nawala sa Charmed. Gumuho ang mundo ko. Hindi lang dahil sa namatay si Prue, dahil na rin sa hindi ako ang pumalit sa kanya. Lecheng Rose McGowan.

Epilogue: [intro ng egroups]

    Hayyy... at natapos ang isa pang sem. magkahiwa-hiwalay na, pero together pa rin in spirit. di naiiwasan ang komosyon kapag nagkakasalubong sa kalsada. sarap talaga ng may blockmates.

    Matapos mawindang ang karamihan sa Journ100, sa mga interviews na hindi alam kung papano sisimulan, at kapag nasimulan na, di rin alam tapusin;

    yung iba naman, sa Comm II na hindi rin tayo pinatulog, mga lecheng note cards at bibliography na hindi matama-tama, mga 7am prof na hindi pumapasok at mga bolpen na nawawalan ng tinta sa kalagitnaan ng finals;
 
    matapos ang ga-tambak na SocSci II readings, kalahating sem na Plato lang, or more than 5 chapters na kailangan pag-aralan for a fifty-point exam;
 
    matapos ang Fronda, Philo, mga fallacies na masarap ipambara;

    matapos ang pagku-Quit na hindi matuloy-tuloy, matapos ang lahat ng corn na naubos at halo-halong tinungga, ang lahat ng gulaman na ininom sa paghihintay lumubog ang araw;

    matapos lahat ng sulyap na nakaw, at mga pusong naiwang (ehem) sugatan, kung di man durog;

    matapos lahat ng trahedya, tagumpay, uno, mababangong papa sa gym, katatawanan, at iyakan --- eto tayo. LINTIK LANG ANG WALANG GANNTI! tougher, bolder, sexier, better (yihaa!) - putcha, second year na tayo next sem! =) humanda-handa sila...


|Back|
 

all rights (and wrongs) reserved o achu the elder o copyright 2002 o
 
 

email: thegshift@yahoo.com