|
Tinig sa Ilang I: Ang nakikita ko ring 'yung pinaka-dulo sinasabi ritong
walang kapintasan, wag' nating puntahan 'yong physical, puntahan natin iyong
espirituwal. Bilang namamahala ng isang samahan sa pananampalataya. Eh ito
sensitibo ito 'no? Tanong natin, nararapat ba na ang isang mangangaral ha?
Pinagkatiwalaan ng kanilang myembro ha? At ah pinagtatapatan ng minsan eh hindi
na halos na...ibig sabihin na bagay na lihim ano? Nararapat ba na sa isang
mangangaral na ilitaw 'nya 'yan? Tinig sa ILang II: Ibulgar
Tinig sa Ilang I: Ibulgar 'nya 'yan na
katulad ng ginawa ng isang pare 'nung panahon ng katipunan ha? Na nang
magkumpisal iyong isang asawa ng isang katipunero ay anong ginawa 'nung isang
pareng 'yong? Sinabi. Binulgar ng pare sa gwardia sibil sa ah gobyerno ng
kastila na ito ngang Pilipinong ito'y me' plano at sila'y myembro ng katipunan,
ha? Ito ba naman, ito ba namang...itong...mangangaral na si Kingkong ano ba ang
ginawa? Ito po ha? Mga kapatid, wag' na kayong magtitiwala diyan na magsabi ng
inyong mga lihim sapagkat iyan po, iyang taong 'yan napapatunayan natin na
kapagka me' sinabi ka ibinubulgar, ichini-chismis niya sa kanyang samahan... |
|