Isyu, Dios merong hindi nalalaman

 
 
Tinig sa Ilang I: At ang nakakapagtaka pa po diyan, iyon pong sinabi niya na ang Dios po mayroong hindi alam. Hindi po ba nakakasakit ng damdamin 'yan mga kababayan? Mga kaanib diyan, papayag po ba kayo na ang Dios na kinikilala natin eh mayroong hindi nalalaman? Hindi ba't ang sabi sa Biblia ang Dios lahat alam lahat ng bagay? Ang Dios makapangyarihan sa lahat! Eh ba't sinasabi niya walang alam ang Dios? Mayroong hindi nalalaman ang Dios? Hindi tunay na Dios ang tinutukoy niya. Papayag po ba kayo ng ganon? Kinikilalang Dios hindi totoo? Patutunayan ko po sa inyo 'yan. Baka po kasi sabihin ng iba, de' sinasabi 'nyo lang 'yan eh. Dadagdagan ko pong muli iyong talata na sinasabi po ng iba tatlo lang daw ang alam naming talata. Ito dagdagan pa namin. Sa unang Juan, tres beinte. Pakinggan 'nyo po, itala 'nyo po.

"Sapagkat kung hinahatulan tayo ng ating puso ang Dios ay lalong dakila kaysa ating puso at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay"

Ang Sabi ni Ingkong, mayroong hindi nalalaman ang Dios. Ang sabi ng Biblia, lahat ng bagay alam ng Dios. Sinong paniniwalaan natin, si Ingkong na kinkokontra ang Biblia o ang Biblia na dapat nating saligan sa ating kaligtasan? Sana naunawaan nyo' ang aming sinasabi. Hindi po ba katotohanan 'yan? Mga kababayan, mga kaanib dyan', mag-isip-isip na po kayo...



HomeEli Soriano's Forum Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano member Mga Tuligsa ni Eli Soriano Kontradiksyon ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan