Isyu sa Iba't-ibang Pangalang Ipinarehistro ni Eli Soriano |
||
|
||
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ito ang nalalaman
ko eh, 'yung mga kapatid na nanggaling sa Suhay eh hindi na binautismuhan dahil
sa iyon daw ang totoong bautismo hindi ba? Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) 'Yung sa Suhay ba 'yon? Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Isinama ngayon sa Saligan, eh bakit ganon? Nagbago ng pangalan eh hindi na binautismuhan nga uli Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Automatic ho ba 'yon? Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Automatic nga ang kanila eh... Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Eh nakalagay po 'ron sa...constitution and bylaw ng Saligan, ang pagiging myembro kaylangan kang duktrinahan at bautismuhan ka ng otorisadong ministro. Eh na dissolve na nga 'yung Saligan eh di' dapat dito sa Bayan at t'saka 'don sa huling ah...ginagamit na pangalan eh dapat magkaron uli ng membership Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Bagong duktrina? Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Oho! Bagong duktrina. Inilagay nila 'ron, automatic! Lahat ng myembro dati, automatic. O, di' ho ba? Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ganon po ba nakalagay? Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) ...Nabasa ko dati sa...constitution and bylaw na ang bawat itinatayo 'nyang samahan eh 'me kase ang Dios Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Totoo ho ba 'yon? Nasaan po ang pruweba? Iyon nga po eh katulad ng sinasabi ng mga kasama 'nya, napaka-galing! Walang tumatalo! 'Asan ang pruweba? Eh sabi 'nya lang 'yon eh. Meron din namang mga patotoo na nagsasabi din sa ibang debate natatalo rin naman ang mga kasama natin eh di' ho ba? Kaya't ipakita nila. Hindi 'yung sinasabi lang nila, ipakita 'yung patotoo Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Siguro po para paglilinaw po sa mga nakikinig po sa atin ay basahin po siguro natin sa kanila kung ilang iglesia po ang pinarehistro nitong lider na hindi na sa Dios ang ipinangangaral Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Buti po ay basahin mo kapatid Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) 'Eto po... Iglesia ng Dios kay Cristojesus, haligi at saligan ng katotohanan Isa po 'yan! Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Eh pero bago pa siya nalipat naparehistro diyan meron siyang unang sinamahan na talagang kinikilala niyang sugo 'yung namamahala 'don Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Anong Iglesia naman 'yon? Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ah iyon po ay Iglesia ng Dios kay Cristojesus, haligi at suhay ng Katotohanan Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Di' dalawa na? Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo. 'Eto pa po ang isa, 'yung...pagkatapos po nung haligi at saligan meron pa po siyang ipinarehistro, 'eto po... Ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Cristojesus haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas Incorporated Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Pangatlo na 'yan Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo. Pang-apat po, 'eto pa po...dito po ako nabautismuhan... Bayan ng Katotohanan Incorporated Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Eh Bayan pa ba ng katotohanan 'yan? Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ay hindi na po katotohanan ang sinasabi eh. Eh ito pa po, pang-lima na po... Iglesia ni YaHaWaHa at ni YahaWaSaA HaMaSaYaHa Incorporated Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Eh siya pa hindi 'nya masyadong mabigkas iyan eh, laging nagkabulol-bulol siya eh. Narinig kong minsan 'yung binabanggit niya eh hindi 'nya halos masabi eh. Ewan ko kung...ewan ko nga kung ano bang...pag-iisip meron 'yan! Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo. Eh kapagka binabanggit 'nya po ito...Iglesia ng...hmm...Incorporated Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Para di' na siya mapansin? Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo. Kaya nga po kung...susumahin po lahat ng nandon pa, ano ho? Nandon pa, saan kayo 'ron? Katulad 'nyan sinabi ni bro. Jose na siya ay sa Bayan ng Katotohanan, ako sa Saligan Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Eh ako nama sa Saligan din eh Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) O, kaya nga iyong iba, saan? Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Baka 'don sa brand new name ng kanilang samahan? Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) International? Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo, ito po o... Members of Church of God International Incorporated Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) May napansin ako 'dyan kapatid, pinipintasan nila 'yung INC...hindi ako kumakampi sa INC ha? Wala akong kinakampihan kaya lang nadidinig ko na pinipintasan nila, bakit ano pinipintasan nila? Eh wala daw Ama, walang ulo, Cristo lang. Kaya nga ang sabi, Iglesia ni Cristo. Saan 'don ang Ama? Kaya 'nya binabatikos 'nung araw kasama...Iglesia ng Dios, may kasama tayong Dios at mayrong Cristo Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Sa kanila po nawala lahat eh Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Hindi! Meron pa rin! Iglesia ng Dios International wala na iyong Cristo...(audio) |