Isyu sa Bullet Proof ni Eli Soriano |
||
|
||
Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Bumalik po tayo 'don sa pinag-uusapan po nating kanina 'yun
tungkol po sa mga sasakyan...bullet proof po. Eh kapuna-puna po sinasabi po ni
Kingkong(Eli Soriano) na...kapagka mali iyong kanyang sinasabi eh barilin siya
ng armalite! Tapos nakasakay sa bullet proof? Eh di' po ba maliwanag na
pandaraya 'yan? Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Hindi eh me' sinabi pa siya eh...mga kapatid kapagka may isang mali duktrina ako na itinuro sa inyo...maghiwa-hiwalay na tayo! Layasan ninyo ang samahang ito! Sapagkat ibubulid ko kayo sa impyerno. Sana sundin na ninyo panawagang ito. Wag' na ninyong ipikit ang inyong mga mata sa katotohanang ito. Tularan ninyo ang maraming daan na sumasama sa amin...Ang Dating Daan sumasama sa amin. Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) "Sa katuwiran naman ho balikan ho natin, gusto ko lang...sa katuwiran naman ho talaga sa panahon natin ngayon..."..."wala namang masama 'ron na meron siyang bullet proof, sabihin na natin, tanggapin na natin iyon pero ang masama ho ron' pag-iba samahan na mas malaki pa sa kanya ang bilang ng mga kaanib pagsasabihan 'nya na masama dahil gumagamit ng bullet proof o gumagamit ng mamahaling sasakyan eh double standard siya 'non! Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ah...hindi pa 'yon ang aking ano eh napupuna 'dyan, meron pa akong napupuna eh gaya nga ng nag-text sa 'kin eh, ipinipilit 'nya na...kaya mo bang bilhin ang sasakyan nitong si Ingkong?...Hindi kina-kahoy ang abuluyannnnnn! Hindi siya nanghi-hingi sa mga kapatid para bumili ng sasakyan. Iyon ang mali! Hindi 'nya sinasabi ang totoo! Mga kapatid, itong bullet proof na sinasakyan ko ay bigay ninyo! Nasa pangalan ko lang!... Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Aaminin kaya 'nya ho yon'? Kung hindi naman 'nya aminin 'yon, saan ho kaya siya kumuha ng pangbili ng mga sasakyang mamahaling 'yon? Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Merong nag-text sa akin na...nainggit daw si Bert Miranda dahil si Ingkong eh nakaka-bili ng mga sasakyan na hindi hinihingi sa mga kapatid! Pero ang totoo t'wing magmi-meeting ang mga opisyal 'yan ang laging binabanggit ang bullet proof! Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Eh papaano pong hindi makakabili ng bullet proof eh iyon lang kinakain po ng mga kapatid Linggo-Linggo 'yung food pack na galing po sa Apalit eh pinababayaran po iyan sa mga kapatid...(audio) |