Isyu sa Dyario

 
 
"Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) 'Yung kanyang pinagkaka-kitaan, 'yung dyario po, naalala 'nyo po ba 'yon kapatid?
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ah...oo. 'Yan sa dyario na 'yan eh...ako'y...sasabihin nila matitisurin ako, hindi ako matitisurin. Kasi 'nung araw talagang unang-unang  labas ng mga dyario na 'yan eh gustong-gusto kong basahin, magaganda ang mga nilalaman! Mga lathalain, eh palibhasa siguro di' na kumikita iyong dyario kasi eh kung makikita ko don' sa opisina ng distrito'y nakatambak, tambak talaga! Ewan ko kung bakit natatambak? Dahil sa amin naman eh ang nangyayari kasi eh, ang dyario mula Lunes hanggang Linggo. Ang pagtitipon sa amin Huwebes at Sabado, 'yung mula sa Lunes, Martes, Miyerkules...babayaran mo 'yun! Kaya nga ng minsan tinuktok ko 'yung manggagawa, brad 'yung balitang binebenta mo sa ano eh panis eh! Pipiliting bayaran mo 'yon! Kasi pag hindi mo raw binayaran malulubog sa utang ang distrito, eh bakit ganon?
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ganito po kasi yon, 'yuong pong dyario na 'yon 'nung una po sinabi 'nyo nasisiyahan kayong basahin 'hindi po ba?
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Oo
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Sapagkat ang dyario po nayon ay para po lamang sa mga kapatid
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ah...para sa kapatiran lang...
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Para lamang po sa kapatiran 'yon
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Buti nalalaman mo 'yung mga pangyayaring iyon
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo, pero dumating po 'yung panahon na hindi po nababayaran 'yuon pong...publishing cost 'nya, sapagkat hindi nga po nabibili gaya po ng sinabi namin
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Oo, nakatambak 'don sa mga distrito eh. Nakatambak don'!
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Kaya, ano po ang ginawa nila? Ginawa po nila 'yang commercialize. Ibinebenta na po maging sa labas ng iglesia
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Oo. Kung 'yun bang dyario na 'yan eh maano...malaganap eh siguro makikita mo sa lahat ng news stand. Eh ako napapansin ko eh wala eh. Mabuti pa 'yong...ano...ni Mike Enriquez sa dyario sinasabi,...Imbestigador? Makikita mo sa mga news stand eh
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Pero lumaganap din po ito eh pero binago po nila 'yung format. Kaya nga po tayo naghihinanakit ngayon dahil sa 'nuon pong una sabi 'nyo nasisiyahan kayong basahin?
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ah ngayon ayoko nang ipabasa maski sa anak ko eh
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo! Sapagkat nilagyan na po nila ng kalaswaan po 'yan eh, 'yung dyario na 'yon na ipinagbibili po sa mga kapatid nuong una, malinis po sana ang nilalaman. Para po mabili sa labas ang ginawa po nila hinaluan narin po nila ng kalaswaan
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Oo nga. Kaya nga ang sabi ko hindi ko ipinababasa sa mga anak ko eh baka masabi ipinagtatanggol ko ang iglesiang ito eh kahit anong paraan ipinagtatanggol ko para wag' akong mapahiya, kasi kung mababasa nila 'yan susumbatan nila ako, ano ba 'yan Tay'? Ano ba 'yan? Bakit akala ko totoo 'yung iglesia mo bakit nagpapakita ng bold sa dyario mo?
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo! At saka ito po 'yung official na dyario ng kapatiran noon at ang kapansin-pansin pa po ay ipinangangaral po ni Kingkong (Eli Soriano) na bawal po 'yang kalaswaan"

Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Balikan po natin 'yuong isyu tungkol don sa dyario na ipinagbibili po sa atin noon. Ano po ang dapat nating mapansin doon? Hindi po ba kapagka kayo ay kolumnista 'nung dyario kayo dapat ang binabayaran?
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ah...ikaw ang babayaran non! Eh kaya nagkakaroon ng dyario dahil sayo eh pagkatapos eh ikaw pa ang magbabayad non, malaking kalokohan 'yon! Eh ang ginawa sa atin tanga tayo eh! Akala nila wala tayong naintindihan tungkol sa publikasyon, aba'y oo idadahilan ninyo eh...ah mga kapatid kayo po'y magsi-bili ng dyario dahil ako po ay mayrong column eh nakakahiya po naman eh hindi na nga ako pinagbabayad, iyon nalang ang maging bayad natin, tangkilikin natin ang dyariong 'yan. Ngayon, eh hindi ganon ang dapat mangyari! Siya ang babayaran! Tayo kahit hindi bumili wala tayong utang na loob
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Hindi naman po advertisement 'yung nakalagay sa dyario...
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Column 'yon, column! Kaya nga ginagawang tanga ang mga kapatid eh
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo, hindi ho tayo dapat ang nagbabayad, dapat tayo po ang binabayaran, siya ang binabayaran
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Pero ang nangyayari nga eh sinabi eh tayo eh bumili ng dyario, tangkilikin natin ang dyario hanggang sa magkatambak-tambak sa mga distrito 'yung dyario para makabayad don' sa sinasabi, pero hindi naman dapat tayo ang magbayad. Eh ang sabi ko nga don' sa manggagawa eh...ba! Panis na 'yang balita na ipinabi-bigay 'nyo sa ami ah!...(audio)
 

HomeEli Soriano's Forum Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano member Mga Tuligsa ni Eli Soriano Kontradiksyon ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan