Isyu sa Food Pack |
||
|
||
Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Eh papaano pong
hindi makakabili ng bullet proof eh iyon lang kinakain po ng mga kapatid
Linggo-Linggo 'yung food pack na galing po sa Apalit eh pinababayaran po iyan sa
mga kapatid... Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Aba...eh merong nagsabi sa akin 'nyan eh kapatid 'din eh na...hindi ko na babanggitin kung ano ang kalagayan 'nya sa iglesia pero ang sabi sa akin me' sinabi sa'kin 'don daw sa lokal nila eh nagdadala 'iyong mga manggagawa ng pagkain Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Iyong food pack po galing sa Apalit pa? Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Oo don' daw sa Apalit at luto daw ni Ingkong para mabili. Advertise 'yon eh! Luto ni Ingkong, baka itong mga kapatid kundi sabihing luto ni Ingkong eh hindi bumili. Pero ang nangyayari brad...'yung pag-aabuloy ng matapos na silang mag-abuloy eh syempre 'yung mga walang-wala namang mga kapatid eh wala namang ipang-bibili 'don sa food pack, ang mangyayari babayaran din ng lokal 'yon! Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano)Opo. Kaya ang food pack po kapagka dumating po sa lokal maubos sa hindi babayaran po ng lokal Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ang masakit pa eh binayaran na ng lokal bakit iyong mga kawawang kapatid eh na masasabi natin wala, eh bakit hindi nila ipakain 'don? Sino nagkakainan 'non? Inuuwi ba uli nila o sinasauli nila samantang bayad na 'yon? Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo. Sila-sila rin po ang kumakain... Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ay naku! Alam mo na ba ito Ingkong?! Alam mo ba itong nangyayari na ito?!...Sinasamantala iyong mga kabutihan ng mga kapatid! 'Nung mga inaatasan mong manggagawa! Ewan ko kung alam mo 'to! Kaya ang mga kapatid bagama't patuloy na dumadalo at nagtitiwala sa aral mo ngayon nanlalamig! Bakit? Dito sa mga kawalanghiyaang ginagawang ito!...O, hindi ba kapatid? Hindi ba kawalanghiyaan 'yan! Pababayaran mo sa lokal paghahati-hatian ng lokal 'yung sinasabing pagkain pagkatapos eh hindi pakakain sa mga ta lokal kundi sila ang magkakainan Tinig sa Ilang III: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Sinasabi pa po 'nya na...maaga palang daw po eh ubos na paninda 'nya Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Eh paano pong hindi mauubos eh maagang-maaga pa iniluluwas sa mga coordinating centers. Lalo na po dito sa Maynila at iyon nga po maubos at hindi binabayaran po ng mga lokal iyong mga food packs...(audio) |