Isyu sa Abuluyan

 
 
Tinig sa Ilang II: Kundi mapagpatuloy...
Tinig sa Ilan I: Ay bagsak na naman, bagsak na naman 'to. Sasabihin na naman 'nya,, ah alam mo, alam mo iyang announcer na 'yan hindi na ako nakapasa! Hindi, bibigyan nanga sana kita ng 50% eh, ha? Pero hindi talaga, tignan mo hindi ka mapagpatuloy, bakit? Eh dati ang aral mo eh naghigpit ka 'dyan sa puntong pag-aasawa eh, ha?
Tinig sa Ilang II: O 'yung mga MIC mo di' pag-aasawahin tapos di' siya papayag...
Tinig sa ILang I: Oo, bakit iyon pinayagan mo ha? Tapos iyang aral mo pa, ha? Sabi mo eh "isa lang po ang abuluyan dito sa samahang ito", ha? O tignan mo babasahin ko, tignan mo kung mapagpatuloy ka sa aral mong 'yan. Eh aral nang pinag-uusapan natin wala nang personalan, aral na 'to ha? Tignan mo, o! Ito ang mga klase ng abuluyan! Ha? Na ipinapakalat 'nyo sa buong kapatiran 'nyo.

Una, pasalamatan ha? Abuloy 'dyan sa pagpapasalamat, 'yung alay.
Sa Pagsamba, meron ding abuloy ha?
Bayad sa ribbon, naku! Meron din!
Abuluyan sa Local, meron parin ha?
Tapos, abuluyan sa Distrito. Aba! 'Yung gastos ng kanilang district office!
Tinig sa Ilang II: Sinasabi, kusang tulong daw iyon
Tinig sa Ilang I: Ah eh, ano man 'yan! Kusa o...pero sabi nang kapatid 'dyan narinig ko eh, "mga kapatid, ubligado po tayo!" O eh tignan mo naman 'yan ha?
Tinig sa Ilang II: Hindi na kusa ha?
Tinig sa Ilang I:  Hindi na. Ang sabi 'nung manggagawa, ang pangalan eh Bitoy, ay! Naderetso ko tuloy, ay di' bale. Anyway, ituloy natin. Abuluyan sa distrito

Abuluyan sa Division,
May mid-year pasalamat,
Year end pasalamat. Dalawa to' no? Pero ang plano nila magkakaroon pa ng dalawang panibago pa...
Tinig sa Ilang II: Oo, quarterly pasalamat

Tinig sa Ilang I: Oo. Tapos May handog
me' hain
me' maintenance
bayad sa tubig
Sa Television, dalawang channel ito
Tapos handog pasalamat ng taga probinsya
bayad sa ID
butter cup group
ticket sa concert
Abuluyan para sa ipagagawang parking space
Tapos meron ditong suporta ng butiki ha?
Tinig sa ILang II: Oo, 'yung butiki kase sabi nga eh hindi makapag...
Tinig sa Ilang I: Medyo bastos ito pero basahin natin...supporters club, hehehe! Anyway, ah...
ito po meron pang kabalikat sa pamamahayag ah? Isang libo ba per member...ah per membership.
Ilaw, telepono
Tulungan sa bautismo. Pati bautismo po rito me' bayad ha?
Tulungan sa mass indoctrination
takdang abuluyan
Abuloy para sa ginagawang hospital
Upa sa Coordinating Center
Para sa satellite,
bullet proof
At naku! Ang dami!

Ito po hindi ko na mabilang eh. Iyan po ang ah sabi ni Kingkong na kayo oras na kayo ilubog sa tubig para sa inyong bautismo, oras na kayo'y iniangat ha? Oras na kayo'y matapos mabautismuhan, meron na kayong...kaparte, saan? Hindi po sa kayamanan, may parte na kayo sa utang. Iyan na po ang katotohanan.
Tinig sa Ilang II: Abuluyan, abuluyan...



HomeEli Soriano's Forum Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano member Mga Tuligsa ni Eli Soriano Kontradiksyon ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan