|
Tinig sa Ilang I: Ang ukol naman sa pag-aabuloy. Dati po ay isang beses lang
po ang ating abuluyan sa loob ng isang Linggo sa samahang iyan. Ano po ang ating
batayang talata brad Jaime? Tinig sa Ilang II: Ito po, isulat po 'nung mga
tagapakinig. Kasi meron po nagte-text sa amin na sabi, ang alam lang naming
talata ay tatlo lang, ito dadagdagan po namin. Unang Corinto disi-sais uno
hanggang dos. "Ngayon tungkol sa ambagan ng mga banal ay gawin din naman ninyong
gaya ng iniuutos sa mga iglesia ng Galacia. Tuwing unang araw ng isang Linggo,
ang bawat isa sa inyo ay magbukod at magsimpan ayon sa kanyang iginiginhawa
upang 'wag nang gumawa ng ambagan sa pagpariyan ko" Ito po ang
sinusunod namin noon na ngayon po ay hindi na! Nagbago na! Ano po ang
katunayan na nagbago na? Paki-basa Sis. Revy... Sis. Revy: 'Eto po,
pakinggan po ninyo kung gaano karami ang abuluyan sa Ang Dating Daan.
Pagsamba Upa sa lokal Bayad sa tubig Telepono ID
Koryente SBN, UN37 RMS Copy Butter Cup Group Food Expenses Abuluyan sa Distrito Abuluyan sa LOkal Gugol sa Pasalamat
Mid-Year Pasamalat Year End Pasalamat Hain sa Pasalamat Upa sa
Coordinating Center Tulungan sa Bautismo Mass Indoctrination Supporters Club
Abuluyan sa Division
Tinig sa Ilang I: ....Abuluyan
at pasalamatan...ngayon, tatlumpung mahigit na po! Ano ang mapapansin natin?...Saan
po napupunta ang pera? Sa pangalan po ni Ingkong! |
|