|
Tinig sa Ilang I:
Sis. Revy, ako meron ding napansin eh. Ito itatanong ko kay Ingkong. Ingkong,
hindi ba don' sa Suhay nagpapatayo kayo ng mga gusaling sasambahan sa pangunguna
ni Ginoong Nicolas Perez? Hindi ba mayroong ipinatayong gusaling sambahan o
kapilya 'dyan sa Pasay sa Natividad St.? Hindi ba may kapilya din sa Pampangga
ng Iglesia ng Suhay? Hindi ba sa mga kapilyang iyan ay nangangasiwa ka ng
pagsamba?! Kung hindi ka tutol sa pagpapatayo ng gusaling sambahan, ano ngayon
ang nabago sayong mga aral? Ano ngayon ang mga nagtatayo ng sambahan? Minunura
mo! Tinutuligsa mo! Sabi mo, kinukuba ng mga ministro ng iglesia ni Cristo ni
Manalo sa mga myembro sa katatayo ng sambahan? Ikaw ang kuba! Sapagka't
napakarami mong abuluyan, wala ka pang sambahan! Lubog ka pa sa utang! Ang mga
myembro mo nagdadaingan na. Ikaw dumadaing sa kanila! Ginoong Ingkong, nagbago
na talaga ang aral mo. Noon pwede ang sambahan ngayon hindi na pwede ang
sambahan? Malaki ang ipinagbago! Subalit may napansin ako, nakabasa ako sa
Biblia na pwede ang bahay sambahan eh, may nakasulat na templo eh. At doon may
binabangit ka na templo pero ngayon ayaw mo na sa templo eh. Ano ba talaga ang
totoo? Ano ba talaga ang aral mo? Pabago-bago ka eh! Iyan ba ang sa Dios? Mga
kababayan, hindi ba ninyo napapansin iyan? Parang harap-harapan na tayong
niloloko ni Ingkong! Kaya nga kami nagpasya nga kami ng ganito eh, sinasabi
namin ang totoo! Dahil ayaw naming manatili diyan! Ayaw naming malugmok sa
maling paniniwala kay Ingkong... |
|