|
Tinig sa Ilang I: Mga kababayan, ang nais ko namang puntahan sa pagkakataong
ito ay iyong tungkol sa anim na samahan na inaniban at ipinarehistro ni Ingkong.
Mga kababayan, ang una po ay napaanib siya sa iglesia ng Dios kay Cristo Jesus
haligi at suhay ng katotohanan. Sampung taon po niyang ipinangaral ito! At ang
kinikilala po niyang sugo si Ginoong Nicolas Perez hindi po ang kaniyang sarili.
Pagkatapos naman po 'nyan nagparehistro pa siya ng limang iglesia! Ano-ano po
itong limang iglesiang kanyang ipinarehistro? Ang Una po, Ang Mga Kaanib sa
Iglesia ng Dios kay Cristo Jesus haligi at Saligan ng Katotohanan sa bansang
Pilipinas, Incorporated. Nag-parehistro din po siya ng Iglesiang ang pangalan ay Bayan
ng Katotohanan, Incorporated. Meron din po siyang ipinarehistrong isa pa, Iglesia ni
YaHaWaHa at ni YaHaWaSaHaMaSaYaHa, Inkorporeyted. At ang Huli, 'yung...Members
of the Church of God International, Incorporated.
Mga kababayan, hindi po
ba kayo natatawagan ng pansin diyan? Hindi ba kayo nagtataka sa anim na inaniban,
ipinangaral? At ipina...napakagulo at laging nagkakabaha-bahaging samahan 'yan...pabago-bago
at mga salungatang mga aral! Ang duktrina noon, nabago na po ngayon! Aral noon,
iba na po sa aral ngayon. Ingkong, mga MIC, tinatanong po namin kayo, alin sa
anim na iglesiang iyan ang tunay? Tinig sa Ilang II: Sandali lang brother
Jose...maputol kita 'dyan, sis. Revy, nasa Biblia sabi kasi itatayo ko ang aking
iglesia, isang iglesia lang, hindi naman sinabi na...itatayo ko ang aking anim
na iglesia eh meron bang ganon? Tinig sa Ilang I: Meron! Sila po! Kaya
po sila ...nagkaganon... sapagkat hindi na sila kinakasihan ng mahal na
panginoon...nagtayo ng anim na religion Tinig sa Ilang II: Ingkong,
nananawagan po kami sa inyo, wala ba kayong budhi? Wala po ba kayong konsyensya?
Hindi po ba kayo nababagabag? Pawang pangloloko ba ang gagawin mo sa iyong mga
myembro? O talagang mangmang kalang sa Biblia? Tinig sa Ilang I: Eh sa
palagay ko wala nang alam ngayon sa Biblia ang lider na ito eh?
Tinig sa Ilang
II: Bilib ako diyan, bilib ako Tinig sa Ilang I: Alam mo ang sinabi niya...
Tinig sa Ilang II:
Kahit madilim nakapagbasa eh walang ilaw nakakapagbasa Tinig sa Ilang I: Eh matalino 'yan!
Tinig sa Ilang II: Maraming alam sa Biblia, eh sa dahil sa
dami ng alam...nakurap Tinig sa Ilang I: Alam 'nyo ba't wala nang nalalaman
ngayon 'yan? Sis. Revy: Eh bakit wala na pong nalalaman ngayon?
Tinig sa Ilang II:
Eh siguro po kung baga sa computer, na-virus na 'yan! Tinig sa Ilang I:
Hindi po may natira pa po! May natira pa Sis. Revy: Meron po pero
na-delete! Tinig sa Ilang II: ...Sa ganitong
paraan ay nabibigyan natin ng konting kaaliwan ang ating mga sarili pero ang
totoo nagdaramdam po kami, bakit po? Sapagkat inilihis po ng lider na 'yan ang
aral ng Dios. Gusto po ba ninyo ng kaligtasan? Wag' po kayong manatili diyan.
Sabi nga po ng aming kasama na naunang nagsalita sa amin, Dios po ang bahalang
magdala sa atin! Dios po ang papatnubay sa atin. Pero kung mananatili po tayo sa
samahang iyan, mapapahamak po ang ating kaluluwa. Bakit po? Hindi na po iyan sa
Dios. Hindi na 'yan sa ating Panginoong Jesucristo! Ang aral na na sinusunod sa
samahang iyan, aral na lamang ng tao! Ang palatuntunang nasusunod sa samahang
iyan, palatuntunan na lamang ni Ingkong at ni Kaka... |
|