|
Tinig sa Ilang I: Ah baka naman sasabihin niya eh hindi naman sa tungkol sa
geography at history ah ako pantas kundi ah pantas ako sa Biblia
Tinig sa Ilang II:
O sa Banal na kasulatan Tinig sa Ilang I: Sa Banal na Kasulatan.Ah tignan po
natin ha? Meron sa kanyang nagtanong eh at ito'y naipalabas sa T.V., sinagot na
nila ito eh nakakatuwa nga ang kinalabasan eh. Ah anyway, tungkol don' sa
huhulihin ang Panginoon ha? Ang ah...nangyari sinabi po 'nung Kingkong na ah...'nung
huhulihin po, ang tumakas daw po tinanong siya, sino ang tumakas? Ang nasabi
niya, ang tumakas daw po mga ah...sundalo Tinig sa lang II: Dahil sa natakot
sila ng tagain si Malco na...Pedro, natanggal iyong taynga pinasaule ni
Panginoong Jesucristo 'yung taynga kaya milagro natakot sila
Tinig sa Ilang I:
Iyan! Iyan ang katuwiran daw! Iyan ang katuwiran niya pero katuwiran 'nya
'yon! Katuwiran 'nya 'yon ha? Pero ayon po sa Biblia, basahin po natin kung sino
ang tumakas Tinig sa Ilang II: O heto po ang nilalaman ng Banal na kasulatan.
Mateo beinte sais talatang singkwentay sais. "Dadapwat nangyari ang lahat ng ito
upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta, nang magkagayo'y iniwanan
siya ng lahat ng mga alagad at nagsitakas" Tinig sa Ilang I: Iyan! Okey,
maliwanag! Ano ang sinasabi 'dyan? Ang nagsitakas mga alagad hindi po mga
sundalo. Kaya nga nakakatuwa eh 'nung maipit-ipit 'yan eh bandang huli eh ini-interview
pati 'yung ano...meron daw yatang Willy. Sinabi raw don' eh ang tumakas naman
daw 'yung mga alagad. Eh 'nung bandang huli eh hindi na nila malaman kung ano
talaga, sila-sila nagkakakontrahan Tinig sa Ilang II: Nagkakatalo na
Tinig sa Ilang I: Oo.
Eh ang isninagot nalang, tumakas 'yung sundalo, tumakas narin 'yung alagad,
lahat nagsitakas hahaha! Tinig sa Ilang II: Kaya nga ang sabi, lahat daw,
lahat... Tinig sa Ilang I: Ay naku! Okey...
Tinig sa Ilang II: Pero
sinabi eh lahat ng mga alagad, hindi sinabi 'yung lahat ng sundalo at alagad
Tinig sa Ilang I:
Hindi lahat, oo... |
|