Panalangin, Pinalitan ng Concert at pa-Raffle |
||
|
||
Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) 'Nung araw kasi
nakikita ko 'dyan 'yung mangangaral na 'yan kahit na anong hirap 'nya, kaya ako
humahanga noon, kahit anong hirap ng kanyang ginagawa sa pananalapi hindi sa
nagsasabi sa kapatid, kapatid tulungan 'nyo naman ako, ako'y hirap...hindi 'nya
ginagawa 'yon! Ginagawa niya ang lahat ng kanyang magagawa ng hindi 'nya
hinihingan 'yong mga kapatid at ang nasasabi lamang niya ganito: ganito, ganito
ang ginagawa ko, ganito ang kaylangan pero bahala na kayo kapatid. Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo, nananalangin po tayo noon eh hindi po naghihingian Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) 'Ayan ang ikinagalit nila kay Bert Miranda 'nung magsalita siya ke' Luzy. Dahil ang sabi daw ni Bert Miranda inalis daw natin 'yong panalangin, pero 'yung panalangin sinasabing inalis ni Bert Miranda eh 'yung congregational prayer na kapagka tayo'y napipighati pumupunta tayo sa Apalit, nananalangin tayo sa gabi humihingi tayo tulong sa Dios. Iyan ang sinasabi ni Bert Miranda na inalis at ang ipinalit ay ang concert Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo...concert po at mga iba't - ibang uri ng pa-raffle po! 'Meroon pong 'pinabibili satin' kung ano...iba't - ibang uri ng mga ticket po na di' umano halimbawa po ngayon 'yuon pong basketball ay pinagkakakitaan narin po nila Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Ay sabi ko nga eh...sabi ko nga 'nung ano't...mismo narin siyang me' sabi eh ang hindi lamang niyang gagawin negosyo eh punenaria eh kasi gusto niyang kumita lahat eh. It's time to harvest! Tinig sa Ilang II: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) Opo, iyon po ang dapat na maging motto niya hindi po ba? Ngayon po iyong manonood lang po ng basketball na maglalaro po 'yung mga...district servant po na tinatawag at iyong iba pang mga MIC, may bayad po iyon! Tinig sa Ilang I: (dating Ang Dating Daan ni Eli Soriano) O eh hindi na kataka-taka 'yon kasi pagpunta mo sa araneta coliseum nagbabayad ka eh, eh siguro naman magagaling narin 'yung mga basketbolista ng samahang na 'yan (audio) |