Isyu tungkol sa Pulpito at pagsuporta/pagkakaisa kay Gringgo Honasan

 
 
Sis. Revy: At hindi lang iyan brother Jose at brother Jaime, may napansin din ako ukol sa pulpito. Alam natin na ang pulpito ang tinatawag na tribuna ay sagrado. Sa pasalamatan namin sa Apalit may tribuna 'din kami, may pulpito din kami. D'yan po itinuturo ang mga banal na aral ng Dios, ang kanyang mga katotohanan. D'yan inihahayag ang mga katiwalian ng mga religion. D'yan din itinuturo kung paano din maging mataas ang moral ng mga mamamayan nating mga Pilipino. Pero sa samahang iyan, nakakagimbal na pangyayari! Alam ba ninyo ang kanyang ginawa? Pinagsalita ang mga pulitiko, bakit pinapagsalita? Upang manawagan na sila daw ang iboto, sila daw ang pagkaisahan. Ang isa po sa mga nagsalita 'dyan si Gringgo Honasan. Tumatakbo po siya noon bilang senador. Dumating siya sa Apalit kinamayan siya. Tama lang 'yon, sabik ang mga myembro eh tama lang 'yon. Pero nagimbal kami nang papagsalitain siya sa stage ng lider naming palamura. Alam ninyo ang ginawa ni Honasan? Ang sabi niya kapag ako ay hindi nanalo, magsasagawa ako ng kudeta. Anong ginawa ng mga myembro? Nagpalakpakan! Nagpadyakan at nagsigawan, hindi magkamayaw na ingay ang naganap pero may nagawa ba ang lider namin? Pinuna ba niya ang tumatakbong senador? Sinabi ba niya na...banal na dako 'yan, hindi mo dapat gamitin iyan sa pagkampanya, hindi! Siya man, tuwang-tuwa din! At siya man nagpahayag din, suportahan daw namin si Gringgo Honasan. Ang akala ko sa samahan namin ay hindi po dapat magka-isa sapagkat tinutuligsa niya ang pagkaka-isa ng INC ni Manalo, nguni't sa samahan din palang ito nananawagan si Ingkong ng pagkaka-isa. Muli, nabago na naman ang direksyon, nabago na naman ang aral na aming sinusunod. Sa halip na banal na dako magturo ng mga banal na salita naging dako ng mga pulitiko...



HomeEli Soriano's Forum Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano member Mga Tuligsa ni Eli Soriano Kontradiksyon ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan