|
Tinig sa Ilang I: Maliban diyan sa pamamagitan ng pagiging sinungaling ha?! 'Nung
mangangaral na 'to ha? Eh, tignan mo, nagsumbong kung kani-kanino at sinasabi
raw na sila raw ay inaway ha? Sila raw eh ah kinawawa! Sila raw eh
pinagmalupitan! Eh kitang-kita ngayon eh ikaw ang nagmamalupit! Ha!? Tignan mo 'yan,
bintang ka ng bintang, eh wag' na tayong tumingin sa malayo, diyan na mismo sa
ah sa kalagayan mo at kalagayan namin dito ha?! Sino nagmalupit? Sino ang bumili
ng oras namin sa broadcast? O sino? Tinig sa Ilang II: Kinuha mo pa iyong
dalawang oras... Tinig sa Ilang I: Tapos nagdagdag pa ng dalawang oras...
Tinig sa Ilang II:
Para lang kami makasingit Tinig sa Ilang I: Oo! O eh hindi rin naman namin
kailangan din ang ganyan, alam naman natin na Dios ang nagpapasya. Bakit,
napapigil ba? Ah hindi natin alam ha? Kung ano ang magaganap pagkatapos nito.
Basta ito tuloy-tuloy mga kababayan 'wag kayong mag-alala rito't mga kapatid ha?
Pag-aralan 'nyo lang lalo na sa loob na 'yan. Eh hindi na nga sumasagot eh. Ang
nakakatuwa pa eh me' binangit pa, sumagot naman pero halos ayaw diretsahin ha?
Sinabi nga raw na, o tignan mo 'yan si ah...walanghiya talaga iyan si Bert
Miranda. Akalain mong nagbroadcast pa! Tinig sa Ilang II: Hindi sinabi kung
saan ha? Tinig sa Ilang I: Oo, hindi sinabi dahil
akala nila mawawala na naman tayo sa istasyong ito eh wala, matatag na matatag
ang pamunuan dito...
|
|