BABY TONI

Toni! Toni!


Start Over

WELL-LOVED talaga ng kanyang mga magulang si Antoinette Taus, no doubt about that. At kahit sa pagkukuwento ng kanyang mommy na si Mrs. Cora Taus no'ng baby pa lang ito, mapapansing she is very adored by the family.

"She almost died. Five days kami sa hospital, pero, nahawakan ko lang yata si Antoinette noong day na lumabas na kami ng hospital. Noong umuwi na kami ng house, pini-feed namin siya, pero, after fifteen minutes, isinusuka niya 'yung kinakain niya.  So, ibinabalik namin siya sa hospital.  Kaso, tinanggihan siya, imagine, five days old na baby.  Eh, ang liit-liit ni Antoinette noon, she's just 6.5 pounds nang ipinanganak ko.

"Itinakbo namin siya sa Clark.  Maganda roon dahil halos lahat ng espesyalista, naroroon.  Pinapalitan ng formula everytime na pini-feed siya, pero, lahat 'yun, after 10 to 15 minutes, isinusuka pa rin niya. Hindi nila ma-detect kung ano ba 'yung reason.  Para 'kong maloloka noon dahil kapapanganak ko pa lang.  Sa Angeles pa naman, bawal ang bantay, so, nakiusap talaga kami.  Kaya ako, sa floor ako natutulog noon, pero okey lang, kesa naman nasa bahay nga kami, then, 'yung baby naman namin, nasa hospital.

"After nine days nag-improve siya, parang miracle. Hindi pa rin nila nalaman kung ano 'yung cause ng pagsusuka niya.  After that, she gain weight.  May midwife siya kaya kapag day time, sa amin si Antoinette, kapag nighttime, kasama niya 'yung midwife niya.

"And as a little girl, mahilig mag-perform si Antoinette.  Mayroon kaming jukebox sa restaurant, nandoon siya sa itaas, kumakanta at sumasayaw, gusto niya 'yung may crowd.  At kapag tumatawa siya noong baby, 'yung two hands niya, pumapalikpik, parang chicken.

"Mayroon ding unan si Antoinette na noong baby pa lang siya, hindi na siya makakatulog kapag hindi niya amoy-amoy 'yun, hindi nga namin maintindihan kung ano ang gusto niya roon.  Sari-sari na ang amoy.  Ilang taon na si Antoinette nang alisin ng daddy niya, tiningnan kung ano ang magiging reaction niya dahil hindi na healthy for her.

"Since first baby, palagi kong kasama 'yan.  At one month old pa lang siya, nailusot ko na siya sa sinehan, palibhasa maliit, naisimple ko at naipasok sa sinehan.  Every work ko rin, kasama ko 'yan.  Nahiwalay na lang noong nagi-schooling na siya.

"And at three, ang dami-rami na niyang country na napuntahan.  Nakapunta na siya ng Europe, Mexico, Paris, States, Canada, Japan.  Kaso lang, wala na raw siyang matandaan doon sa countries na 'yun.

"Yung mga school sa Angeles, halos lahat, pinasukan niya, every year, nagta-try ng magandang school.  Kaya walang puwedeng magsabi na 'yun ang alma mater niya.  Elementary siya, gumagradweyt siyang valedictorian.  Noong nasa O.B., pang-second naman siya hanggang ma-accelerate at mag-DECS, then, Ateneo na nga.

"Noong maliit siya, 99% that time, kapag nagbi-VTR siya, siya na 'yung napipili.  Noong manood kami ng Bb. Pilipinasa na si Alice Dixson ang nanalo, candidate naman ang daughter ng friend ng daddy niya, si Valerie Antonio.  Nakita siya ni Jojo Veloso, sabi sa kanya, 'what a beautiful girl!' Isinama siya sa commercial, 'yung Johnson & Johnson, si Valerie 'yung gumanap na mommy niya.

"Noong maliit pa ang mga 'yan, every weekend, palagi kaming nasa five-star hotel si Antoinette, kapag pauwi na kami, ayaw pang umuwi.  At saka, noong maliit pala 'yan, kamukha siya ng daddy niya, si Tom, ako ang kamukha.  Pero noong magsilaki na sila, nagkabaligtad na, mabuti naman."

source: Superteen No. 154