SUNSHINE DIZON ON TEEN CONFESSION

My full name is Sunshine Cansancio Dizon.  ‘Yung baptismal record ko, ang pangalan ko ay Margarette Sunshine Cansancio Dizon.  Kasi ‘yung mga lola ko, Spanish.  Actually, ang gusto pa nga nilang pangalan ko ay Margarita, pero, hindi pumayag ang mama ko.  Kasi sa birth certificate ko, Sunshine Cansancio Dizon lang.  Wala naming nagiging problems kasi, ‘yung ginagamit ko naman ‘yung birth certificate lang, ‘yung baptismal, hindi naman hinihingi.

Sabi ng mama ko, noong ipinanganak daw ako, mukha raw akong kostang daga.  Sobrang liit at sobrang puti ko raw, tapos ang pula-pula ko.  Pinanganak ako July 3, 1983.  Ang pangalan ng dad ko, Isagani Benzon Dizon.  Ang mommy ko naman, Dorothy Cansancio Dizon.  I have two siblings, the oldest is my brother, si Richard, then ‘yung second naman is Cathy.  Then, ako ‘yung bunso.

With showbizness, I started when I was three years old but actually ano ‘yun, no’ng mga two years old pa lang ako, nakitaan na ako ng mommy ko.  My mom used to be a producer, she produced shows and films.  Noong bata pa ko, I will go in front at kapag may nakita ‘kong sumasayaw sa TV, sasayaw ako.  Kanta ako nang kanta, as in, sobra!  Kahit saan kumakanta ‘ko, sa banyo, sa kotse, kahit saan kumakanta ‘ko.  Basta kanta ‘ko nang kanta.  Kasi noong baby pa ‘ko, mga nine months, nagha-hum na ‘ko.  Kapag nakakarinig ako ng music, noong one year old, medyo may tono na ‘ko.  Then, three years old, marunong na ‘kong kumanta.  So, kahit bata pa lang ako noon, hindi talaga ‘ko mahiyain.  At saka, sa aming magkakapatid, ako lang ‘yung hindi bulol.  Ako ‘yung pagdating ng three, fluent na talaga ‘ko.  At saka dati ‘yung hindi marunong managalog.  English ang salita ko, kasi lahat ng mga yaya ko, mga midwife.  Tapos mayroon pa akong yaya na nurse.  Hanggang sa matutunan ko na lang na mag-Tagalog dahil sa ate ko.

My first movie was God’s Little Children.  ‘Yung first movie ko na ‘yun, since my mom is a producer, sinasama niya ako sa mga meeting nila ng parang mga producer’s guild.  So, kinakatuwaan ako ng mga producers.  Kasi, when you asked me one thing, sobrang haba na ang sagot ko.  At saka kapag kinakausap ako noong bata ako, hindi ako batang umasta.  Ang sagot ko, parang matured na.  So, the producers gave my mom an idea na bakit hindi mo siya gawing artista.  Eh, magbe-birthday ako noon, so, ang ginawa niya sinabay na niya na parang blowout to meet me with the press.

Pero hindi naman ako full time sa showbiz dahil nag-aaral ako sa regular school.  And at that time, I was six then, my dad left for the States, eh, after a few months, gusto namin ng mama ko na sumunod kami sa States.  Eh, ang ginagawa kong movie noon, Kung Kasalanan Man with Dina Bonnevie.  May isang scene doon na parang papunta kami ng States, papunta na talaga kami noon at ‘yung bagahe naming ng mommy ko, nasa kotse na noon kaya diretso na kami.  I stayed in the States ng matagal-tagal din.  Funny, noong papunta ‘ko ng States, umiiyak ako kasi naiisip ko ‘yung ate ko, ‘yung kuya ko maiiwan.

So, I enjoyed States, ang dami kong pinuntahan.  Nag-celebrate din ako roon ng seventh birthday ko.  Surprise nila sa akin ‘yun, since hindi ko naman alam na magbe-birthday ako.  And I had to stop school dahil na-late ako sa enrollment.  Basta noong birthday ko na ‘yun, hindi ako aware na birthday ko kasi nga, hindi ako marunong magbasa.  Hindi ako nag-kinder, hindi ako nag-prep dahil nag-artista na ‘ko, magge-grade one na ko noon.   Pero parang I have this guts feelings na malapit na ang birthday ko.  Eh, sabi nila, birthday raw ni Ate Chedi, anak ng tita ko.  Tapos, tinitingnan ko ‘yung mga gifts dahil mahilig ako sa mga regalo.  Eh, may nababasa kong “S,” eh, I can recognize letter.  Hanggang sa masilip ko ‘yung cake, may letter “S” pa rin.  Kaya sabi ko, birthday ko yata ngayon.  Kaso, ang sabi nila, next week pa… ‘di sige, hindi ko birthday!  Tapos, noong nagkakantahan na ng happy birthday song, sinabi nga nila na birthday ko, ‘di sobrang cry ako dahil surprise nga!

Tapos, papasok na ‘ko sa school, kaso late ako.  Eh, kailangan ng entrace test, eh, hindinga ako marunong magbaso.  So, patay!  Sa St. Joseph College ‘yun, ang lakas ng loob ko, nag-entrance test pa rin ako.  Eh, namana ko sa mommy ko ‘yung maabilidad kasi ako, ginamit ko ‘yung charm ko kasi, artista na rin ako noon.  Sinabi ko sa proctor na Ma’am, naiwan ko ‘yung salamin, ko, puwede bang pakibasa n’yo ‘to?  Pero ang totoo noon, hindi ako marunong magbasa.  Eh, since ang memory ko, very photogenic, binasa niya lahat ng questionnaires kaya nasagutan ko.  Bibilugan mo lang naman ang tamang sagot.  Nasagutan ko lahat at lumabas ‘yung result, pang-third ako sa kumuha ng exams at three mistakes lang ako.

Tapos, pinatawag ng Mother Superior ang mommy ko, sinabi na, “You’re child is very bright!” pero, pinapili ang mama ko, hindi kasi puwedeng artista sa St. Joseph.  So, ‘yung mommy ko, she decided na hindi na lang ako magso-showbiz.  Kasi sabi nga ng madre, matalino raw ako.  So, proper schooling na, doon ako nabuking because my teacher asked us to read a certain phrase sa book, doon nila nalaman na hindi ako marunong magbasa!  Nakakahiya talaga ‘ko! So, inamin ko na sa kanila kaya namangha naman silang lahat na papaano ‘kong naka-three mistakes na hindi ako marunong magbasa.  So, ang ginawa ng Mama ko, tinuruan nila ‘ko at binilhan nila ‘ko ng mga libro.  After three weeks lang, marunong na kong magbasa.

Ngayon naman, tumatawag naman sa amin ‘yung company ni Tito Dolphy para sa Magandang Gabi ni Dolphy.  So, sinasabi ng mga katulong naming, hindi na ho yata mag-aartista.  Eh, one time, tumawag nga si Dolphy.  At sinabi ng katulong naming na kinukuha raw ako para mag-regular.  Biglang nag-freak out ang mommy ko!  Sabi niya, ano?  Bakit hindi mo sinabi?  Si Dolphy ang kasama niya!  Hanapin natin ang numbers!  So, ang dami talagang offers, pero, tinanggihan naming lahat ‘yun.  Mag-aaral na talaga ‘ko.

Imagine, grade one ako, pero, ako ang President ng Math Club.  Genius talaga ‘ko nu’ng bata ako, pero nagbago na rin ‘yun noong tumanda ako, ha-ha-ha!  So, nahanap namin ang number kaya balik na naman ako ng showbiz.  So, pagdating ng grade two, lumipat na ‘ko ng school kasi, ganoon talaga ka-strict ‘yung school sa mga absences.  And another reason is nagkamali ‘yung isang teacher sa pagbibigay sa akin ng line of 7 sa card ko sa Math, eh, ako pa naman ang President ng Math Club.  Kaya noong nagreklamo ‘yung mama ko at tsinek niya ‘yung mga results ng test papers ko, sinabi no’ng madre na papalitan na lang daw dahil nagkamali.  Kaso, my mom was really hurt dahil parang hindi sila responsible.

So, I transferred to Sunny Hill, dire-diretso lang, school at saka movies.  Magaganda rin ang grades ko, nagho-honor din ako.  Tapos, grade five ako noong ginawa ko ‘yung movie ko with Tito Ronnie Poe, ‘yung Hindi Pa Tapos Ang Laban.  We shot that in Vigan.  Sobrang bait ni Tito Ronnie, he even gave me a scooter as a gift, kasi, parang babay ako ni Tito Ronnie noon.  By nature, malambing talaga ‘ko.  I will hug him, pero, siyempre, ngayong dalaga na ko, hindi na puwedeng kumandong-kandong.  Medyo nag-suffer ‘yung schooling ko noon kasi, sa Vigan nga kami nagsu-shoot.

Noong grade six na ‘ko, gumawa ulit ako ng movie with Tito Ronnie, ‘yung Kahit Butas ng Karayom Papasukin Ko and we shot it in Bataan.  Eh, graduating ako noon, tapos sabi ng teacher ko, I have to try hard ‘coz, I’m running for honor.  So, ako, I tried everything to have a high mark.  Pero noong mismong graduation day, kinausap ako ng principal na hindi ako puwedeng umakyat ng stage dahil kapag ako raw ang binigya nila ng pin, magko-complain ang isang parent na bakit araw-araw ako naga-absent, eh, honor pa rin ako, I think, that is what some people don’t understand.  Some people are biased.  I think it also happened with Lea Salonga.

I was so sad by the news kasi, prior to that, binilhan ko pa ng damit ang Mama ko.  Sinabi ko talaga sa kanya na, Mommy, aakyat ka ng stage at ipi-pin mo talaga ‘ko!”  Ang yabang ko talaga no’n!  So, that time, hindi ko masabi sa Mommy ko, kasi, sobrang frustration ang napi-feel ko at baka ma-frustrate din ang Mommy ko.  Tapos, iyak ako nang iyak na hindi naman ako tinawag.  Tapos, nilapitan siya ng may-ari ng school at ini-explain sa kanya.  Pero sa card ko, nakasulat naman na top nga ako, kaso, hindi nga lang ako napaakyat sa stage.

Tapos, naging regular din ako ng Bubble Gang.  Nag-That’s Entertainment din ako pero, mga six months lang.  Tapos kinuha ako ng Viva for DATS, ‘yung pumalit sa That’s.  Sa Bubble Gang, okey lang dahil parang naglalaro ka lang.  Since, forte ko talaga drama, kaso sa show, lahat naman ng kasama mo mga luko-luko kaya okey lang.  Then, we got a call from Viva, that was November 11 para sa AnnaKarenina.  So, doon nga nag-start ‘yung 11-11 nila.

It went well naman hanggang I did my first movie as a teen, ‘yung Honey My Love, So Sweet.  Kinuha rin nila ko from T.G.I.S.  Tapos hanggang ngayon, heto na ‘yung bagong movie namin, ‘yung Kiss Mo Ko.

With regards to my career, okey naman, walang problems.  Kasi, parang everything went well.  Like ‘yung character ko sa T.G.I.S. and Honey… parang they we’re trying to follow ‘yung loveteam naming ni Polo (Ravales) sa Maricel-William loveteam.  I never dreamt of being a comedienne.  Shocks, hindi ako marunong mag-comedy!  Tapos, nag-Manoy and Mokong pa ‘ko, tapos, nalaman ko na lang na effective pala ‘ko.

‘Yung sa issue naman na hindi ko raw gusting mag-artista, well, parang ano lang naman ‘yan, like you do your own job, sometimes, you get frustrated with such things.  Parang ganoon din ang showbizness.  Kasi, number one, you don’t have a personal life anymore.  You’re a public figure.  You can’t do this and you can’t do that kasi, mayroon kang career.  And it is a fact that showbiz people doesn’t live a normal life.  We work from eight in the morning, till eight in the next day.  Tapos after all that you do, may maririnig ka pang, ano ba naman ‘yan?  So, sobrang hirap talaga!  Tapos, intrigues pa… so, sometimes, you get to a point na, I don’t like it anymore.

But when you sleep at night and you realized that it’s the only thing that you know.  The thing is you know how to do it and you’re earning a lot, so, babalik naman ‘yung same routine na you do taping, shooting.  So, ang sa akin na lang, I pray hard na God has given me so many blessings and God has give me so many reasons to be thankful about… my life, my family, my friends.  Marunong akong umarte, marunong naman akong kumanta at kahit papaano marunong naman akong sumayaw at kahit papaano, may utak naman ako.  At mayroon naman akong hitsura.  So, I have so many reasons to be thankful kaya kinalimutan ko na ‘yung mga angst ko.

Kung mayroon man akong problema, hindi lang ako nag-iisa.  At saka, kung iisipin mo ‘yung mga pagod mo araw-araw, iniisip ko na lang na napakaliit pa nitong mga ginagawa ko compared to what God has given me katulad ng ginawa niya ang mundo at lahat ng problema ng tao ibinibigay sa kanya, ano ba naman ‘yung problema kong kakapiranggot?  Everyday I thank God paggising ko na it’s another life at nakakakita pa ko ng araw.  Kasi ‘yung iba natutulog lang bigla na lang hindi nagigising.  And as much as possible, I try my best to help other people like when they have needs, I try to share my blessings to them, kasi, hindi naman habangbuhay na nandiyan ka.  So, take the chance to help other people.  Kasi kung wala ka na, wala ka na ring maitutulong, ‘di ba?

Sa lovelife naman wala pa talaga ‘coz I’m only sixteen.  Siguro nga ‘yung ibang tao iniisip na si Sunshine Dizon, tomboy ‘yan!  Lesbian ‘yan kasi, ‘di ba, parang naging craze na twelve years old, may boyfriend na.  Eh, ako kasi, pinalaki ako ng Mommy ko na hindi ako malapit sa mga lalaki.  Number one, my dad is in the States, so, I don’t cling with guys.  ‘Yung brother ko naman, hindi naman ganoon ka-close sa aming magkakapatid.  He has his own life at hindi ‘yung bonding na nagyayakapan, walang ganoon.  So, hindi talaga ako malapit sa guys.

Number two, my mom is so strict with calls.  Tatanungin kaagad, sino ‘yan?  Bakit ka tinatawagan?  Tapos sa mga party naman, tatanungin kaagad kung sino ang mga kasama.  My mom really took care of me.  I have so many boy friends and I also have so many girl friends, pero mas close talaga ‘ko sa mga girls.  Pero ang tingin ko nga sa idea na ‘yan, mas masarap kaibigan ang mga lalaki dahil ang mga lalaki, walang inggit.  Kaso nga, hindi talaga ‘ko lumaki sa mga lalaki kaya kahit may guwapo riyan, hindi talaga ako ‘yung, “Ay, guwapo!”

I play such character na kerengkeng, pero, in real life, I’m so quiet, I enjoy books.  I enjoy music.  I enjoy myself at home and calling friends once in a while.  Hindi nga ako telebabad, hindi ako ganoon.  Ganoon lang ang buhay ko.

For a guy, gusto ko lang ‘yung someone who can understand my job.  Someone who can accept me for who I am and someone who can accept my family.  At saka, mabait.

Actually ako talaga, parang ‘pag nakikita nila ‘ko, they have this perception na kalog ako talaga.  Pero in real life, tahimik lang talaga ko.  Kung tutuusin, ang tagal-tagal ko nang nakatira sa Pilipinas, pero, ang dami ko pa ring lugar na hindi nakikita.  Masyadong malayo ang pino-portray ko sa pelikula at TV sa totoong ako.  ‘Yung mga interest ko, mga simple things lang… I don’t look for extravagant things.  Siguro once in a while, I treat myself on that, pero, hindi ako extravagant.  Kasi ang mommy ko pinalaki kami na kung ano ang nandiyan, ‘yun ang gawin naming.  At saka mommy ko kasi, matipid ‘yan, magaling sa pera.

And some would say na bakit ganoon ang mga artista, napapabayaan ang pag-aaral?  To explain such remark, things only comes once in a while, hindi kami forever na sikat.  Ngayon lang dumarating bukas wala na.  So, we must get the opportunity to work.  Hindi pa rin naman namin pinapabayaan ang pag-aaral namin.  Ako, nag-aaral ako sa REPSCI, ‘yun nga lang, hindi ako sa regular school.  Pero alam ko naman na hindi ako forever artista.

‘Yung closing remark ko, this is in general, for every people. First in life, you have to be thankful for what God has given you. Number two, as much as possible, kung mayroon ka kahit kaunti, kahit piso na lang, ibigay mo naman ‘pag may nangangailangan.  Iba pa rin ‘yung nakakatulong ka.  At least, ‘pag namatay ka at tinanong ka sa itaas, mayroon ka pa ring maisasagot.

Third, huwag na nating isipan ng pangit ‘yung mga kapwa natin.  Kahit papaano, hanapin naman natin ‘yung maganda.  Hindi naman tayo perpekto and there’s no such person as perfect.  Kahit papaano, nagkakamali ka pa rin.

Number four, treasure things that are dear to you.  And from what I read in the book, sorrows and joy always come together.  Hindi mo mari-realize ang saya kapag hindi mo naramdaman ang pangit.  Kung puro saya, wala ring meaning ‘yun.  So, kailangan, mayroon munang lungkot.  It comes, that’s natural…

Isipin mo na lang na masyadong maliit lang ang problema mo.  At kung kokonti lang ang kinakain mo, give thanks pa rin dahil ‘yung iba, wala na talagang kinakain.  And find your own happiness.  Nobody can tell you that you should be happy for that or that will make you happy.  Nobody can dictate that, kasi, happiness mo ‘yun.  Kailangan hanapin mo ‘yun.

Life is too short and you have to take and grab all the chance.  Kasi, hindi pupuwede ‘yung paggising mo ng umaga, shock, patay na ‘ko, hindi ko na magagawa ‘yung gusto kong gawin!  Siyempre, patay ka na!

So, kung kailangan mong ayusin ang buhay mo, ayusin mo na habang maaga pa.  And thanks to the Lord and be thankful.