Feature Article:
DIET
QUEEN
NAGULAT at na-impress kaming talaga when we first saw Sunshine Dizon na slim na slim na from her past look na ay pagka-chubby naman talaga. At ngayon nga, masasabing mas bumagay kay Sunshine ang katawan niya with her height na maipagmamalaki rin naman.
How does it happened?
"Dietlang po! Sa foods lang talaga. May limit lahat tapos, tiis lang talaga. Ilang months ko rin namang pinaghirapan ito dahil matagal na rin naman akong nagda-diet. Ngayon ko lang talaga na-achieve ang perfect weight ko,” halatang proud niyang pag-uumpisa.
Dati ba, anong weight niya?
"Umabot po ako ng 130 lbs. Ngayon, 113 lbs na lang ako. Mga 110 lbs pa sana.
Hindi lang ako sure, kasi noong last akong nag-weight mga 113 lbs ako. Pero siguro ngayon, baka 110 lbs na lang.”
Ano ha talaga ang desired weight niya?
"Ewan ko kasi, sabi nila, perfect weight na nga raw ito. Kasi actually, below
normal na nga ako. Kasi, ang normal na weight 5'5" is 120 lbs. Pero for TV sana gusto ko pang mag-110 or 105. Kasi, gusto ko yung feeling na mala-model ang katawan ko. 'Yung kahit na ano ang isuot ko, puwede!
"Kaso, ayaw naman ng mama ko. Ang gusto niya, 'yung ganito lang. Ayaw naman daw niya ‘yung masyado akong payat”
Sabi niya, strictly food diet lang, pero hindi mai-aalis siyempre yung may
mga magduda na baka nag-take naman siya ng diet pills’tulad ng mga nauuso ngayon?
"Marami... marami nga ang nagtatanong. Ano raw ang ininom ko? Kasi, parang nowadays normal na for people to take something to lose weight. Pero ako kasi, maraming complication if I take medicine.
“Like ako, hindi ako puwedeng mag-take ng diet pills kasi, may migraine ako.
Nakaka-affect ‘yun sa hormone. Tapos mayroon din akong heart problem kaya
hindi talaga ako puwede. And besides, number one reason din yung I’m too
young, I’m only 16 years old.
“So, If I want to lose weight, it’s either I exercise or I limit the food. Pero I eat naman. Hindi naman 'yung hindi na ako kumakain. Kumakain pa rin naman ako.
'Yun nga lang, hindi na ko nagso-softdrink. At saka, iniiwasan ko na 'yung matatamis, 'yung mga prito. At saka, 'yung rice ko, one cup na lang a day.
“At saka, ‘yung fruits na nakakataba, less na rin.”
So, how does it feel na sexy na siyang talaga?
“In a way, I’m proud and thankful. Kasi, ang tagal ko rin namang nagtiis na
kahit gusto mong kumain, titiisin mo. At saka, panahon na rin siguro dahil matanda na’ko. Hindi naman pala matanda, but the right word is, dalaga na ko. I’m gonna turn seventeen na this July.
“I mean, ilang taon din naman akong hindi nakapag-tube. Siguro naman, kapag
nakikita n’yo kong nagge-guest, lahat ng kasahayan ko, naka-tube, kita ang pusod. Eh ako, palaging long sleeves! At saka, not only for appearance sake na rin, for well-being na rin. Kasi, kapag mataba ka, hinihingal ka. Hindi ka makakilos ng maayos. Mahirap sumayaw at mahirap gumalaw.
“At saka, sa showbiz, let’s face it, sino ba naman ang gustong makapanood ng
artista na bida na mukhang lumba-lumba, 'di ba?”
Naku... parang in a way, napapatamaan niya si Kim delos Santos, huh?
“No, Kim naman is trying to lose weight. And she lost na rin. She came from I
think, a hundred and fifty. Pero ngayon yata, hundred and thirty eight na lang siya. Pansinin n’yo rin from her past appearances, ang laki na rin ng pinayat
niya.
"Actually, pareho kami niyan na kapag nasa taping, mga diet queen! Hmmm...
tama na ang rice! Ganoon. So, ‘yun! And she’s trying her best naman. At saka ang liit na rin ng mukha niya at beywang niya. 'Yun nga lang, malaki pa rin ang balakang niya, pero, okey lang. Makukuha niya ‘yun, exercise lang.”
Anong sey ni Polo Ravales sa pagbabago niyang ‘yan?
“Okey lang naman... he knows naman na I should lose weight at saka siya rin nga, dapat magpapayat na rin siya dahil tumataba na rin siya, eh,” natatawa na lang nitong pagtatapos.