Feature Article:

BIG THREAT DAW SI VANDOLPH KAY POLO?

I admit na he courted me for quite some time, pero hanggang doon na lang 'yun. Period. Close the book. Hindi ko siya binasted, hindi ko siya sinagot. Wala lang. Hindi namin tinuldukan. We're just friends.

SEKSING-SEKSI si Sunshine Dizon nang huli naming makatsikahan sa set ng Viva-TV produced GMA-7 drama series na Annakarenina. Dalagang-dalaga na ngang tingnan ang young actress lalo ngayong pumayat ito at na-accentuate pa ng kanyang long black shiny hair ang kanyang magandang mukha. At ang dibdib, huh, hindi puwedeng hindi mapansin!

Magpa-"dalaga effect" ba porke't New Millennium na?

"Siyempre dahil kailangan na, eh," ngiti nito. "Nakakahiya na ako. Kasi sabi sa akin ng mommy ko (Ms. Dorothy Laforteza), dalaga na raw ako so kailangang magpapayat na ako. So 'yun!

"Sabagay, matanda na rin talaga ako. Magsi-17 na ako kaya may disiplina na ako. Hindi na ako katulad ng dati na kahit hindi gutom, lamon nang lamon."

Pakiramdam ba niya'y dalaga na talaga siya?

"Hindi naman talagang dalaga," tugon nito. "Pero ganu'n na rin 'yun."

Dalagang in love o dalagang walang pag-ibig?

Nangiti uli si Shine. "In love sa work," sabi nito. "Pero loveless din. Ayaw kasi ng nanay ko dahil wala pa raw siyang nagugustuhan para sa akin. At saka wala pa ri naman akong nagugustuhan para sa akin."

Paano na si Polo Ravales?

"Naku, hayaan na lang muna," parang umiiwas na sagot nito. "Hindi kami ngayon masyadong nag-uusap. Basta nagkikita lang kami 'pag nagti-taping. Kasi marami akong racket na mag-isa, eh.

"At saka kailangang rumaket nang rumaket ngayon, eh, dahil mahirap ang buhay. Trabaho na lang muna dahil minsan lang dumating ang suwerte sa buhay sabi ng mama ko. Kailangan daw, hanggang kikita pa, di kikita.

"At saka marami rin akong pangarap ngayon. Marami akong gustong bilhin. Ganu'n."

Hindi kasama si Polo sa mga pangarap niya?

"Ewan ko," medyo naguguluhang tugon nito. "Kasi sa sarili ko lang, ang dami ko nang plano. Pero siyempre kasama rin du'n ang friends ko. Lahat naman ng mga tao, gustong masaya rin ang mga kaibigan nila. Pero as of now, I'm thinking of myself muna.

"Kasi before, ang outlook ko, anything goes, eh. Ganu'n ako. Kahit ano lang ang dumating, puwede na 'yun.

"Pero ngayon, in order to enjoy life, inuuna ko muna ang sarili ko at saka 'yung famiy ko. Hindi naman siguro pagiging selfish 'yun."

Year 2000 na, pero consistent pa rin sila ni Polo sa pagsasabi ng linyang "we're just friends." Kailan ba talaga sila aamin?

"Eh, kasi naman, we're just friends," tawa ni Sunshine. "At saka I guess I'm too young for love. I'm not yet ready emotionally. Magsi-17 pa lang naman ako sa July. Malayo pa 'yun. Malayo pa ang mararating ko.

"I mean I have 'friends' na nice naman, pero ayaw pa talaga ng mom ko, eh. Wala akong magagawa kasi bata pa naman ako."

Pero mukhang boto naman ang mom niya kay Polo, 'di ba?

"She likes Polo as my partner, like ka-loveteam, pero when it comes to a relationship wala pa talagang nagugustuhan ang nanay ko kahit isa. Basta kami ni Polo, we're working partners lang."

'Yun ba talaga ang dinidikta ng kanyang puso: ang makipagtrabaho lang ka Polo?

"I believe na you cannot really tell kung sino ang magugustuhan ng puso ko. Kusang darating na lang 'yan. Sa ngayon, I guess hindi pa dumarating talaga sa akin.

"At saka I enjoy myself naman as it is, eh. Parang masaya lang ako na ganito. Wala pa talaga, eh, so ayokong pilitin. 'Yung matters of the heart, hindi ko pa talaga ngayon iniintindi masyado. Hindi ko pa dinidibdib."

Kumusta na pala si Vandolph na balitang madalas pagselosan ni Polo?

"Vandolph and I are good friends," pag-uuna ni Sunshine. "Pero ngayon, we don't talk anymore. He used to (make ligaw) before, 'yun lang. Period."

Ba't hindi na sila nag-uusap ngayon? Binasted ba niya ito?

"Hindi naman. Basta wala lang," tugon ng young actress. "Siguro he's busy with his work and I'm busy with mine naman. So wala kaming oras pareho.

"I admit na he courted me for quite some time, pero hanggang doon na lang 'yun. Period. Close the book. Hindi ko siya binasted, hindi ko siya sinagot. Wala lang. Hindi namin tinuldukan. We're just friends.

"At saka tama lang naman, 'di ba, dahil sabi ko nga, kailangan nating magtrabaho na lang nang magtrabaho ngayon kaysa unahin pa 'yang mga lovelife-lovelife na 'yan? Deadma lang muna sa puso."©