Feature Article:

MAGKAIBIGAN PA RIN KAMI NI POLO

I guess, I’m not yet ready to get involved with somebody. Not yet, I’m not
yet ready emotionally and everything.

Matagal ding panahong hindi kami napasyal sa set ng Anna Karenina (ng Viva TV at GMA Channel 7) nina SUNSHINE DIZON, POLO RAVALES, DING DONG DANTES at ANTOINETTE TAUS.

Nasa Trinity College lang ang location kaya we wasted no time. Pinuntahan agad namin at nabutan namin du'n si Sunshine na limang oras na palang naghihintay sa iba pang stars ng naturang programa.

Pagkatapos siyempre ng konting kumustahan, inumpisahan agad namin ang pagtatanong kay Sunshine. Pinuna namin na tila malaki ang ipinayat niya. Alamin nga natin kung bakit?

"Ano nga bang bago? Pumayat na ako," sabi niya sa amin.

"Kasi kailangan na. Nakakahiya na. Sabi kasi ng mommy ko, dalaga na raw ako, so kailangan na nga raw na pumayat ako.

"So, ‘yun nga ang ginawa ko. E, tama rin nga pala siya dahil malapit na akong mag-17, so kailangang discipline. Hindi na ako katulad ng dati na wala na yata akong ginagawa kungdi kumain nang kumain," banggit niya.

Dalaga bang inlab o dalagang naghahanap ng manliligaw?

"Ah, in-love lang sa work, trabaho na muna at saka na ‘yan, no?" sabi ni Shine. "At saka loveless din. Wala pang natatagpuan. Wala pang natatagpuan. Walang matiyempuhan."

Tumaas ang kilay ng kasama namin nang sabihin ni Shine na loveless siya. Parang ayaw maniwala ng reporter sa sinabi ng dalaga.

"Ayaw pa ng nanay ko. Wala pa raw siyang nagugustuhan para sa akin. At parang ganu’n din naman ako. Wala pa rin akong nagugustuhan. Saka na lang yan. Sabi ko nga, trabaho na muna."

Pero paano na yung madalas "mangagat" sa kanya? Ang favorite leading man ni Shine ang tinutukoy namin.

"Ay,naku! Lumang issue na yan. Long forgotten. At saka, hindi kami masyadong nag-uusap ni Paul (tawag ni Shine kay Polo) ngayon. Nagkikita lang kami sa taping, other than that, hindi na.

"Marami kasi kaming raket. May kanya-kanya kaming pinagkakaabalahan. Sayang naman kasi kung hindi ko tatanggapin, di ba? Sayang ang panahon at pagkakataon. Minsan din lang dumating ang suwerte sa buhay ng isang tao. So, I’d rather grab that kaysa naman mawala pa, di ba? ‘Hanggang may mga dumarating na trabaho, tanggapin na. At saka marami akong pangarap ngayon. Marami pa akong gustong gawin. Lalo na ngayong bagong millennium. Kayod na muna. Saka na muna 'yang pag-ibig na 'yan. Naniniwala akong darating din naman ako diyan," pagtatapat niya.

Pero hindi ba't mas masarap magtrabaho kung may inspirasyon ka?

"Not at all! Kasi marami naman diyan na puwedeng magsilbing inspirasyon, di ba? For myself and my family, siyempre, sila naman talaga ang inspirasyon ko.

"Of course, I still have plans for my friends. Lahat naman siguro ng tao, gustong makitang masaya rin yung mga kaibigan mo pero as of now, I’m thinking of myself muna. Kasi dali ang outlook ko tipong anything goes, e.

"Ganu’n ako dati, kung ano ang dumating, sige puwede na ‘yan, e. Iba na siyempre ngayon lab na’t nagma-mature na ako. Iniisip ko ngayon na in order to enjoy life, hindi naman siguro selfish na mahalin mo muna ‘yung sarili mo kaysa iba, di ba? Kailangang mahalin ko muna ang sarili ko at pamilya ko before loving somebody. Inuuna ko lang muna ang family at sarili ko."

Wala ba talagang pagbabago sa kanila ni Polo?

"I guess, I’m not yet ready to get involved with somebody. Not yet, I’m not yet ready emotionally and everything. Magse-seventeen pa lang naman ako sa July.

"Malayo pa ang mararating ko. Marami pang puwedeng mangyari, di ba? So, why hurry? Mahirap kasi lab na kapag artista ka. Nagkakaroon ng conflict sa schedules. Well, in the first place, okay lang naman. At least, walang masyadong problema.

"Kumbaga, enjoy ako sa buhay ko. Na tipong walang nakikialam. Walang nagsasabi ng ganito o ganyan. I really enjoy my freedom. Kung magbo-boyfriend ako, tiyak magiging sagabal lang yan sa buhay ko.

"I don’t have anything against Paul pero talagang hanggang friends lang muna kami and he knows that. Si Paul din marami pang piano sa buhay niya at sa career niya bilang aktor,’ lahad ng dalaga ni DOROTHY LAFORTEZA.

Hindi ba’t boto naman ang kanyang mommy kay Polo?

"Oo naman pero gusto ng mom ko si Paul as a partner, alam mo 'yun, as a working partner. Friends? No problems. Pero when it comes to relationship, wala pang nagugustuhan ang nanay ko kahit isa. Mapili rin ang mommy ko, e.

"And Paul is a working partner. Hanggang du’n lang talaga. At ayoko namang suwayin kung ano ang gusto ng nanay ko," sabi pa ng kausap namin.

Kailangan bang nanay ang masunod o kailangang sundin and itinitibok ng kanyang puso?

"Kasi ako I always believe that you can not teach your heart to love someone. You can never tell your heart na kailangang bukas may boyfriend na ako, o kailangang maiinlab na ako. Hindi naman ganu’n, di ba?

"Kusang dumarating ‘yan. I guess, hindi pa talaga dumarating sa akin. I enjoy naman myself as it is. Masaya na rin naman ako nang ganito.

"Puwede ko ring sabihing I did fall in love but when I fall, I get out uli. Actually, marami rin naman ang aali-aligid pero talagang wala pa sa bokabularyo ko. In due time siguro kapag handang-handa na talaga ako.

"Ayoko rin naman kasing pilitin ang sarili ko sa isang bagay na talagang hindi pa ako handa. Mas mahirap naman ‘yung ganu’ng sitwasyon.

"And I would say, Polo and I are still good friends. Kahit bibihira na kaming magkita, andu’n pa rin ‘yung respeto at pagmamahal namin sa isa’t isa bilang magkaibigan. Kung magiging kami in the future, walang makapagsasabi. Ang importante, may respeto kami sa isa’t isa," madamdaming pahayag ni Sunshine. *