Tootsie Guevarra at Symon Soler

source: Moviestar Magazine
words by: German Moreno

Ibang klase rin ang nasaksihan naming friendship nina TOOTSIE GUEVARRA at SYMON SOLER na kabilang na ngayon sa grupong JEREMIAH.

Nasa That's Entertainment pa noon ang dalawang ito ay super close na talaga sila sa isa't isa. Kapag may mga shows ay lagi silang magkasama. Palagay ang loob ni Tootsie kay Symon. Hindi lang kaibigan, kundi para na ring kapatid ang turing niya sa young singer na look-alike ni GARY ESTRADA. At kahit na nawala na sa ere ang That's Entertainment, hindi naputol ang kanilang pagkakaibigan. Madalas pa rin silang nagtatawagan. Ngayon, nagkaroon ng bagong kabanata ang kanilang career. Sinuwerte si Tootsie na mabigyan ng break bilang solo artist at nakapag-record na ng sariling album. Si Symon Soler naman ay napasama na sa sikat na grupong Jeremiah at in demand sa mga out-of-town shows.

Sa darating na Nov. 18 ay magkakaroon ng pagkakataon na muling magkita at magkasama sina Tootsie at Symon sa pre-Christmas concert entitled Jukebox Jubilee. Ito ay isang fund-raising project ng Spirit of Love Community na ididirek ni Bert De Leon at gagawin sa Araneta Coliseum.

Makakasama nina Tootsie at Symon ang ilan sa tinanghal na Jukebox Kings & Queens noon at ngayon sa pangunguna nina APRIL BOY REGINO, VICTOR WOOD, RICO PUNO, MARCO SISON, EVA EUGENIO, CLAIRE DELA FUENTE, ARA MINA, JESSA ZARAGOZA, atbp.