Panawagan Para sa Balik-Torres 2004

 

Magandang araw po sa inyong lahat

Mga kamag-aral, guro, kaibigan at mga anak

Tayo ay nagkatagpo at nagkatipon

Upang sariwain, mga nakaraang taon.

 

Bago ang lahat, nais kong magpa-abot

Maraming salamat sa mga taong sangkot

Liz Reales Selorio, Eric Santos at Butch

Kalatak ang computer kahit walang tulog.

 

Gayon din naman sa taga-Australia

Thanks to Isabel Viola at Angie de Lara

Tessie Morales Cashmore, may pera ka pa ba? (pautang uli)

At sa ibang makupad sumagot tulad ni Lydia. (Sorry Inday, sa iyo natapos yong "ah")

 

Special mention din sa mga sumusunod

Lettie, Lolita, Malou at Ellen Allegado

"Wala ba kayong magawa during spare time n'yo?

Wala akong makita sa computer kundi pangalan n'yo. (Ibig kong sabihin, keep it up to encourage everyone)

 

Sa mga masigasig na taga Pilipinas

Prima Vera Ibarra at Remedios Saldana (Hi Remy! I remember the way you smile)

Ditto kay Ray, hoy pare, presidente ka pala!

Maraming salamat, nagmumula sa aming mga pusa (puso pala)

 

Sa mga hindi nabanggit patawarin nawa ako

Hindi ko sinasadya, hindi ko sini-sino

Ngunit, subalit, sapagkat, datap'wat, pero

Maalala ko ma't hindi, napakarami ninyo.

 

Sa mga kamag-aral, nais kong ihandog

This little gift of love, my small brain could think of

Dahilan sa inyo rin, kaya muling nagising

Utak na tulog, matagal nahimbing.

 

Mula nang isali n'yo ako sa larong patentero

Mga kaibigang may amag na, muli kong napagsino

Ngalan at larawan ninyo aking naging inspirasyon

Little pigments became large, in my imagination.

 

Kaysarap sariwain mga taong nakaraan

Kay ligayang gunitain yaong kabataan

Di ko mawaglit di ko malimutan

Tig-si-singko lamang noon, ang buko't gulaman.

 

Before the start of class, do you remember then?

Tuwid tayong nakatayo sa gitna ng quadrangle

Pambansang awit ating kakantahin

Sa bilis ng plakang 33 and 1/3 rpm.

 

Valentines Day noon, hindi ko malimutan

Mga ganitong okasyon siguradong yugyugan

Marami ang boys kaysa kadalagahan

Mabilis ka pare dahil may "bakuran"

 

Si Lou de Castro na aking katoto

Nag-aabang kami kumukuha ng t'yempo

"Umpisa ng tugtog, tayo agad tayo

Para di masingitan, sa partner na gusto.

 

Naka-ilan'g sayaw ka na, ang tanong sa akin

Naka-dalawa na siya, ako ay wala pa

"Ano ang nangyari sa iyo, bakit ang hina mo?"

Matatapos ang party, ang score mo'y zero.

 

"Sino ba talaga ang kursunada mo?

Sweet ang tugtog, pagkakataon mo na ito"

"Hayon siya, kausap ni Lolita

Tall, dark and handsome... ang pogi talaga!(ahay!)

 

Isang anecdote naman ang aking inihanda

Sa mga guro natin, ang iba'y namayapa (sino pa ba ang mga tigasin?)

Ang sabi ni San Pedro doon sa kaitaasan

Iisa na lamang ang puwestong nakalaan.

 

Lapit agad ang doktor, at ang wika niya

Pinagaling ko po ang may sakit at may sakuna

Sabi naman ni Engineer "slide rule" ay hawak pa

Ako po ang nagtayo, mga gusali, tulay at tirahan nila

 

Anupa't nagsi-pila mangmang at matalino

Basurero, sorbetero pati mag-ta-taho

Abogado, pulis, mga taong gobyerno

Pero hindi impress si pareng San Pedro.

 

"Maghintay muna kayo, the list is incomplete ('langh'ya, Taglish din si Pete)

Isang kaluluwa pa ang hindi nasusulit

"Ikaw, ano naman ang iyong iuulat?"

Magalang na sumagot, "tinuruan ko po silang lahat"

 

Maraming salamat po aming mga guro

Sa aming kaalaman na inyong tinuro

Dahil sa sigasig namin at pangu-ngup'ya

Siguro hanggang ngayon hindi pa rin kami pasa.

 

Sa mga anak naman na aming hinihirang

Dakilai't mahalin ang mga magulang

Maitaguyod lamang kayo at magkaroon ng alam

Hindi baleng maghirap at magka-utang-utang.

 

Nana-nawagan ako sa lahat ng ka-klase

Balik-Torres tayo this coming February

Maraming sa-sariwain, siguradong may party

Kaya ngayon pa lang mag-ipon ng pamasahe.

 

Kaya lahat ng mga kamag-aral:

From North America at katabing Canada

From Down Under at malayong Europa

From the Middle East to tip of Africa

From other territories including Scandinivia

From the Phils. and other parts of Asia

Don't forget our re-union in 2004

Come one, come all!

‘coz I'm pretty sure, we'll have a great big ball!

 

Arnie Santos, 10 March 2003

 

 

Tayo Na, Hindi Na Mauulit Ito

 

Ngayon lang nangyari sa akin, sa tanang buhay ko

Di malaman ang isasagot, sa laman ng  email mo

Labis-labis ang pagkabigla, medyo napatunganga

Dahil di sukat akalain, talino mo'y kahanga-hanga.

 

Sinimulan mo sa panaginip, kay Rody na kaibigan ko

Sinundan mo ng panunukso, kay Isabel na utol ko

Nguni't di nalimutan, bigyang galang mga dakilang guro

Nagpakahirap, nagpakasakit, nang karunungan ay maituro.

 

Panawagan mo sa mga kaklase, sini-segundahan ko

Reunion sa isang taon, paghandaan at pag-ipunan ninyo

Pagkakataong ganito, hindi mauulit, hindi babalik ito

Huwag palagpasin, natitirang araw ay bilangin ninyo.

 

Butch Santos, 11 March 2003