KAPAYAPAAN O KAUNLARAN
Heto ang
KAPAYAPAAN na alam ko, kahit wala pang KAUNLARAN...
Si Nanay
ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang
mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron gumamela lang;
10
sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong
free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas
ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay
Maestro
at Maestra
Di
binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking
bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;
Grabe na
ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag
bagsak ka sa exams;
Simple
lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng
iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep
na Willy's noon.
Mayroon
kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl
ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter)
na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong ako para sa preno; patining
na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid
(pwede pang makipag-lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.
Di
nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.
Maraming
usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera
namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta
ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang
tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;
Butas na
ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal
ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa
modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di ba minsan
nangarap ka na rin... mas masaya noong araw! Sana pwedeng maibalik...
Takot
tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at
masasamang loob.. Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at
lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kaya ayaw tayong
mapahamak o mapariwara... Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
Balik
tayo sa nakaraan kahit saglit... Bago magkaroon ng internet, computer, at
cellphone.
Noong
wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game
boys.
Tayo
noon... Doon...
Tinutukoy
ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
Ang
pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka
ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan
tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang
calculator. Abacus lang ang meron tayo...
Pag-akyat
natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa kama; Pagtikwas o
pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo
ng babae;
Inaasbaran
ng mga suberbiyo ang usansiya; Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro
o buntot-page.
Nai-sako
ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang
tsinelas o sinturon?
Pamimili
ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman, bahay-bahayan na puro
kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa
takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa
bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng lukaok,
susuwi at
espada?
Susmaryosep
ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata... Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod
sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa
"kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may
tinola!
Yung
crush mo?
Pag
recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede
ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya
nougat o karamel;
Kung
gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat; Puriko ang
matika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap
magpa-rikit ng apoy.
Madami
pa...
Masarap
ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa
sawsawan, ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo, ang duhat kapag
inalog sa asin, ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo:
yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang
ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi
tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick
mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglululon
ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang
manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa
laylayan...
May mga
program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi
magi-isis ka ng desk.
Di ba
masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang
sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
Masaya
noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
Di ba
noon...
Ang mga
desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
Ito
ba ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa
dalawang ito
Ito ba
ito?"..
Awit
muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten..
Presedente
ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman. Masaya na tayo basta
sama-sama kahit hati-hati sa kokonti
Nauubos
ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa ..Naaasar ka kapag
marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya
sa holen
Yung
matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag
napapa-trouble tayo
Di
natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayon skyflakes at
Royal sa tabi
Kung
naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN
Pustahan
tayo nakangiti ka pa rin
Nasa iyo
ang susi... paki-buksan lang kaibigan..
Author Unknown