< N E W S > FROM ~ H T T P : / / T R E S E . R O C K S . I T ~

oo, seryoso ako. KUD0S! pansin na pansin na habang nag-ba na ang layout ng site ay hinding-hindi muna magiiba ang layout ng page ng news!!!! BWAHAHAHAHA!!!! =) (tip: wait for the falling letters / numbers above to finish falling. the title of this page will appear! i love javascript.)

strangely enough for the theme of this page... i haven't watched a single movie of the matrix trilogy. oh well. astig lang talaga! har har har.



time for a break from posing around. fiorgelato's

Ang Salita Para Sa Oras Na Ito
(or, The Featured Word This Point In Time)

  1. MAPAGSAMANTALA: adj. always ataking advantage of things.. this word can also be a denotation. ex. a person who abuses others.
  2. TIGIDIG: noun. mga butas-butas sa mukha, o kaya mga pimple..
  3. MAHAGWAY: adj. tall and well-proportioned.
  4. MATALIMHAGA: adj. meaningful or full of meaning (grabeh pareho lang! ü)

The Featured Website
(this point in time)

  1. >>BEERKADA.TK<<
    description: ang site na ito ay para sa mga mahilig magbasa ng comics, lalo na ang comic strip na BEERKADA na lumalabas araw-araw sa Philippine Star (The Only Paper You Read From Cover to Cover). ok din ang site na ito. kalog. at masaya. available na nga pala ang librong BEERKADA 3 sa lahat ng mga NBS branches.

  2. >>LILOANDSTITCH.COM<<
    description: wala lang talaga ako magawa... kayo rin. kaya magpunta na sa cute na site na ito. napakaraming features dito kaya masaya. ü

  3. >>THEHUNGERSITE.COM<<
    description: malapit na ang Pasko, kala mo ba? pasayahin ang mga naghihikaos na mga kaluluwa sa iba't ibang parte ng mundo sa pag-click ng link sa site na ito. magdonate ka ng cup of food- free! nirerekord ng site kung ilang beses ka na nagbigay sa mga kawawang bata ng mundo. kaya magpunta ka na, para gumaan ang konsiyensiya mo.

  4. >>SFOGS.COM<<
    description: nalalapit na ang halloween! at ano ang ibig sabihin noon? aba'y syempre, TAKUTAN NA NAMAN!!! ang saya-saya! ang SFOGS ay isang website na puno ng sangkatutak na kababalaghan, at tiyak na mangingilabot ka. WARNING: siguraduhing may kasama habang sinu-surf mo ang site na ito. enjoy! (S.F.O.G.S: Singapore's First Online Ghost Stories, or something like that. ü)
Pauline's Philosophy
(or, the world according to Pauline)

  1. (humanities) lesson number #2:
    "don't judge joey because he is NOT A BOOK!!!"

  2. (science) lesson number #1:
    "an egg is an element because perspiration is a chemical change."

(you probably don't believe this fact, since they teach things differently in schools.)

SOCIAL ACTION

maraming-marami akong comments tungkol dito.

POSITIVE:

  1. napasaya ang mga bata.
  2. umuwi ang aming mga alaga ng may maraming kagamitan.
  3. napanood naming sumayaw si jollibee!
  4. kumain kami ng chickenjoy!
  5. nakilala namin si kenneth!
  6. may nakita kaming bata na kamukha ni.. secret!!!! ü

NEGATIVE:

  1. walang gravy ang chickenjoy.
  2. may nakakainis diyan at natigil ang palaro ng one three.
  3. tumagal masyado. marami kaming kaklase na naiwanan ng sundo.
  4. may nakita kaming bata na kamukha ni.. secret!!!! ü
  5. hindi malamig ang drinks.
  6. medyo boring noong tumagal na.

tsaka, tanong lang.. mahalagang malaman ko ito... i>bakit hindi jinajabar si jollibee?!

SONGFEST

!!!!!!! finalist tayo! yeheeey... pero, hitit ng hangin! sa friday na ng linggong ito (Dec. 5) ang finals!!!!! anong kapalaran ang masasapit namin?! EGAD! whatever happens, we're aiming for the top!!! ^_^ no offense ha.. ü

PAROL UPDATE

nakasabit na ang aming mga parol sa Sportscom! asteeeg! ang gaganda! hanep talaga! super decorative at maganda tignan. at napasaya pa natin ang mga Social Action kids dahil sa ganda ng mga parol!

PAROL

ngayong linggong ito ay natapos na natin ang ating mga parol: at super iba't ibang klase! kung 'yung parol namin ay kulay mcdo(na may french fries pa sa itaas), meron ring parol na parang pang-fiesta, parol na gawa sa cellophane, parol na korteng anghel at lubos na orihinal, at meron rin --ayon kay sir gani-- na parol na para sa duwende (maliit kasi). ü ang mga iba pang natapos namin sa linggong ito ay ang CL portfolio (Ten Commandments) at ang PE portfolio na hindi ko na nalaman ang katuturan... *sigh* ü

ENGLISH COSTUME UPDATE

kahihiyan... o... kalupitan ng mga gurong inglisero? dyoskopo! ang lahat ng nasa unang taon, sa monday, ay magsusuot ng costume base sa paborito nilang nilalang sa HRR na librong kanilang nabasa. ARGH! astig din naman kasi kasama ang Joy Luck Club.. ok din naman ang activity na ito... pero sana hindi ka pumili ng kwento na puro mga nagsasalitang jayop kung ayaw mong pumasok sa MC na punung-puno ng balahibo.

FAIR

napakasaya ng fair! napakasaya at napakanakakapagod...!!!! ang saya mapurga sa teazers. naabot naman ata natin ang quota (whoo! hanep sila mafe at tippy sa pagpili talaga ng booth!) at sana nagenjoy din kayo sa adnexus at All Strings, kung saan naroon si Jay-R, na siya namang kinunan ng litrato nila Krizia sa cellphone. nakanaman!!!

ano pa ba? ah, maraming underwear at whatever ek ek ang binenta sa fair.. daming fnding nemo at Pucca na bagay... at, sabi nga ni Lora, colored socks. sarap tumawad! buti na lang dis yir walang sisiw na may kulay.. masama yun, wag kayo bibili ng ganun ü

oo kaunti pa lang ang pictures ng fair doon sa album ng site. wala pa kasi gaano nagbibigay. ü yun lang!

ENGLISH SPEECHES

tunay namang magaling ang ating mga kaklase! nakakamangha! lalo na si Pauline, si Mafe, si Karina, at si Lora! go one three!

ANO ANG USO SA ONE THREE NGAYON?

heto ang isang listahan:

  1. ang pagpapangalan ng mga interesanteng pangalan gaya ng Laurenza, Dalia, Elena, Adriana, Onor at Dolor.
  2. ang paggamit ng mga masalimuot, mahahaba at malalalim na salitang Pilipino.
  3. ang pagsambit ng 'n' evreh', at 'yoko na yoko na'.
  4. ang pagkanta 'in-chorus' ng 'whatever' at marami pang iba.
  5. ang pagbayad ng mga malalaking halaga kay Tippy.
  6. ang procrastination.
  7. ang mahusay na Bonding.
SOCIAL FIELD TRIP

hanep. ang tindi. iyon na talaga ang pinakaLATE na pagkabalik ko sa school pagkatapos ng isang field trip, at iyon na rin ang pinakaMALAYONG lokasyon EVER na napuntahan namin. BIRUIN NIYO: INTRAMUROS, MANILA, 4PM. hanep.

masaya rin naman yung field trip. lalong-lao na sa bus. pero mas masaya pa siguro kung:

  1. hindi pagod ang lahat ng tao (oo, pagod kayo. ano pa bang ekslanasyon sa inyong pagiging tahimik?!) sa dami ng project
  2. mas 'feel' natin na field trip na talaga (di ko ma-'feel'.. pagod din ako e)
  3. mas nakakakuha ng interes ang mga lugar na pinuntahan natin
  4. HINDI BAWAL ANG PAGDALA NG CAMERA!!!!!

pero.. alam nyo 'yun.. ok rin... sana lang, diba, na mas malakas ang boses ng tour guide natin noong nasa NHS tayo... parang doon sa isang grupo, ang laki siguro ng bibig nun, pwede mo na siguro saksakan ng isang buong pack ng clover chips ang bibig 'nunpara lang tumahimik siya.. haay.

isa sa mga lugar na sobrang natuwa kami ni mila ay iyung Bahay Silungan- este, Bahay Tsinoy pala. ang gara ng stairs, at ang sarap mag-skating kuno sa sahig!!!! ang saya noong stairs kasi pwede kang umikot ikot ng walang pinupuntahan... pinigil nga lang kami ni mila ni sir pino! hehe ü (nahilo ako dun ah! ü) tapos nagracing pa kami kina tippy at joh sa paikut-ikutan diyan sa hanep na stairs na yan... wheeee!!!!!

ang saya pala dun sa Clamshell ba 'yun?! ang sarap sa V-12!!! nagsisitinginan na nga yung mga dumadaan sa atin eh, akala kung ano ang maganda sa booth na iyon... ahhh... aircon!!!! &UUML; labo!!! ü may hindi nga lang ako ma-getz. bakit tayo pinahintay ng ubod ng tagal sa may WoW Philippines, nang nakaupo lang doon at nilalangaw na, habang may mga kung sino na humahataw sa plataporma? (uy grabeh na silah, ah! 'yung isang mama, may solo pa! todo na toh!) kawawa nga lang sila, parang wala namang nanonood sa kanila talaga.. ü

SOCIAL CONSCIOUSNESS WEEK

last week was science week, but it was also the lesser known Social Consciousness Week, wherein the class of One Three were treated to a talk about Martial Law by a special speaker during our Social period.

the speaker told his stories and experiences during Martial Law, and what real democracy meant. "..if you have more money, you are more free.." he relayed the torture and the now-famous personalities who abused the people during the military regime.

the speaker ended to loud, supportive applause from the class. ü

SCIENCE WEEK

opisyal na inumpisahan ang linggo ng siyensiya noong Martes, Setyembre 23, 2003. paano ba tayo nagbigay-pugay sa salamangka ng siyensiya? heto ang listahan:

  1. ang ilang piling grupo ay nakilahok sa Science Project Exhibit.
  2. binisita ng ating klase ang mga Exhibit sa IS Lab, Chem Lab at Bio Lab.
  3. naghanap ang ilan kay Nemo.
  4. nakilahok si Den2 sa paligsahan sa paglikha ng poster.
  5. nakilahok si Mafe sa paligsahan ng talino ng bubuyog (quiz bee?!)
  6. nakilahok si Alex sa paligsahan ng pagsulat ng salaysay ukol sa siyensiya
  7. para sa ibang baitang, nagkaroon ng debate at interschool na paligsahan sa paglikha ng poster
GO GLEE!!

hindi papatalo ang ating glee club, kasama na sina Yeyin, Jello at Dani! kung naaalala niyo, ang tindi nila sa pep rally. ghaleeng!!!! at syempre, pasado sila sa eliminations at pasok na ang MC sa... finals? o semi-finals ba? oo Jello, kasama ka sa ating winning team, weder yu layk it or nhot!!! ü

JnJ!!!

GO MC! grabeh! ang sarap doon, ANG DAMING ONE THREE!!! dapat talaga may plus points ako sa PE dahil napa-sign ko ang aking one-fourth! heto ang ilang highlights ng JnJ:

  1. nakakainis ang isang SCHOOL diyan (hint: katabi sila ng MC noon.. bwiset!)
  2. masaya paglaruan ang mga balloons na provided for ng MC
  3. sa sobrang saya naming magcheer, nag-iba ang boses namin pagtapos ng 10 minute performance ng MC
  4. at si LOTII- naku, si LOTII, tinapon straight up sa loob na loob ng mahahabang banner na nasa taas ng chhering area. ASTIG!!!!
  5. tapos si Rashmi, ni isang beses nahulog!!!!! dabes!!!!!
  6. isa pa, ang ating mga boosters, kasama ang mahusay na si Elaine, sobrang astig ng boses- walang kataas-taas at talagang hanep!
  7. sa sobrang tindi ng MC, dapat talaga mas mataas ang award na nakuha natin.
SCIENCE ORAL DEFENSE

tapos na iyon. ang galing ng one three, keep up the teamwork Ü

PEP RALLY!

nakita nyo ba sila Elaine at Rashmi doon sa pep rally?! hanep sa galing! napakaenergetic nila at magaling talaga (though i can't say the same for the lifters).... woohoo!!!!!

PAGLILITIS NI MANG SERAPIO

ang GALING NG BANAAG! tunay na napahanga ako sa kanilang kahusayan! ang galing ng lighting (hehe Pauline!)! nakakapangilabot, maraming simbolismo, at madugo... whoa! ang saya!!!!!

LP vs. COLLOID!

last College Day, Elphie was tried to the extreme as she one-handedly tackled a colloid of monstrous proportions.

the colloid, which, according to ms. joy, could also be called a plateful of jello (not to be mistaken with Jello), was presented to LP as a challenge: one she valiantly accepted. unfortunately, as she dutifully attacked the colloid, a piece of it somehow escaped her (and jumped from her table), thus eliminating her from the competition.

as LP was led away from the scene of the battle, she was heard to have muttered, "grabe. parang 'di mga tao 'to, 'o."