3 Tulang Di Tapos1. Posporo
Pula, itim ang mabilog na ulo,
yari sa pulbura.Ikiniskis sa bahay na kahon,
sumindi, nagliyab ang init.Naluto ang piniprito,
naupos ang sigarilyo.
Nakalbo ang bundok,
naputol ang mga puno.2. Lighter
May hubad na babae
sa kanyang pabalat.Pinagpantasyahan.
Pinagparausan.Naubos ang gaas,
naiga ang laman.
Nagasgas ang baga,
nawalan ako ng hininga.3. Nike, Converse at Reebok
Goma, katad at balat.
Makintab, matibay at makunat.Ipinaglaro, ipinorma. Nagbasketbol
Inilakad. Naggala nang naggala.
Nakiuso. Isinunod sa uso.Sumikat ang Koreyano.
Yumaman ang Amerikano
sa gawa ng Pilipino.1996/lungsod ng hen.santos