3 Tulang Di Tapos

1.    Donselya

    Pula, itim ang mabilog na ulo,
    yari sa pulbura.

    Ikiniskis sa bahay na kahon,
    sumindi, nagliyab ang init.

    Naluto ang piniprito,
    naupos ang sigarilyo.
    Nakalbo ang bundok,
    naputol ang mga puno.

2.    Lighter

    May hubad na babae
    sa kanyang pabalat.

    Pinagpantasyahan.
    Pinagparausan.

    Naubos ang gaas,
    naiga ang laman.
    Nagasgas ang baga,
    nawalan ako ng hininga.

3.    Nike, Converse at Reebok

    Goma, katad at balat.
    Makintab, matibay at makunat.

    Ipinaglaro, ipinorma. Nagbasketbol
    Inilakad. Naggala nang naggala.
    Nakiuso. Isinunod sa uso.

    Sumikat ang Koreyano.
    Yumaman ang Amerikano
    sa gawa ng Pilipino.

1996/lungsod ng hen.santos

Balik