Ang Ayaw Mo

Ayaw mo ng kalayaan.
Ayaw mo ng pagkakapantay-pantay.
Ayaw mo ng kapayapaan.

Sagabal ito sa aking paghahari.
Hadlang ito sa inyong pagkakahati-hati.
Sagka ito sa negosyo ng digmaan.
 

at Ang Gusto Ko

Gusto ko ng kalayaan.
Gusto ko ng pagkakapantay-pantay.
Gusto ko ng kapayapaan.

Upang magwakas ang iyong paghahari.
Upang tuluyang mapawi ang uri.
Kahit pa mangailangan ng digmaan.

Ika-26 ng Mayo, 1999/Indang, Kabite

Balik