ang babae sa dulo ng kabilang lamesa
(para kay mariel)
 
panay ang hagod mo sa iyong buhok
panay ang sulyap mo sa sulok
bawat kislot ng daliri mo’y may hatid na kutob
bawat kislap ng retina mo’y sa katahimikan dumudurog
 
tila yata gusto kitang hubdan
tila yata gusto kitang languyin
tila yata gusto kitang lakdan
tila yata gusto kitang sisirin
 
ano bang meron sa likod ng kamiseta mong itim?
ano bang meron sa likod ng mukha mong may lamlam-ningnig?
 
ang tutuo
sa kabila ng lahat ng ito
nais kitang makabahagi bilang tao
ika-24 ng oktubr,e 1998 / lungsod ng trece
Balik sa Main Page l Balik sa Kontents